BENIDIK;POV
Agad na kame nag lakad ni Caroline at naka kapit sya sa braso ko habang naglalakad kame habang papunta sa may loob ng company.
Dahil nag bigay na nang signal si James samin.
At pag pasok namin nakita namin si Arcellio na nasa stage at may sinasabi sa lahat.
"Sa wakas!Sa akin na ang companyang toh!"rinig namin sabe ni Arcellio sa lahat.
"AT SINO NAMANG NAG SABE NA PAPAYAG KAME SA GUSTO MO!"sigaw ko dito mula sa dulo.
Napa tingin samin lahat ng mga tao na bisita at napa tingin din samin si Zack.
Parang madudurog yung puso ko nang makitang umiiyak si Zack,at halata sa muka nito ang sobrang pagka gulat ng makita kame.
Agad kameng diretso ni Caroline sa paglalakad papuntang harap.
At habang naglalakad kame papuntang harap ay kita kosa muka ni Arcellio na gulat na gulat ng makita ako.
"Oh!Arcellio!Bakit ganyan yung muka ha?Para kang naka kita nang multo ha?"naka ngising sabe ko dito nang maka rating na kame sa harap.
"Namiss moba kame!Traydor!"naka taas kilay na sabe ni Caroline dito.
"Hindi ito pwede mangyari!Hindi!Matagal na kayong patay!"hindi maka paniwalang sabe nito samin,habang patuloy na iniiling yung ulo nya.
"Bakit hindi ka maka tawa ngayon ha!"maangas na sabe ni James dito.
"Ang yabang mo kase!"naka taas naman na kilay ni Olibia dito.
"Uwalis kana dito bago pa ako tumawag ng mga pulis!"pagtataboy ko dito.
"Sa akin na tong companya kaya kayo ang umalis dito!"mayabang na sagot nito sakin,habang hawak yung dokumentong hawak nya.
Agad akong na tawa sa sinabi nya at pati na sa pekeng dokumentong hawak nya.
"Wag mong ipagmalaki yang mga pekeng dokumentong hawak mo!"naka ngising sagot ko dito.
"Hindi ito peke!Ako mismo ang kumuha dito at sinugurong hindi ito peke!"pagtatanggi nito.
"Peke yan!"sagot ni Caroline dito.
Agad akong humarap sa may pwesto nila James.
"James!Akin na yung tunay na dokumento!Para maipamuka kosa traydor na toh na peke ang hawak nyang dokumento!"naka ngisi kong sabe dito.
Agad itong ngumiti nang pilyo sakin sabay tayo at lumapit sakin at ibinigay ang dokumento.
"Oras na para mapa hiya ka!"maangas na sabe ni James kay Arcellio.
Agad akong humarap kay Arcellio at binuksan sa harap nya yung mga tunay na dokumentong hawak ko.
"Ang ayoko sa lahat yung tinatraydor ako!At mas lalo na ang sirain mo ang dignidad ng anak ko!"seryoso kong saad dito.
"Akin na tong companya at totoong dokumento itong hawak ko at baka sa inyo ang peke!"pagtatanggol nito sa sarili.
"Wala ka nang kawala!At kailangan mong pag bayaran lahat ng kasalanan mosa companya sa amin ni Benidik at lalo na sa anak namin!"seryosong saad ni Caroline dito.
"Kaya batas na ang magpaparusa sa mga kasalanan mo samin!"seryoso kong saad dito.
"Hindi!Hindi!Hindi nyo ako pwedeng ipakulong!Wala kayong karapatan na gawin yan!Ayoko sa kulungan!"pagtatanggi nito.
Agad na pumasok si Anlo at may mga kasama itong mga pulis at agad na lumapit sakin si Anlo.
"Ikaw nang bahala sa traydor na yan!"sabe ko kay Anlo.
"Sige!Maasahan mo ako!"sagot nito.
