Chapter 38

789 34 0
                                    

~After Midnight
Chapter 38
By: Mharl

"You are too early for your next class wife" bigkas nya saakin kasi mas maaga ako ng dalawang oras para sa first subject ko

Gusto ko din naman makapaglibot libot sa school bago mag umpisa ang first class ko ngayong araw

"You dont really need to attend your class, you can be with me all day  tsk" inis nyang bigkas so I just rolled my eyes

Samantalang kanina sya pa yung nagpapamadali saakin na mag asikaso ng maaga at may kailangan daw syang kausapin dito sa school

Hindi naman na yun bago dahil kaibigan nya si Dominic at investor din sya ng school nato

"Bakit ka ba nagagalit? Gusto ko munang maglakad lakad sa school bago pumasok" saad ko sa kanya habang nagtatype sa phone ko para sabihin kay Rico na ihahatid ako ni Ken

Sinabi ko kasi sa kanya kagabi na sabay kaming pumasok

"Who are you texting?" Tanong nya habang pilit na dinudungaw yung phone ko

"Si Rico" I replied kaya tinaasan nya ako ng kilay

"Sinabi ko sa kanya na ikaw maghahatid saakin" In addition dahil umaawang nanaman ang labi nya

"Ang daming sinasabi eh sya nga yung magpapakasal jan tsk!" Pabulong kong bigkas pero sinigurado kong maririnig nya yun

"Im not going to marry that shit!" Saad nya saakin

"Sinabi ko bang ikaw yun?"

"Kakasasbi mo lang" sagot nya naman

Kinuha ko nalang yung earphone ko sa bag ko atsaka isinuksok ng maayos sa tenga ko para hindi na sya marinig

My goodness

Mas maingay at mas makulit sya ngayon

Dati naman ayaw nya nang maingay tapos ayaw nya sa madadaldal

Pero sya na yung madaldal ngayon

"Una na ako" bigkas ko sa kanya pagkababa namin sa kotse

Hahakbang palang sana ako palayo ng bigla syang sumigaw

"And where the fuck are you going?" Inis ko syang tinignan dahil sa lakas ng boses nya pero tumawa lang sya

"The fuck Ken stop shouting" irita kong bigkas at saka sya lumapit saakin

"Just kidding. Be my tour guide gusto kong makita tong buong school" saad nya saakin at hinawakan ang kamay ko atsaka ito hinalikan

Unti unting nawala ang inis ko dahil sa ginawa nya

Hindi ko na nga alam kung bakit ako naiinis sa kanya

"What? Is there's something wrong in ny face wife?" Tanong nya habang pinupunasan ng towel yung mukha nya kaya umuling lang ako at hinawakan yung pisnge nya

"Ang gwapo lang kasi ng asawa ko" bigkas ko habang kunukurot yung pisnge nya

"Ako lang to" bigkas nyang ikinatawa ko

"Oww shut up" saad ko sa kanya at naglakad na kami

Una naming pinuntahan yung garden ng school

Malaki to at masarap ang hangin dito, malamig din at presko sa pakiramdam

"Is this your favorite place?" Tanong nya saakin habang pumipitas ng isang bulaklak at lumapit saakin

"Not really, masarap lang tumambay dito" tuwing malapit na ang exam dito ako lagi tumatambay bago mag review sa library, nakaka relax kasi dito tapos yung huni lang ng mga ibon yung maririnig mo kaunti lang kasi yung mga taong pumupunta dito. Inilagay nya sa tenga ko yung isang bulaklak at hinawakan ang baba ko oara itaas ito at makita ako ng maayos

After MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon