Chapter 44

735 34 0
                                    

~After Midnight~
Chapter 44
By: Mharl

Nagtatype na ulit sya sa laptop nya habang ako naman nanonood ng mga hacks sa youtube kung papaano tanggalin yung posas but everything I tried hindi naman nawawala yung pagkakalock nya

"Sorry hindi kaya" saad ko sa kanya, he looked at me bago ulit mas type sa laptop nya kaya napabuntong hininga nalang ulit ako

Kinuha ko yung dala dala kong pagkain kanina na para sa kanya

Ala una na kasi at hindi pa ako nag tatanghalian at malapit na din akong pumasok

Sinusubukan kong gumalaw ng hindi nahihila ang posas baka kasi mas lalong magalit

Hirap akong inilagay ang pagkain sa lamesa nya, naglagay na din ako ng tubig na madami sa tumbler para hindi na ako kumuha sa water jog na malayo layo saakin

Pagkabukas ko ng baunan ay bigla nalang akong nakaramdam ng pagkulo ng tyan ko dahil sa sobrang pagkagutom kaya agad kong kinuha ang kutsara para makakain, hirap pa akong sumubo dahil kanang kamay ko yung naka posas

"Sorry" saad ko sa kanya ng aksidente kong mahila yung posas na ikina tanggal ng kamay nya sa pagtatype, napabuntong hininga din sya bago bumalik sa ginagawa nya at nagumpisa ulit akong kumain

Apaka hirap buset

Hindi ko mahati ng maayos yung steak , kapag nahahati ko na laging may sabaw na tumatapon eh mamantika pa naman baka matapunan ko laptop nya mamaya barilin nalang ako nito bigla

Napatingin nalang ako sa kanya ng bigla nyang isara ang laptop at itabi ito sa isang gilid atsaka tumingin saakin kaya napahinto ako sa pagkain

"S-sorry naistorbo ba kita? Sige hindi nalang muna ako kakai-" napatigil nalang ako sa pagsasalita ng bigla nyang kunin yung baunan at kunin sa kamay ko yung kutsara at nagumpisa na syang magsandok dun

Tinitignan ko lang syang hatiin yung steak, akala ko ay kakain sya ngunit itinapat nya sa bibig ko yung kutsara

"Kaya ko naman kumain, sorry naistorbo pa kita ako nalang" saad ko sa kanya ngunit hindi nya padin ibinababa yung kamay nya kaya ibinuka ko nalang yung bibig ko at kumain

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng sakit sa dibdib feeling ko tuloy ang sama sama kong asawa, pinag alala ko na sya inistorbo ko pa

Hanggang sa unti unti nalang akong umiiyak, humahagulgol ako habang may laman ang bibig ko

Mukha tuloy akong bata na pinapagalitan ng nanay dahil ayaw kumain

"Ken sorry na hindi ko na kaya" humagulgol na ako sa pagkakasabi ko nun

Ganito ba yung pakiramdam na galit sayo yung taong mahal mo?

Ganito ba yung nararamdaman nya pag nagagalit ako sa kanya

Ang selfish ko naman pala

"Kasi naman alam kong hindi mo ako papayagan kaya tumakas nalang ako" dagdag ko pa sa kanya habang pinupunasan yung luhang tuloy tuloy lang sa pagtulo

"Sa susunod sasabihin ko na sayo, magpapaalam na din ako, lahat ng gagawin ko sasabihin ko na pati pag ligo ko sasabihin ko na sayo wag ka lang magalit"

Tumingin ako sa kanyang nakatingin saakin, walang emosyon habang hawak hawak yung kutsara

"Ken magsalita ka naman, namimiss na kita" saad ko sa kanya dahil parang wala syang naririnig

"Lahat ng gusto mo gagawin ko wag ka nang magalit saakin, promise I will be a good partner to you sorry na"

"Pagluluto kita araw araw kahit anong gusto mo, hindi na kita piilitin na kumain ng mga street foods, papayag na akong makipag sex sayo anytime, papayag na akong dalhin mo ako kahit saan promise" bigkas ko sa kanya na may pataas taas pang kamay para promising

After MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon