Chapter 4

2K 98 4
                                    

~After Midnight~
Chapter 4
By: mharl

Naglalakad na kami ngayon papabalik sa parking lot habang hawak hawak ko ang isang milktea at inom inom ko naman ang isa, kanina pa ako nagiinit kasi simula kanina hindi nya inaalis pag kakahawak sa kamay ko

Feel ko tuloy ganda ganda ko

"Anong course mo?" Tanong ko sa kanya kasi feel ko ang tali talino nya

"Business administration and law" napahinto ako sa sinabi nya

"Dalawa course mo?" Tanong ko sa kanya at tumango lang sya

"Hala ang galing naman, siguro sobrang talino mo" bigkas ko sa kanya, nagulat nalang ako ng bigla nyang isubo sa bunganga ko yung donut na binili namin

"Your'e too noisy, keep eating" inis nyang bigkas kaya natahimik nalang ako

Ang hirap naman pala maging asawa nito gusto laging tahimik eh ang boring kaya pag laging tahimik

Halos mapatalon nalang ako ng biglang may bumusinang kotse

Mabilis akong nahatak ni Ken papalapit sa kanya at napakapit ako sa dibdib nya pero nabitawan ko yung iniinom kong milktea

Halos lumukso ang puso ko sa dalawang sunod sunod na putok ng baril ang narinig ko dahilan para mas mapakapit ako kay Ken, nakasubsob na ngayon ang mukha ko sa dibdib nya

Napatingin nalang ako sa kanya matapos makitang itinago nya yung baril sa loob ng tuxedo nya

Napaatras pa ako sa nakita ko dahil sa takot pero mabilis nya ding hinawakan ang kamay ko at agad na hinila

Nakita ko yung kotche kanina na putok na ang gulong ng sasakyan sa likod at galit na lumabas ang driver

"Ano bang problema-" halos tumayo ang mga balahibo ko matapos tutukan ni Ken si kuya ng baril sa noo dahilan para mapatahimik ito

"Apologize to my wife or ill shoot this bullet straight to your head" kalmado nyang bigkas

Hindi makapagsalita si kuya, pilit kong hinihila si Ken ngunit masyado s'yang malakas at hindi ko man lang sya matulak

"Tara na, okay lang yan hindi naman ako nasaktan" pagpipilit ko sa kanya ngunit tinignan nya lang ako ng masama

"So-sorry po" nauutal na bigkas ni kuya

"Oh yan na nagsorry na, halika na baka may mga pulis na dumating" may mga tao na kasing nakatingin saamin sa paligid, napatingin pa sya saglit sa mga tao at agad na ibinalik ang baril sa tuxedo nya

"Alright" muli nya na akong hinila paalis sa lugar

Walang nag sasalita saamin dahil hanggang ngayon ay kinikilabutan padin ako sa nangyare, hindi sa kung papaano nya tutukan ng baril yung lalaki kundi kung paano nya titigan yung driver na para bang pinapatay na nya ito.

"Yu-yung milktea mo" abot ko sa milktea nya ngunit tinignan nya lang ito, ako lang naman kasi yung nagpupumilit na tikman nya

"Drink it, i dont drink that kind of beverage" saad nya saakin

Sayang naman

Mabilis na kaming sumakay sa kotche nya at agad na syang nagmaneho

"May kukunin lang ako sa office then uuwi na tayo" saad nya saakin

Pagkabalik namin sa company ay agad kaming binati ng mga tao pero hindi talaga sya bumabati pabalik kaya ako nalang ang bumabati sa mga tao

Pagpakapasok namin sa office nya ay agad sya ng pumunta sa table nya habang ako naman ay dumiretso sa sofa

After MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon