"Nanang aalis na po ako. Andyan na po kasi si Red s'ya po susundo sakin po eh." Paalam ko kay nanang habang binibitbit ang mga gamit na dadalhin ko.
"Nandyan na ba yung baon na niluto ko? Wala ka na bang nakalimutan?" Tanong ni nanang habang nag pupunas ng kamay habang papalapit sakin.
"Wala naman na po. Sige po, alis na po ako!"
Papalabas nako ng pinto ng tawagin ako muli ni nqnang.
"Po?"
Mas lumapit pa sakin si nanang, hanggang sa bigla nalang n'ya ako niyakap ng mahigpit. Hindi ko man mayakap si nanang dahil sa mga bitbit ko pero pinulupot ko parin mga braso ko kay nanang.
"Lei, proud ako sayo. Proud din ang papa mo sayo, proud kaming lahat sayo." Natgilan ako sandali sa aking mga narinig, hindi ko alam kung paano ang ir-react ko sa mga ganitong sitwasyon.
Kumalas sa pagkakayakap si nanang, habang ako natigilan, diko alam kung anong mararamdaman ko. Natutuwa ako sa mga naririnig ko.
"P-pati si papa?" Nag aalangan na may gulat ang aking pagkaka saad. Kagabi lang, nag talo kami eh, hindi ko alam kung maniniwala ako or ano.
"Oo naman, hindi naman porke nag away kayo hindi na sya proud sayo. Masyado lang nag alala ama mo, Lei," Tyaka nya hinaplos ang aking mukha pa punta sa aking pisngi. Tyaka nya nilagay ang mga hibla ng buhok ko sa likod ng aking tenga. "Kaya galingan mo ah? Proud kami sayo." Naka ngiti nya'ng saad.
Bago pa man may pumutak na luha sa aking mata, niyakap ko na ulit si nanang.
I don't know what to say. I'm just happy and so overwhelmed to hear those words.
"Ingat ka, Lei." Huling saad ni nanang na hindi parin nawawala ang mga ngiti sa kanyang labi.
Nginitian ko din sya, bago ako tuluyang lumabas ng bahay.
Pag ka pasok ko sa loob ng kotche, naandun si Red suot nya yung hoodie na minsan ko ng nakita sa kanya habang nag p-practice. As usual, nakangiti nya'ng bungad na halos di na kita kanya'ng mga mata.
"Tara na?"
Tumango lamang ako tyaka lumingon sa salamin at kinawayan si nanang na nasa labas, inaabangan na umalis kami.
Maaga umalis si papa, kung kaya't diko sya nakita, ni nakasabay sa pag almusal. As usual, work.
Pagka uwi ko kagabi, wala sya sa bahay hindi ko alam saan nag tungo. Si nanang ang sumalubong saakin na puno ng pagpapaalala. Medyo gumaan na din naman na loob ko, hindi ko kaya mag tanim ng sama ng loob kay papa. Hindi ko alam, masyado akong malambot.
"You okay?"
Mula sa pagnonood ko ng mga sasakyan na nakakasabayan namin, napalingon ako kay Red, na pasulyap-sulyap, trying to read my face.
"You look bothered, not an excited one." Pag saad nya na may bahid na pag aalala. "Kinakabahan ka ba?"
Napa buntong hininga ako. Dapat di ako maging ganto, laban na namin ngayon. I should be excited and confident, para ma enjoy ko ang araw na ito, ng hindi maka apekto sa performance namin mamaya.
"Wala naman, napapaisip lang ako sa kung anong mangyayari mamaya. First time ko 'ng mapapasubo sa harap ng maraming tao kaya." Pagdadahilan ko, tho isa rin naman ito sa mga rason ko kagabi. Nakakaba kaya, hakdog.
"Pft. Just enjoy the battle later, worth it naman yung kaba." Natatawang saad nya.
"it seems like, 'di kana bago sa mga ganto? Sanay kana sa mga crowded place eh." Banggit ko.
"yeah. Minsan na din naman na kami nag p-perform sa school, maybe 'di mo lang napapansin." Naka ngiting kwento nya.
Hindi ko matandaan na nakita ko na silang nag perform? Ang alam ko lang may nag p-perform talaga everytime na may event sa school. Hindi ko lang matandaan na sila pala yon.
YOU ARE READING
Last Dance With You (Completed)
Teen Fiction'naniniwala tayo sa mga bagay bagay, kahit na hindi naman kapani-paniwala. Kaya Kung minsan nauuwi tayo sa wala..' This story written way back 2018. Finished, Oct 22, 2020.