After Midnight
Chapter 1
By: Mharl“Will you change your religious beliefs to marry the person you love?” tanong ng judge. Tumayo ako, kinuha ang mikropono, at tumitig diretso sa kanila.
“You can’t change things by loving them harder. And honestly, I don’t even believe that love exists—so why bother?” sagot ko. Walang arte, walang paliguy-ligoy. Diretso. Ibalik man sa replay, 'yon pa rin ang isasagot ko.
Tahimik ang hall matapos ang sagot ko. I don’t know if they were shocked, amused, or just uncomfortable with the truth. Bumalik ako sa puwesto ko at naupo nang marahan, kahit ramdam ko pa rin ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung maa-appreciate nila ang honesty ko o ibabaon nila ako sa listahan ng mga "ayaw namin dito."
Pasok na ako sa Top 5. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nakatayo kami sa gitna ng stage. Pakiramdam ko, kahit konting hangin lang, baka matumba na 'ko sa kaba at pagod. Hindi biro ang pagsali sa gay pageant. Hindi lang ito basta-basta rampa at smile. May Q&A, may talent portion, at may intriga pa sa likod ng stage na parang teleserye. Pero sa totoo lang, sumali lang naman ako para makakuha ng premyo. Hindi ko inasahan na aabot ako sa Top 5, lalo’t halos lahat ng kalaban ko, full-blown transgender na. Ako? Pills lang, konting make-up, at dasal.
Masasabi kong may edge ako. Hindi ako kasing glamorosa nila, pero may charm ako. 'Yung tipong simple lang pero may dating.
“And the third runner-up is...” sigaw ng host. Tumigil ang paghinga ko.
“Candidate number 6!”
Dismayado akong ngumiti. Hindi man ito ang pinangarap kong resulta, okay na rin. Lumakad ako papunta sa gitna ng entablado habang bitbit ang natitirang dignidad. Iniabot sa akin ang ₱5,000 cash prize, isang bouquet ng bulaklak, at maliit na korona—hindi kasing kinang ng inaasahan, pero sapat na para ipambili ng bigas, load, at sabon.
Palakpakan. Flash ng camera. Smile kahit mas gusto ko nang umiyak.
Pag-uwi ko, bitbit ko ang malaking bag na puno ng makeup, heels, at damit pang-rampa. Sa bawat hakbang ko pauwi, ramdam ko ang bigat hindi lang sa balikat ko kundi pati sa puso ko. Wala man lang sumama sa akin. Wala akong cheering squad. Wala ring "proud of you!" na matatanggap pagdating ko sa bahay. Pero sanay na 'ko. Ganitong-gani'to na lagi.
Hindi naman kasi ito para sa kanila. Para ito sa akin. Para mabayaran ko 'yung mga utang ko, para makatawid ako sa buwan na 'to, at para makaraos sa isang sem.
Pagpasok ko sa gate, nadatnan ko si Tita sa veranda, nagbibilang ng pera. Nakataas ang isang paa sa upuan habang may sigarilyong nakasabit sa labi niya.
“Magandang gabi, Tita,” bati ko. Walang sagot. Tiningnan lang niya ako sandali, saka nagpatuloy sa pagbibilang.
Ganon siya palagi. Kapag wala siyang kailangan, hindi niya ako pinapansin. Pero kapag ako ang may kailangan? Bigla siyang nagiging abala.
Inilabas ko mula sa bag ang napagtagpi-tagping perang napanalunan ko sa pageant at iniabot sa kanya.
“Tita, ito po pala 'yung bayad ko sa upa ngayong buwan.” Iniabot ko ang ₱1,500, sabay alis ng tingin.
Kinuha niya 'yon at agad tiningnan.
“Asan yung tubong ₱200? Delay ka ng bayad, 'di ba?” sabay lahad ulit ng kamay niya.
Napakagat ako sa labi. “Ah, kasi po, may babayaran pa po ako sa school, kaya kung pwede po sana—”
Hindi pa ako natatapos magsalita nang bigla niyang ibinato ang baso sa direksyon ko. Mabuti na lang at hindi ako tinamaan.

BINABASA MO ANG
After Midnight
RomantizmThe life of a gay man may be a life full of shocks. Kevin Saldivar, a hard-working understudy who is willing to do anything, indeed wedding a stranger he will do fair to finish school, but what is standing by him within the hands of his fiancée Kend...