Chapter 3

2.2K 112 9
                                    

~After Midnight~
Chapter 3
By:Mharl

"Yung kwarto mo nasa taas katabi ng kwarto ni Mr. Saldivar, andun na lahat ng gamit na pinamili mo tapos-" napa stop sya sa pagsasalita at tumingin sa kwarto na katapat daw ng saakin

"Wag kang papasok sa kwarto nya" babala nyang bigkas na nagpa curious saakin

"Hala bakit? Parang nakaka excite eexplore ko nga yung kwarto nya m-" nagulat nalang ako nang bigla syang tumingin ng masama saakin

"Nakikinig ka ba? Wag kang papasok jan, may mga pagkain sa kusina magluto ka nalang,i lock mo ang pinto pag matutulog ka na, mamaya pa uuwi si Mr. Saldivar may susi naman sya" saad nya saakin at tumayo na sa sofa

"Aalis na ako may date pa ako" saad nya at nagpapogi pa sa malaking salamin

Jusko naman

Anlaki laki ng bahay nato tas mag isa lang ako

Wala man lang ba syang kasamabahay

Jusko tapos wala pang kapit bahay

Para syang village pero isa lang ang bahay na nasa pinaka gitna nitong malaking village

Sobrang laki ng bintana kitang kita kung may paparating na tao siguro for safety nadin

Haysst

Pumunta ako sa kusina at naghanap ng pwedeng lutuin

Ito na nga lang

Kinuha ko yung cup noodle at saka niluto

11pm na pero hindi pa ako inaantok, nag libot libot muna ako sa paligid, napaka laki at napaka ganda

Inaantok na ako gusto ko sana s'yang hintayin nakausap man lang.Sa ibang araw na nga lang

Umakyat na ako sa kwarto ko ng mapansin kong naka bukas yung pinto ng kwarto ni Mr. Saldivar

"Puntahan ko kaya? Wala naman na si Dominic eh" hihihi hindi nya naman malalaman

Humakbang ako papunta sa kwarto ni Mr. Saldivar ngunit papasok pa lang sana ako ng biglang may tumawag at nag flash sa phone ko ang number ni Dominic

Bakit ba hindi ko pa to sinesave

[Bakit?] Tanong ko sa kanya

[Wag mong gagawin yan, binabalaan kita] saad nya kaya mabilis akong bumalik sa kwarto ko

[Good] saad nya at pinatay na ang tawag

Hala? Pano nya nalaman yun?

Putcha may third eye ba sya? Ewan medyo weird tong lalaking to

Gwapo sana kaso may sira ata sa utak

Pagkabukas ko ng ilaw ay nakita ko ang mga pinamili namin kanina na nakalagay sa ibabaw ng kama kong kulay light blue habang ang unan ay light pink

Ang ganda ng combination anlakas maka melanie martinez

Iniligpit ko na sa kabinet ang mga gamit ko, anlaki ng kwarto ko, yung isang ding ding ay gawa sa salamin kaya kitang kita ko kung ano ang nasa labas, nakakatakot ang dilim sa labas jusko pero napansin ko naman na may mga guard na nagroroaming pero mukhang hindi naman sila guard kasi kakaiba yung uniform

Matutulog na sana ako ng biglang tumunog ang phone ko at lumabas ang name ni Rico kaya agad ko itong sinagot

[Napatawag ka?] Tanong ko sa kanya

[Asan ka? Bat wala ka sa bahay nyo? Anong oras na ah?] Hala tatay ko ba to?

[Pa? Ikaw ba yan? Diba patay ka na? Daddy wag mo naman akong multuhin alam k-]

After MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon