Chapter 48

828 40 3
                                        

~After Midnight~
Chapter 48
By: Mharl

"Run wife run" pilit nya akong itinutulak papalayo habang pilit din akong hinihila nila Rico papalayo kay Ken

"No, I won't leave without you ken I won't" nakahawak lang ako sa braso nya, making sure na hindi ako makakabitaw

"Fuck" nagulat nalang ako ng pwersahan nyang tanggalin ang pagkakahawak ng kamay ko sa braso nya kaya malaya akong nabuhat ni Rico at Kenjie

"Tang ina anong nangyayare?" Gulat padin na bigkas ni Kenjie

"Bitawan nyo ko, kailangan kong puntahan si Ken" patuloy lang ako sa pagpupumiglas ngunit hindi nila ako hinahayaang makaalis, sinira nila ang exit ground na dapat ay hindi labasan at duon kami lumabas

Kasama namin ang mga ssc at ang mga kaibigan kong nabalaan kong wag iinom ng kahit ano

"You know you cant Kevin, kailangan kang maligtas" bigkas ni Rico saakin

"Kapag nakuha ka nila mas marami ang mapapahamak so please sumunod ka nalang" bigkas nya saakin habang patuloy sila sa pagtakbo

Napahinto nalang sila ng biglang may sunod sunod na nagpaputok sa gawi namin at duon ko nakita ang mga estudyanteng may mga hawak na baril at nakatutok saamin

Deretso ang tingin nila saamin.at walamg emosyon

Nakaramdam ako ng kilabot matapos kong mapatingin sa mga mata nila

Wala na ang itim na parte dito at puro puti nalang habang may hawak hawak silang mga baril

Ibinaba ako ni Rico at inilagay sa likod nya

Pinalibutan nila akong lahat hanggang sa wala na akong makita, may hawak hawak din na baril si Lannie at Rico ngunit hindi sasapat para mapatumba namin ang mga estudyanteng nakapalibot saamin

"Ill count to Three, kenjie dalhin mo silang lahat paalis dito, make sure na hindi nila makikita si Kevin, si Kevin ang target nilang makuha"saad ni Rico habang hindi nawawala ang tingin sa mga estudyante

"Teka ano bang nangyayare?" Tanong nitong naguguluhan ngunit hindi na sya nagawang sagutin ni Rico

"One" paguumpisa nya na mas nakadagdag sa tensyon sa paligid

"Two" dagdag nya pa ngunit sabay sabay kaming napaatras matapos sunod sunod na pagbaril ang narinig namin at kasabay nito ang pagbagsak ng mga estudyante

Nagsigawan ang mga kasama ko dahil sa nangyare at duon ko nakita si Bianca at Ken na magkasama

May dala silang mga baril sa magkabila nilang mga kamay

Agad akong tumakbo papunta sa kanila at mabilis syang niyakap at agad nya din akong niyakap

"Susunod ako, promise" bigkas nya saakin at hinalikan ako sa noo

"Aasahan ko yan" saad ko sa kanya bago bumalik kila Rico

Kinuha ko na ang baril sa gun pocket ko at agad na sumama sa kanila sa paglalakad ngunit bago umalis ay tinigtan ko muna sya

Kinindatan nya ako bago din sila umalis ni Bianca

"Dito tayo" agad kaming nagtago sa isang building matapos kaming makakita ng mga estudyante

Kagaya ng mga naunang estudyante ay hindi din nila alam ang ginagawa nila, puting puti ang mga mata at sabay sabay na naglalakad

"Anong nangyayare?" Kinakabahang tanong ni Shintaine saakin

"Lets go" bigkas ni lannie at sya ang nauna sa paglalakad ng mawala na ang mga estudyante

Papunta kami ngayon sa SSC office para duon mag hintay ngunit hindi ko alam kung anong gagawin namin dun habang naghihintay

After MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon