Nandito ako ngayon sa sulok ng kwarto nakasalpak yung earphone ko pero walang tunog. Wala lang gusto ko lang matawag na cool o makita na 'uy! hanep sya oh nakaearphone color white astig!'. Pero di bale na wala namang nakakakita.Una sa lahat bago ang pangalawa gusto kong sabihin lahat ng gusto malamang malaya ako ei. Malaya akong sabihin lahat ng gusto ko maliban nalang sa sasabihin kong alam kung ikakasama ko o ikakainis ninyo pero alam ko namang walang makakapigil sa akin kundi ako lang. Sarili ko lang yung makakapigil sa gusto kong sabihin kahit ikasira ko pa o ikainis nyo pa.
Bihira lang akong magseryeso kase nakakatakot daw ako magseryoso sabi ng kaibigan at kapatid ko. Hindi kase ako masalita at masagot. Para akong bingi kapag tinatanong nila ako. Wala lang di ako komportable magsalita kapag seryoso ako gusto ko kase ako lang yung tao sa mundo walang gagalaw sa akin at wala akong papansinin yung feeling na hindi ako nageexist.
Marami akong gustong sabihin gusto kong punuin yung twitter ng saloobin ko mula pagkabata hanggang sa pagkadalaga lalim diba? Madrama buhay ko e, ikaw ba?
'Di ata uso sa wattpad ang ganitong kwentuhan pero sige lang sa gusto lang magbasa free writing naman e, tsaka free basa nadin. Sa mga tao na nakakakilala sa akin kayo na bahala humusga basta ako tao parin magulo lang utak ko. Kaya ito inaayos ko na. Pagbigyan nyo na ako para pagbigyan ko rin kayo.
Ayos din pala ito noh? Magsusulat nalang ako dito kesa sa magdiary. Siguro sa mga susunod na ikukuwento ko baka sabihin nyong dugyot talaga ang utak ng taong to hahaha. Malalaman nyo naman sa mga salita ko kung aprob ba o hindi.
Wala naman siguro akong ipupunto dito baka yung sarili ko lang na pananaw.
Ay teka maichika ko narin naririnig ko dito mula sa taas ang boses ng bestfriend ko na nagaaway sila ni kuya sa cellphone. Ewan ko ba puro away pero 3 years nayan uyy! matatag daw. err. Well bahala sila magaway jan naku pagkatapos nyan magbabati din tapos magsasabi ng i love you at goodnight kadiri diba? Di ako bitter pero kung ganun tawag nyo sa feelings ko kayo na bahala baka nga bitter nga ako.
Teka di ito story, novel, o fiction ah? utak ko tong nagsasalita. Di rin ako ngumingiti ngayon nakasimangot lang ang mukha ko pero hulaan ko utak ko tawang tawa na sa sinasabi ko dito. Huwag sana kayong maimpluwensyahan ng magulo kong utak pero kung magulo na yang utak nyo please huwag nyo nang dagdagan. Matanong ko nga bored ka na ba at nandito ka, nagbabasa sa mga sinasabi ng utak ko?
Ang utak ko mahirap kalabanin. Iisipin nya lahat ng gusto nyang isipin yung mga panahon na ampanget ng ugali ko, yung mga kalandian ko nung grade 1 ako gwampong gwapo kase ako sa kaklase ko noon na tambay na sya ngayon. Tapos yung mga kabaliwan ko sa crush ko na hate na ako ngayon kase pinahiya ko yung sarili ko sa harap nya nang malaman ko na gusto nya rin ako, alam nyo yun? hindi ko talaga magets utak ko. Perfect na sya ei bat ko pa sya tinaboy? ayan sising sisi ako ngayon na turn off sa akin. Tuloy wala akong lovelife bitter na ulit.
Di ito tungkol sa lovelife ah? inuulit ko tungkol ito sa sinasabi ng utak ko na gumugulo sa academics ko. Baka naman brain pakifix yung chronological actions mo!
Umamin ka? Dami mong iniisip no? isa sa nagpapastress sayo yung mga bagay na pinagsisihan mo, yung mga panahon na ang slow mo, dagdag mo pa paggiging bobo mo na ngayon sisiw nalang sayo yung mga bagay bagay basta depende kung saan mo ilalagay na sitwasyon paggiging bobo mo. Kanya kanya tayo ng utak.
Masama gumanti si brain, ipapaalala nya talaga sayo ang sadness, loneliness, katangahaness mga ganun?
Di ako mahilig sa mga party bawal kase kaya minsan nangiimagine ako ng mga new friends na nagpaparty ayun dadag stress kasi mapupuno na naman utak ko sa mga senaryo na bubuoin ko. Di ba nakakastress mang imagine?
Maraming marami ang laman ng utak to the moment na kulang ang gazillion nyong memory card sa sobrang inabsorb nyong memories pero mas tumatagal talaga yung panget na memories yung gusto mong kalimutan yun yung nagse-stay tapos minsan yung gusto mo maalala ayun parang ballpen mong kakabili mo lang nawala na agad.
Ang utak ko naglalakbay yan hanggang dumating sa graders, kinder, highschool days ko hanggang sa mauwi ako sa ex ko, crush ko, manliligaw ko, mga pinaasa ako at mga bad friends ko ansama nya no? Hindi ko naman yun gustong balikan pero siguro may isip din syang 'sige isipin natin yung noon yung may malaking impact sa life mo para emote emote ka jan, mag tutweet ka na' 'Loneliness is very tiring' + 'dami talagang toxic' + 'retweet this if you are also hurt' + 'namimiss kita sana miss mo din ako' + 'why can't I say I love you?' basta mga ganung arte may twitter account ako bale follow nyo ko. haha @cathleaina ganurn!
so going back to my thoughts (namalantsa ako partida for 21 minutes di nyo naramdaman noh?) so yun na nga malamit na lumabo mata ko sa kakahanap ng inspiration sa mga stories ko na pinublish ko. Kawawa naman wala nang sumunod na chapter hehe.
Minsan kase si utak gumagana dahil sa nanalaytay na vitamins na binibigay ni heart dopamine ba tawag dun basta isearch nyo nalang korek ko lang later natamad akong magsearch gusto ko tuloy tuloy yung chicka. So kapag ang heart nagrelease ng dopamine magiging active ka at masaya magsisilbi syang energizer ng katawan mo bale nagsearch nalang ako para diko kayo maligaw sa mga sinasabi ko. Going back, kapag inspired ka lahat ng impossible nagiging posible narinig nyo naman yung mga ganung keme diba , totoo yan!
Sa ganun ako kailangan ko nang dopamine para naman madali akong makapag update. Boring na kase life ko maliban sa kakakasal ng taong mahal ko e, masaklap saklap pa ang relationship ko to my father. Hehe.
Masaya magisip kasi ikaw ang bida sa utak mo, ikaw ang master nyan. Tandaan mo ikaw nagmamaneho ng life mo. (UTANG NA LOOB TINAPON SA AKIN NG BESTFRIEND KO YUNG IPIS NA NAGLALAKBAY SA TUHOD NYA!! TUMALON TULOY AKO AT NAGHUBAD NG BLAZER!) whoo! grabe sya! nagsusulat na nga lang ako ng tahimik dami pang istorbo. Yung oras kung saan magbibigay ako ng advice or paalala bigla may ipis na titilapon sa akin. Yung feeling na time ko na magmoment bigla may nagpatawa, kung kailan tayo nagseryoso saka sila magbibiro?! yung totoo?
Ganun talaga ang layp ko seryoso pero may halong biro. Kabaliktaran sa gusto natin mangyare. Nalimutan ko na gusto kong sabihin kanina bale baka sa susunod maalala ko kwento ko nalang. 10:57 pm na oras na para matulog ako sige goodnight.