Chapter 22

51 8 10
                                    

(Theo's POV)

"Where the fvck are you, Aerah Liz!" Galit na sigaw ko sa sarili ko habang nagalalakad sa kagubatan.

Isang oras mahigit na akong naghahanap sa kanya at hanggang ngayon ay hindi ko pa din siya nakikita!

"I won't forgive myself when something bad happens to you, baby!" Bulong ko sa sarili.

Napahinto ako sa paglalakad ng tumunog ang akinh telepono. Kinuha ko ito sa bulsa ko at sinagot ang tawag.

'Si Mang Mil'

"'Nong? Unsay balita? Nakit-an na ninyo siya?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya habang ginagala ang aking mata baka sakaling makita siya.

Baka sakaling makita kita, mahal ko.

"Eh mao gani nay problema! Wala pa! Gilibot na gyud namo tanan! Wala gyud! Basin niya'g naunsa siya ba, simbako laman. Hapit na raba gabie." Nag-alalang sabi din ni Manong.

Bumagsak ang aking mga balikat at nararamdaman ko paghigpit ng kapit ko sa telepono ko.

Tinapos ko ang tawag at nagmadaling lumakad at takbo.

Sinilip ko lahat ng pwedeng mataguan ng isang babaeng sing laki niya.

Nasilip ko na't lahat lahat wala pa din akong makitang bakas niya.

Galit kong sinuntok ang isang kahoy.

Sinipa ko ang mga batong nasa paanan ko kaya nahulog ito sa pangpang.

Para akong binuhusan ng malamig na nagyeyelong tubig ng makita ang pangpang.

"Wag kang mag-isip ng masama, Theo!"

Dahan-dahan akong lumapit doon habang nanginginig ang mga tuhod.

Ng nasa isang lakaran nalang ako...

Ay hindi ko maigalaw ang aking mga paa.

Para akong natali sa kinatataayuan.

Parang ayoko ng tignan kung anong meron doon...

Sari saring senaryo ang lumalabas sa aking isipan....

Ayokong tumingin dahil....

Baka....

Baka nandyan siya....

Baka mamaya pagnakita ko kung anong nandyan ay baka magsisi ako...

Kung bakit pa ako pumunta dito.

'Tignan mo' pagkasabi nun ay ang paghampas sa akin ng malakas na hangin.

Tumindig ang aking mga balahibo.

'Tignan mo!'

"Oo!"

Slowly, I stepped my foot forward and there I saw ....

Nothing...

Nakahinga ako ng maluwag. Tatalikod na sana ako ng matapakan ko ang isang parte ng lupa na basa. Kaya nahulog ako sa bangin.

Bago pa ako mahulog ng tuluyan pababa ay nakakapit ako sa isang ugat ng punong kahoy.

Inalsa ko ang sariling katawan pataas at hindi naman ako nabigo. Pinahinga ko ang sarli sa likod ng kahoy.

Dinig na dinig ko ang mga huni ng ibon sa taas.

Bumuntong hininga ako at bumangon, walang magagawa ang pagpapahinga dito. Kailan kong mahanap di Aerah.

Tumayo ako at pagtayo ng pagtayo ko ay nakita ko si Aerah.

My Aerah...

My Liz...

My killer, My husband (ON-HOLD)Where stories live. Discover now