Chapter 1

31 1 0
                                    

Chapter 1

Nag aantay ako sa labas ng classroom ko katapat lang kasi ng classroom namin ang classroom ng crush ko!

"Ang tagal naman nilang lumabas.." sabi ko sa sarili ko.

Nakanguso na ako habang nakasandal sa pinto ng biglang sumulpot ang bestfriend ko.

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong nito sakin kanina pa kasi ako nag-aatay sa sa brixx na yun!

"Hindi pa lumalabas yung baby ko e.." nakangusong sabi ko.

Napa-face palm si mindy saka bumuntong hininga. "kanina ka pa dyan nag aantay, Mamaya pa ata ang labas nila."

"Malay mo kasi this time mapansin niya na ako" nakangiting sabi ko kay mindy. President namin siya, actually ssg president siya. taray diba! Literal na mataray yan!

"E last year mo pa yan sinasabi sakin. Hanggang ngayon hindi ka pa parin niya napapansin!" singhal ni mindy sakin.

Tama iyon matagal na talaga akong may gusto kay brixx hindi ko nga alam kung napapansin ba ako non. Well nag papapansin naman ako, I followed him kung saan siya nagpupunta dito sa campus. Actually stalker ata niya na ako kung iyon ang tawag sa ginagawa ko.

"Mapapansin din niya ako. Mag hintay ka lang!" determinadong sabi ko sana nag fighting pa.

She shook her head. "Bahala ka sa kagagahan mo, mauna na ako." nakipagbeso ito at umalis na.

Ilang sandali pa ay lumabas na ang mga kaklase ni brixx nakita ko na din siyang lumabas kaya sinundan ko siya.

Kakausapin ko ulit siya para mapansin niya ako last time kasi na kinausap ko siya nagalit siya sakin dahil sunod daw ako ng sunod.

Nasa may parking lot na kami ng school. Ang bilis niya mag lakad kaya bago pa siya makapasok sa sasakyan niya dahil malapit na siya dito ng hawakan ko ang braso ni brixx at pinaharap sakin.

"Hi!" hinihingal na bati ko ngunit nakangiti pa rin.

Kumunot ang noo niya. "Ikaw na naman?"

"Ahm.. I'm Nina," pagpapakilala ko naglahad din ako ng kamay.

"I dont care." walang emosyong sabi niya.

"Wait!" tatalikod kasi ito at iiwan ako.

Tiim bagang na tumingin ulit ito sakin
"Please.. Mag papakilala lang ako.. I'm Nina Marie Santillana, 21, my major is accountancy, i can sing i can also--"

"Nakapag pakilala ka na." aalis ulit ito pero pinigilan ko ulit.

"Matagal na kitang crush! Matagal na Brixx.." pag amin ko dito halatang natigilan ito.

Naka side view siya kaya kitang kita ko ang square jaw niya talagang gwapo ito at firm ang pangangatawan kaya walang duda bakit ito naging U-Prince.

"Pwede ba tigilan mo na ako, wala akong panahon sayo." ganon lang at tinalikuran na ako nito.

"Pero gusto nga kita brixx!"

"Hindi kita gusto."

"Magugustuhan mo din ako!"

"Don't follow me!" sigaw nito ng susundan ko ulit ito.

Nakakainis kaya naman pinabayaan ko nalang, bukas nalang may a-atten-dan pa akong party. Bukas ko nalang siya kukulitin.

Napahawak ako sa dibdib ko, ganto pala pagnagtapat ka sa isang tao now I know bakit takot silang magtapat..

Nag lalakad ako ng may tatlong babae na huminto sa harap ko at hinatak ako papunta sa kung saan kaya nag pupumiglas ako para makawala pero wala akong nagawa dahil sa numbers advantage.

Desperates heart (U-Prince Series 1: Brixx)(COMPLETED)Where stories live. Discover now