Chapter 18

1.2K 51 28
                                    

~After Midnight~
Chapter 18
By:Mharl

Inilalagay ko na sa counter lahat ng pinamili ko, nandito kami ngayon ni Ken sa mall dahil napagusapan nilang mag inuman sa bahay, wala nadin namang nagawa si Ken dahil nagkasundo na yung mga boys at girls

"Are you alright?" Tanong nya saakin habang nagcecellphone

Medyo masama ang pakiramdam ko pakiramdam ko nga lalagnatin ako, mainit ang singaw ng mga mata ko at ang bawat pagbuga ng hangin sa katawan ko at medyo parang masakit din ang katawan ko parang binugbog

"Oo naman" iinuman ko nalang to ng gamot

"2,457.65 po" bigkas ng cashier na nakatingin kay Ken kaya inabot ko na yung tatlong libo

"May advantage card po?" Tanong ni ate saakin pero kay Ken nakatingin

Tsk

"Wala po" sagot ko nalang, nang matapos ko nang bayaran lahat ng pagkain ay agad na kaming umuwi, agad din naman akong pumunta sa kusina para makapag luto ng pulutan nila, sisig tapos puro pritong pagkain ang gusto daw nilang pulutan habang si Ken naman nasa sala lang nanunuod ng 50 shades of Grey

"Buti nalang ate andito ka" bigkas ko kay manang na tinutulungan ako, dapat mga ganitong oras out na sya kasi gabi nadin baka hinihintay na sya

"Ah opo, mamaya pa naman kasi uuwi yung mga kasama ko sa bahay wala din akong magagawa kaya dito muna ako" sambit nya habang inaayos yung mga gagamitin sa sisig

"Ate umiinom ka ba? Mag iinuman daw sila mamaya baka gusto mong sumama" pag aaya ko, ayos lang naman siguro sa kanila

"Ah hindi na po, pagkatapos nito uuwi na din ako para naman makapagluto ng gabihan nila" bigkas nyang nakangiti. Nakakainggit tuloy

"Ang swerte ng mga anak mo sayo ate no?" Hindi ko alam pero bigla nalang akong nalungkot at namiss ang mommy ko

Matapos kaming magluto ay nagpaalam na din si ate na uuwi na daw sya kaya sinamahan ko pa sya hanggang gate kasi medyo gabi na din

"San ka galing?" Tanong saakin ni Ken na naka upo padin sa sofa

"Ah hinatid ko lang si manang hanggang labas" umupo ako sa tabi nya at inilagay nya ang paa nya sa binti ko at dumantay saakin

"Sure kang ayos ka lang?" Tanong nya at sinubuan ko sya ng ice cream na agad din naman nyang kinain

"Oo naman" bigkas ko sa kanya

Napatingin nalang kami parehas sa pinto ng bigla itong bumukas

"Hey" masayang bati ni Dominic habang may dala dalang case ng beer

"Watsup" bigkas naman ni jason na may dala dala ding case at pumunta sa sofa at inilapag ang case sa tapat namin at saka pumasok sila freddie, jonathan, cejay, Bianca, Gilian, Zyra, katherine at-

"Sino yan?" Kita ko ang gulat sa mga mata ni Ken dahil sa babaeng kasama nila Bianca

Grabe hindi ko maiwasang hindi mamangha sa ganda nya

Napakaputi, matangkad, itim na itim ang bagsak ba buhok at kulay green ang mga mata

"Ah-nothing" bigkas nya naman at napabuntong hininga

Tumayo sya saglit at sinenyasan ang mga kasama namin na sundan sya sa kusina na agad din naman nilang ginawa kaya naiwan kami nung babae sa sala, nakaupo sya sa sofa habang iniikot ang paningin

"So you are kevin?" Napatingin nalang ako matapos nya akong tawagin

"Yes, and you are?"

"Sam, samantha Bernardo" bigkas nya naman saakin kaya napangiti ako

After MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon