Chapter 46

893 43 5
                                    

~After Midnight~
Chapter 46
By:Mharl

Nagising nalang ako ng may biglang kumatok sa pintuan kaya pikit mata akong tumayo

Pagkadilat ko  ng mata ko ay wala na akong katabi, tanging mga unan nalang ang nasa paligid ko at wala nadin ang mga damit at pantalon na hinubad kagabi Ni Ken

Asan na yun?

Tumayo na ako para pagbuksan ang pinto dahil may kumatok nanaman

"Ahm hi po" bigkas ko sa isang babae, katulong din ata base sa suot nya

Ang cute ng suot ng mga katulong dito para silang mga Flight Attendant

"Hinihintay na po kayo nila Madam sa baba, mag aalmusal na daw po" bigkas nya saakin kaya tumango nalang ako bago muling pumasok sa loob

Muli akong humiga sa kama ngunit hindi na ako pumikit at kinuha ko na ang Phone ko at may isang text message mula kay Ken

[Good morning wife, eat some breakfast before going home] napangiti nalang ako sa kawalan dahil sa text message nya, 3:34 sinend ibig sabihin maaga syang umalis, ano nananaman kayang ginagawa nito ngayon

Dati nakiki sanaol lang ako sa mga kaklase ko ngayon

Awwww

I have a great life with him and I am so thankful with that

[Di man lang nagpaalam] pagka send ko nun ay agad ko nang ginawa ang mga morning routine ko, may nakahanda na ding damit at nakahandang tootbrush, toothpaste at mouth wash pati nadin mga facial cream

Pagkababa ko sa sala ay mas nakita ko ang kagandahan at laki ng paligid

Modern ang design nito at may chandelier pa na nakasabit sa taas

"Oh honey your awake lets eat" nakita ko nalang si Ms. Santi- I mean my mom na papunta sa kusina na may dala dalang tray kaya sumunod na ako sa kanya

Inilagay nya sa table ang pagkain

Napatitig nalang ako sa lalaking biglang umupo sa harap at gulat din syang napatingin saakin

"A-anong ginagawa mo dito?" Gulat nyang tanong saakin na ikinatayo nya

"Anong ako? Ikaw anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya, nakatingin lang saamin si Mom na parang first time makakita ng nagaaway

"Thats enough babies, nasa harap kayo ng lamesa" bigkas bigla ni daddy na papunta na sa table, hinalikan nya si mommy sa pisnge bago lumapit saakin at bigyan din ako ng halik

"Ang ganda ng binata ko" saad nya saaking ikinatawa ko

"So I know you already met right?" Tanong ni daddy at umupo sa tabi ni mommy

"Kung ano mang nangyare sa inyo nakaraan lets just set aside that" sambit naman ni mommy habang binibigyan ako ng pagkain sa plato ko

"By the way papasok ka ba ngayon?" Tanong ni daddy kay Russel na kumakain na ngayon ngunit masama ang tingin saakin

"Yeah" maikli nyang bigkas

"How about you Kevin?" Binaling naman saakin ni Daddy ang tingin nya, nakaramdam pa ako ng pagkauhaw ng tanungin nya ako

Naninibago ako at na aawkward ngayon, kasi dati nakikita ko lang si Daddy sa mga event and si mommy naman client ng business ni Ken na nakameeting ko dati at itong dimuhong to kapatid ko pala

"Ahm I need to go home dad, may mga gagawin kasi ako sa office ni Ken at aasikasuhin ko din sya" bigkas ko sa kanila na ikinatango naman ni daddy

"Oh oo nga pala kamusta na buhay nyong mag asawa?" Tanong naman ni mommy

After MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon