Chapter 25

36 5 0
                                    

Dumaan ang ilang araw at ganun pa din kami ni Theo.

Dumaan ang ilang linggo na masayang masaya kami ni Theo. Walang away ang nagaganap simula noong nakidnap ako. Palagi siyang nasa tabi ko at umiintindi. Palagi niya akong inuuna sa lahat.

Subalit parang nag bago ang simoy ng hangin at ngayon ay pinabayaan niya akong mamasyal sa lawa. Parang kahapon ayaw niyang mawala ako sa kanyang mga magaganda't puro'ng emosyon niyang mga mata.

Nagbago bigla ang hangin at para bang ayaw niya akong makasama. Nagagalit siya kapag nakikita ako. Ayaw ko mang tanggapin pero inaamin ko, nasasaktan ako.

Nasasaktan ako at hindi ko alam kung bakit.

"Hmm. Ikaw lang mag-isa ngayon ah?" Bumalik ang diwa ko ng biglang pagtanong ng kung sino mang lalake ang nasa likuran ko.

Bumuntong hininga ako at humarap sa kanya. Bumungad sa akin ang isang pamilyar na lalaki ngunit hindi ko maiusal ang kanyang pangalan.

Tumawa siya at umiling ng bahagya. "Nakakapagtampo ka naman! Ganyan ka na ba ka pokus kay Theo at hindi mo na ako matandaan?"

Umiling ako dahilan sa pag laki ng kanyang mata at inilagay ang kanyang dalawang kamay sa kanyang dibdib, umasta-asta siyang nasasaktan.

Buang!

"Sa gwapo kong to! Nakalimutan mo na!?" Hindi makapaniwalang tanong niya!

"Hindi eh" walang ganang sagot ko at tumalikod.

Bahala siya sa buhay niya!

"Hoy!" Sigaw niya at hinabol ako! May pa hawak pa sa balikat! Tibay!

"Ano ba!?" Inis na sighal ko

"Woi! Chill! Ano ba, ang aga-aga inis ka naman diyan!" Mababakas ang pinaghalong takot, kaba at pag-alala sa tinig ng boses niya.

Hindi ko siya sinagot.

Bago ako tumalikod ay sinamaan ko siya ng tingin at umalis na.

Naglakad ako ng naglakad hanggang sa umabot ako sa isang pangpang. Alam kong hindi ito ang pangpang kung saan ako nahulog kasi ipinagbawal na iyong padaan sabi ni Theo. At nakita ko naman din ag lugar na 'yon na may nakaharang na caution.

Nakakita ako ng isang malaking bato. Umakyat ako doon at pinagmasdan galing sa kinuupuan ko ang ganda ng tanawin. Kinapa ko ang aking bulsa at kinuha ang cellphone kong bigay ni Theo sa akin na hindi ko na gawang magpasalamat dahil sa kesadohang may kasamang babae siya sa kwarto niya noong araw na iyon.

Napabuntong hininga ako ng malakas ng bumalik sa akin ang lahat ng ala-ala namin ni Theo simula sa una hanggang sa kasalukuyan.

Kung paano ako na punta sa isang silid na hindi pamilyar. Kung paano ako nagtago sa likod ng isang pintuan upang hindi makita ng ipinag-akala kong rapist. Na si Theo pala.

His eyes were deep and full of emotions are mixed grey and green. Para kang malulunod kapag titigan mo siya ng matagal. And it looked so familliar.

Napangiti ako ng maalala ang unang tanaw ko sa kanyang perpektong mukha.

"Does your wound still ache?"

Lumaki ang ngiti ko noong naalala ko kung paano siya nag-alala sa akin. Noong may sugat ako.

"Damn baby! You're wearing that thing!? If you're going to wear that it's better if you're just naked!" He growl

Mas lumaki ang ngiti ko noong maalala ko ang panahong pumunta kami sa tabing dagat sa Bohol at nagsuot ako ng bikini.

My killer, My husband (ON-HOLD)Where stories live. Discover now