Agad na pinosasan ng mga pulis ang mga kamay ni Arcellio.
"Bitawan nyo ako!Wala kayong karapatan na ikulong ako!"pagpupumiglas ni Arcellio.
"May karapatan kang manahimik may mga ebidensya kameng na kuha sayo!May warrant of arrest ako sayo!Kinakasuhan ka namin sa salang Laundering at Rubbery!Pwede kang humanap ng sarili mong abugado!Kaya sumama ka samin ng maayos!"seryosong saad ni Anlo kay Arcellio,habang pinapa kita dito yung warrant of arrest nito.
Agad na silang umalis at bit-bit ng mga pulis si Arcellio.
Nang mabit-bit na nang mga pulis si Arcellio nagka tinginan kame ni Caroline at nagka nagka ngitian.
At maya't-maya napa tingin nalang kameng dalawa ni Caroline kay Zack,at naka tayo lang ito habang naka tingin samin at patuloy na umiiyak.
Kita ko ang pagbagsak ng mga luha ng Caroline nang makita nya nang malapitan yung anak nya,kaya marahan syang lumapit dito at hinaplos ito sa pisnge at agad nya itong niyakap.
"Hmmm!Zack!Anak!Salamat ay nakita narin kita!"lumaluhang sabe ni Caroline,habang yakap si Zack.
Agad na pumiglas si Zack sa yakap ng Mommy nya at humarap dito ng lumuluha.
"Bakit nyo sakin sinikreto ito ha?Bakit kayo nag tago sakin Mommy at Daddy?"lumuluhang tanong nito sakin.
Agad akong lumapit sa pwesto nila at hinarap si Zack.
"Anak!Ginawa namin yun para protektahan ka!Kaya kame nanahimik ng ilang taon kahit na pagsisihan pa namin yun ng Mommy mo!"seryosong saad ko dito.
"Kailan pa kayo nagkikita nila Tito James at Tita Olibia?"tanong nito samin.
"Apat na taon na rin!"sagot ko.
Maya't-maya bigla nalang kame kinawayan nil Zain at Kenie.
"Hello po!Lolo at Lola!"masayang bati sakin ni Zain,habang kumakaway ito sakin.
"Bakit po kayo nandito?Kilala nyo pala si Daddy namin?"tanong naman samin ni Kenie.
"Mga baby ko!Kilala nyo sila?"takang tanong ni Zack sa mga anak nya.
"Daddy!Sila po yung kinikwento namin sa inyo na lagi pong nagbibigay samin ng foods!"kwento sa kanya ni Zain.
"At sila po yung mga good stranger na lagi po namin kasama bago nyo po kame sunduin ni Mommy!"kwento naman ni Kenie.
Agad kameng sinamaan ng tingin ni Zack at agad nyang pinunasan yung mga na tuyo nyang luha.
"Shaine!Likana umuwi na tayo!Biglang sumama yung pakiramdam ko!"sabe nito sa asawa nya.
At agad nyang binuhat yung mga anak nya at agad na umalis at sumabay nalang yung asawa nya.
Agad akong niyakap ni Caroline ng lumuluha dahil sa ginawang pag-iwan samin ng anak namin.
"Benidik!Si Zack!"lumuluhang sabe sakin ni Caroline,habang yakap nya ako.
"Sabe na nga mangyayari ito!"sabe ni James samin.
"Kakayanin namin ito!Kailangan lang namin mag tiis!"sagot ko dito.
"Wag kayong mag-alala!Tutulungan namin kayo sa problema nyong dalawa!"sabe samin ni Olibia.
"Salamat sa inyo!"pasasalamat kosa kanila.
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND IS A MAFIA KING (BOOK.2)
RomanceGuys ito na po yung pinaka hihintay ng lahat na volume 2 sa story ko sana po magustuhan nyo pong lahat ito salamat po☺😀😂😃😅😆 Start of writing: April 18, 2023 End of writing: February 22, 2024