Chapter 7

1.7K 74 10
                                    

~After Midnight~
Chapter 7
By: Mharl

Napamulat nalang ako matapos makaramdam ng uhaw kaya agad akong napabangon

"Shit!asan sya?" Agad kong inilibot ang paningin ko ngunit wala sya sa paligid, i also checked the Comfort room pero wala sya

4:30 palang dont tell me pumasok sya ng ganon yung kalagayan nya

Bumaba na ako sa kusina wondering baka nauhaw lang din sya pero kahit sa kusina ay wala sya kaya uminom nalang ako ng tubig

I dialled his number pero walang sumasagot kaya tinext ko na lang sya

[Asan ka?]

Nagpalit ako ng number kahapon kasi nagloloko na yung number ko ang bilis kumain ng load

Agad na akong umakyat sa kwarto ko ng makatanggap ako ng text

<Ken>

[Who's this?] Tanong nya, napangiti nalang ako ng makaisip ako ng gagawin

Hihihi

[Di mo ba ako naaalala?] Reply ko

[Who the Fuck are you?] Natawa nalang ako sa kasungitan ng lalaking to, ang initin ng ulo putcha

[Ako to si natoy, na mahal na mahal ka] reply ko ngunit nagulat nalang ako ng bigla syang tumawag kaya agad kong sinagot

"Who ever the fuck are you i promise to track you" natawa nalang ako sa sinabi nya kaya napatigil sya sa pagsasalita

"Ang aga aga mo naman magalit" natatawang bigkas ko sa kanya

"Wi-wife?" Tanong nya mula sa kabilang linya, napahinto nalang ako sa pagtawa ng makarinig ng pamilyar na boses

"Asan ka? Bat kasama mo si Dominic ng ganitong oras?" Tanong ko sa kanya

"May inayos lang" saad nya naman

"I'll be back, go back to sleep" saad nya saakin at pinatay na ang tawag

Hays tong lalaking to ang lalim mag isip, nakakabobo amputcha

*Dominic's P.O.V

Naglalakad na kami ni Mr. Saldivar papunta sa head quarters namin habang nagbibigay daan saamin yung mga tauhan nya

Yeah

Mr. Saldivar is a crazy rich Mafia boss, in fact he can pay half of our countries debt

"Where are those asshole?" Tanong nya at ikinasa ang baril

Itinuro naman nung bantay kung nasaan kaya agad kaming pumasok sa loob at duon ko sila naabutang nakaupo habang nakaposas ang mga kamay

These two are
Cedrick Olani and Hebrio Atonio base on my research.

Kinuha ko yung tubig na punong puno ng yelo at agad na ibinuhos sa kanila na ikinagising nila

"Palamig muna kayo" saad ko sa kanila, pumwesto si boss sa harap nila habang nakasandal sa lamesa

"Who ordered you?" Kalmado nyang tanong habang nilalaro ang isang colp camperry revolver na baril

"You think sasabihin namin?" Natatawang bigkas nung cedrick na ikinatawa ni boss

"I dont think so? Sino kaya sa pamilya mo ang uunahin ko?" Saad ni boss at nilagyan ng isang bala yung baril at saka lumapit kay cedrick

"What do you think about his only daughter?" Tanong saakin ni boss kaya napatawa ako, he really know how to play this game

"I dont think that is a good idea Mr. Saldivar" saad ko sa kanya

"What about his Sick Mother? I think that's a good idea?" Bigkas ko sa kanya

After MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon