Chapter 8

1.5K 77 4
                                    

~After Midnight~
Chapter 8
By:Mharl

Inilagay ko na yung kape sa table para sa kanya habang chuckie lang yung sakin

Si manang ayaw kumain ewan ko napaka arte nakakainis, ilang beses ko nang sinuyo

Balasyajan

"Anjan ka na pala kain ka muna" saad ko ng makitang pababa na si Ken, nakabihis na din sya habang hawak hawak yung susi ng kotche nya pero hindi nya man lang ako pinansin

Nang akmang bubuksan na nya yung pinto ay agad akong humarang duon kaya napatingin sya saakin

"Kain ka muna" bigkas ko sa kanya

"Im late" bigkas nya, nagulat nalang ako ng bigla nya akong itulak, hindi naman malakas pero na out of balance ako dahilan para masanggi ko yung base, napakurap nalang ako matapos makaramdam ng kakaibang sakit

Nakita ko pa kung papaano dumugo ang palad ko dahil sa mga bubog na tumusok dito

Nakatingin lang sya saakin kaya dahan dahan na akong tumayo at naglakad papunta sa kusina, tumutulo pa yung dugo kaya napapalunok nalang ako sa sakit

"Kung ayaw mo sabihin mo hindi yung nananakit ka" inis kong bigkas sa kanya, hindi naman kailangang umabot sa ganito eh. Unti unting tumulo yung luha ko dahil sa sakit pero agad ko ding hinawi

"And who the fuck told you to do that to me?" Inis nyang bigkas na mas ikinagulat ko kaya napatingin ako sa kanya

"Ganun? Edi sorry, don't expect something again from me, yun yung gusto mo diba?nakusa na nga yung tao sana maging appreciative ka naman" ayoko talagang nawawalan ng silbi lahat ng pinaghihirapan ko

O baka hindi lang ako sanay kasi si rico dati lahat ng ginagawa ko napapasaya ko sya

"Yo-your hand, its bleeding" bigkas nya habang nakatingin sa mga kamay ko

"Pumasok ka na" saad ko sa kanya, tama sya

Wala namang nagsabi sa kanya na gawin ko tong mga bagay na to sa kanya. Maybe nadala lang ako masyado sa role ko bilang asawa nya

Pero kahit na, hindi naman ibig sabihin nun hahantong to sa ganito

Pumunta na ako sa kusina para hugasan yung kamay ko, inisa isa kong tanggalin yung bubog na pumasok gamit yung tsani, tumutulo na yung luha ko sa sobrang sakit kapag nagagalaw

Nagulat nalang ako ng bigla syang sumulpot habang hawak hawak yung first aid kit at agad na kinuha yung kamay ko

"Let me bandage you" bigkas nya saakin kaya agad kong binawi muli yung kamay ko

"Kaya ko na to, pumasok ka na baka naiistorbo kita" bigkas ko sa kanya at kinuha yung first aid at pumunta sa sala, inilapag ko yung first aid sa lamesa at kumuha ng betadine dun

Umupo sya sa tabi ko at muling kinuha ang kamay ko

"Look, im so-" hindi ko na sya,pinatapos

"Wag kang magsorry sa bagay na ginusto mong mangyare" tumingin ako sa mata nyang bakas ang pag aalala

Pag aalala?

Girl wag kang maging psychologist di mo alam yung sinasabi ng mga tao with the use of their eyes

Tsk

Binawi ko nang muli ang kamay ko at nilagyan muna ng alcohol yung paligid

Bad trip maglalaba pa naman sana ako ngayon

Tsk

"You really think sinadya ko?" Tanong nya saakin at naglagay ng betadine sa bulak at iniabot saakin pero hindi ko kinuha at naglagay ako ng sarili ko, natapos ko na ang paglilinis ko ng sugat at nalagyan ko na din ng benda pero hindi padin sya umaalis kaya hindi ko nalang sya pinansin

After MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon