Chapter 32

1.6K 52 20
                                    

Chapter 32: Thought


"Fuck!" I cursed when I felt the hot water dropped on my foot, hindi ko mapigilan ang mapa-suminghap nalang ng makitang puno na ng tubig ang basong naka-patong lamesa. Mukhang naging tulala nanaman ako, tangina lang talaga.

Padabog kong binitawan ang thermos at kumuha ng tissue sa cabinet para punasan ang tubig na umapaw sa baso ko. Nasapo ko ang noo ko at ramdam ko ang bigat ng pakiramdam ko dahil sa mga iniisip ko, saan na ba 'to patungo?

Tahimik ang gabi at halos hindi ko magawang mapasok sa isipan ko ang sinabi ng tatay ko, parang sa dami ng mga iniisip ko ay hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. 

Ano ba ang uunahin ko? Ang nakaraan ko o ang problema ng pamilya namin ngayon?

"Tanginang buhay 'to," malutong kong mura at padabog na tinapon ang tissue dahil kahit ako lang ang mag-isa sa bahay ay hindi ko pa rin maiwasang ang magalit sa sarili ko. Paano kaya kung hindi ko tinigil ang pag-inom ng gamot ko? Ang sabi ko noon ay wala na akong pakielam sa nakaraan ko pero ngayon na unti-unti na itong bumabalik ay parang mawawala na ako sa diwa ko.

Itong mga alaalang ito, pinaparamdam lang sa akin kung anong klaseng tao ako noon. Unti-unti na silang bumabalik at natatakot ako na harapin ito ng mag-isa dahil alam kong sa alaala na iyon ay iba ako sa kung ano ako ngayon.

Someone is controlling me, and someone is bothering me inside of me. I can't explain why my moods are being different these past few days. Sometimes I'm hard to talk with, and sometimes, I'm being stubborn, I can't help it but give this attitude as if it's the real me.

Who really are you Avon? Maging sarili ko ay hindi ko kilala at pakiradam ko ay hindi ko gamay ang sarili ko, ilang taon na ang nakalipas simula nung mawala ang alaala ko at sa mga taon na iyon ay parang wala ako sa landas ko.

Tahimik lang ang gabi ng biglang tumunog ang doorbell na dahilan para kumunot ang noo ko, sino naman ang mag-hahanap sa akin ng ganitong oras? 

Sumilip naman ako sa bintana at umigting ang panga ko ng makitang wala namang tao sa tapat ng gate. Mukhang napag-tripan lang ako na dahilan para iiwas ko na ang tingin ko dito at mag-tungo na sa kwarto ko para naman makapag-handa na ako sa pag-tulog.

Binuksan ko ang banyo ko at nakita kong handa na ang bathtub ko na pag-lulubluban ko ng katawan ko. Suminghap ako at tumingin sa salamin ng banyo para ipitan ang sarili ko.

Ang tahimik ng gabing ito dahil wala naman akong kasama, yung taong bumubuo ng araw ko ay ako mismo ang kusang nag-layo sa kanya sa akin. Masakit pa rin na tinanggihan ko ang alok niyang kasal pero ginawa ko iyon dahil alam kong may mangyayare sa aming dalawa.

Hindi puwede pero bakit pinag-tagpo pa kami? Alam niya ba kung ano ang sumagi sa isipan ko nung lumuhod siya sa akin? Hindi ko inaakala na babalik ang alaala sa isang iglap niyang pag-luhod.

Tinanggal ko na ang mga damit ko at unti-unti ng nilubog ang sarili ko sa bathtub na may mga bula.

Nung maramdaman ko ang tubig sa aking katawan ay hindi ko maiwasang mapa-singhap, sinandal ko ang ulo ko sa pader at dinamdam rin ang gabing ito na mag-isa lang ako.

Ang tahimik ng paligid at bumalik nanaman ang panahon na ako nanaman mag-isa sa bahay na ito. Saglitang saya lang ang pinaranas pero ano bang magagawa ko?

Ako na mismo ang gumawa ng paraan para lumayo sa akin ang taong pinanghahawakan ko. Nakatali na ako sa nakaraan ko at pilit kong inaalam ang totoong ako, masakit na bitawan ang taong mahal ko pero mas masakit kapag nalaman niya kung ano ang totoo.

Color Of Surrender (High Class Issue Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon