~TAKOT~
Sabado ngayon at nandito kame ngayon sa may sala at na nonood kame nang TV.
Habang nanonood ako ng TV ay naka higa sa may balikat kosi Shaine at naka higa yung kambal sa may hita ni Shaine habang nanonood.
At habang nanood ng TV ay bigla nalang kame nagulat ni Shaine sa tanong ng kambal.
"Mommy!Daddy!Paano po na bubuo yung baby?"inosenteng tanong ni Kenie.
"Bakit po nagkaka baby tyan ng mga babae?"inosenteng tanong naman ni Zain.
Nagka tinginan kame ni Shaine at kita ko yung pamumula ng muka nito dahil sa tanong kambal samin.
"Mga!Baby ko!Bata pa kayo para itanong at malaman yung tungkol dyaan!"sagot ni Shaine sa kanila.
"Tama ang Mommy nyo!Bawal nyo pa malaman yun!"sabe ko naman sa kanila.
"Teka!Tutal malapit na ang birth day nyong dalawa anong gusto nyong birth day wish ha?"pag-iiba ng topic ni Shaine sa mga bata.
"Gusto nyo ba nang maraming cars maraming doll sa birth day nyo ha?"naka ngiting tanong kosa kanila.
"Hindi po yun yung wish namin sa birth day namin ni Kenie!"naka pout na sagot ni Zain samin.
"Tama po si Zain!Ayaw na po namin ng mga toys!"naka pout din na sagot ni Kenie.
"Eh!Anong gusto nyo ha?"tanong ni Shaine sa kanila.
"GUSTO NA PO NAMIN MAGKAROON NG KAPATID!!"sabay na sagot ng kambal.
Nanlaki ang mata at tenga namin ni Shaine dahil sa hiling ng dalawa.
Agad na napa tingin sakin si Shaine at parang namula na parang kamatis yung muka nito at kita kosa muka nito yung hiya.
"Bakit nyo naman gusto magkaroon ng kapatid?"tanong kosa kanila.
"Kase po lahat po nang classmate namin may mga kapatid kame lang po wala kase kambal kame!"sagot sakin ni Zain.
"Mommy!Daddy!Please na po!Gusto na namin magkaroon ng kapatid!"pagpupumilit samin ni Kenie.
Dahil sa pamimilit ni Kenie ay bigla akong napa halak-hak,dahil sa muka ni Shaine pulang-pula kase ito.
*Hahahahahaha!*
"Bakit ka tumatawa ha?"namumulang tanong ni Shaine sakin.
"Ang cute mo kase pulang-pula ka!"pilyo kong sagot dito.
Dahil sa inis nya pinisil nya yung pisnge kosa sobrang inis.
"Shhaaiinnee!Taammaaa nnnaa!"pagpapatigil ko dito.
Nang bitawan nya yung muka ko at bigla itong sumakit dahil sa higpit ng pagkaka pisil nya.
"Bakit ayaw mo ba bigyan ng magiging kapatid yung kambal ha!"pilyo kong tanong dito,habang hawak yung magkabila kong pisnge.
"Chee!"sagot nito sabay talikod.
Agad nyang niwakan sa braso yung kambal at kina usap.
"Mommy!Please!Tuparin nyo na po yung wish namin sa birth day namin!"pamimilit sa kanya ni Zain.
"Pangako po namin sa inyo ni Daddy na magiging good sister at good broter po kameng dalawa sa magiging kapatid namin!"pamamanata ni Kenie kay Shaine,habang naka taas yung kamay nito na animoy namamanata.
"Promise po!Kapag wala po kayo kame po ang mag-aalaga sa kanya!"pamamanata rin ni Zain na naka taas din yung yung kamay katulad ni Kenie.
Agad kong niyakap si Shaine patalikod at hinalikan sya sa pisnge.
"Ang lalaki na talaga ng mga anak natin!Matured na mag isip!"naka ngiti kong sabe kay Shaine.
"Nag mana kase sayo!"mataray na sagot nito.
"Okay!Mga baby!Wag kayong mag-alala pagpaplanuhan na namin ng Mommy nyo yan!"sabe kosa kambal.
Dahil sa sinabi ko napa talon sa couch yung dalawa dahil sa sobrang tuwa.
"Loko ka talaga!"inis na sabe nito sakin,sabay siko sa tyan ko.
"Ahhrrgg!Yung abbs ko!"inda ko habang hawak yung tyan ko.
"Buti nga!Inis na sabe nito.
Maya't-maya napa tahimik kame at biglang nag breaking news.
<BREAKING NEWS:
NGAYONG ARAW AY PINAGHAHANAP NGAYON NG MGA PULIS AT SUNDALO ANG MAFIA KING NA SI ARTURO GERBOZO!SINASABI NG MGA PULIS NA MAY MGA NAG PATAKAS SA KANYA DAHIL MAY NAG SABUTAHE NG CCTV PUTAGE AT MAY PUMATAY SA MGA BANTAY PARA LANG MAPATAKAS SYA!KAYA KUNG SINO MAN ANG NAKAKA KILALA SA MUKANG TOH AY TUMAWAG SA LAND LINE NA NASA TV SCREEN AT AYAN RIN PO ANG ITSURA NI ARTURO GERBOZO NA MAKIKITA NYO SA TV SCREEN!AYAN PO ANG MAIINIT NATING BALITA NGAYONG ARAW!)
Bigla akong kinabahan sa narinig na balita at ganun din si Shaine.
At agad kameng napa tingin sa kambal dahil baka madamay na naman sila makalipas ng apat na taon.
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND IS A MAFIA KING (BOOK.2)
Storie d'amoreGuys ito na po yung pinaka hihintay ng lahat na volume 2 sa story ko sana po magustuhan nyo pong lahat ito salamat po☺😀😂😃😅😆 Start of writing: April 18, 2023 End of writing: February 22, 2024