Soonyoung could hear Jihoon's cry of pain as he waited outside his room.
"Soonyoung? Halika muna," biglang sumulpot si Ferry.
Umiling si Soonyoung, "sabi ko kay Jihoon hihintayin ko siya dito."
Hinawakan ni Ferry ang braso ni Soonyoung, "mabilis lang tayo."
Sumunod nalang siya. Nagtataka si Soonyoung kung bakit sila papuntang cafeteria. Umupo sila sa isang vacant seat.
"Wala ka bang gustong kainin?"
Umiling si Soonyoung.
Tumango si Ferry, "alam mo ba yung si Jihoon, ayaw na ayaw nagpapahawak sa ibang tao," natatawang sabi niya, "galit na galit yan sa tao dati. Mahirap kunin tiwala niyan, ang tagal bago namin nakuha tiwala niya," hinawakan niya ang kamay ni Soonyoung, "pero ikaw, ang bilis mo makuha tiwala niya."
Ngumiti si Soonyoung, "siguro kase hindi ako mukhang gangster?"
"Siraulo, sinasabi mo bang mukha akong gangster?"
Natawa ng malakas si Soonyoung, "siguro?"
Sinamaan niya ng tingin si Soonyoung, "kidding aside, Jihoon is a really sensitive person."
"How about his family?"
"Hm..anak ko siya."
Nanlaki ang mata ni Soonyoung, "talaga?!"
"Hindi biological, inampon ko siya. Sa akin siya lumaki."
"How about his biological parents?"
Ferry shrugged, "they never show up, ang tagal naming sinubukan hanapin pero wala talaga kaming nakita."
Tumango si Soonyoung, "being adopted is better."
Napatingin si Ferry sa mata ni Soonyoung. He forgot to mention na lumipad na pala sa ibang bansa yung pamilya niya. Sasabihin niya na sana pero biglang dumating si Seokmin.
"Tapos na si kuya Nyong."
Tumayo agad si Soonyoung at tumakbo papunta sa kwarto ni Jihoon. Pagbukas niya ng pinto ay nadatnan niyang natutulog si Jihoon. Umupo siya sa tabi niya.
He traced his fingers on Jihoon's pale face. Jihoon scolded him for being skinny but he was also. He was really pale.
"Nakakatulog siya lagi pagkatapos ng mga sessions niya," sumulpot bigla sa likod niya si Ferry.
Pinalayo muna ni Ferry si Soonyoung dahil aasikasuhin niya si Jihoon.
Nang matapos na niyang maayos si Jihoon ay hinayaan niya ng lumapit si Soonyoung at iniwan niya muna silang dalawa.
"You did great," he whispered as he held Jihoon's hand, "you really did great."
*****
"Hindi ka pa ayos, wag ka muna sabi tumayo!"
They were fighting. Gusto na kaseng tumayo ni Jihoon para maligo pero binabawalan pa siya ni Soonyoung dahil kakagising niya lang.
"Ayos na nga ako eh! Kulit mo naman!"
"Mamaya ka na maligo kapag ayos ka na, kakagising mo lang oh."
At the end, Jihoon gave up. Alam niyang hindi siya mananalo kay Soonyoung.
"Did you wait for me?"
Tumango si Soonyoung, "i did, did you do well?"
Tumango si Jihoon, "i did pretty well rather than my past sessions."
BINABASA MO ANG
Stay Awake, Soonyoung
FanfictionThis is a short filo-eng story inspired by "Stay Awake, Agatha" by @serialsleeper. started: 09/25/20 ended: 10/03/20