Chapter 19: Just
"It will take days for her to recover, maraming mga injury ang natamo niya dahil sa pag-sabog at kailangan pa ring mag-sagawa ng mga test para maka-sigurado tayong magiging maayos ba ang lagay niya."
Umigting ang tenga ko at kahit na mabigat ang pakiramdam ko ay pinilit kong imulat ang mga mata ko, parang isang panaginip ang naranasan ko kanina at lingid pa rin sa kaalaman ko kung anong nangyare.
Tangina, sino ang nag-pasabog ng mall? Ang daming namatay at halos katabi ko lang silang lahat na naka-handusay sa sahig.
All of them are unconscious while some of them are already dead because of the sudden explosion, I can't believe that this day became my nightmare.
Paulit-ulit kong naririnig ang tunog ng bomba na 'yun na malapit lang sa akin na dahilan para lumipad ako, halos umiyak nalang ako dahil sa walang tulong ang dumating hanggang sa mawalan na ako ng malay.
Napunta ang tingin ko sa tatay ko na ngayon ay kausap ang doktor, papikit-pikit pa ang mga mata ko at ramdam ko ang pag-kahina, ano na bang kalagayan ko?
"D-Dad," garalgal ang boses kong tawag sa kanya na dahilan para maagaw ko ang atensyon niya maging ang doktor, nawala sa pag-kakakrus ang dalawang braso niya at kaagad na nanlaki ang mga mata.
"D-Dad," ang muli kong tawag at ngayon ay ramdam ko ang takot sa aking katawan dahil sa nangyareng pag-sabog, kahit na nanghihina ako ay tanda ko ang mga taong katabi ko na walang malay ay karamihan sa kanya ay natabunan ng mga bato.
Ayoko na, gusto kong kalimutan ang nangyareng pag-sabog pero sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko ay tanging sumasagi lang sa isipan ko ay ang tunog ng pag-sabog maging ang mga sigaw ng mga tao.
It was a terrible loud noise that killed many people inside the mall, the smoke was made because of the explosion and the glasses are broken because of the impact. I can't, I just can't for now because it's a hell for me that time.
"Avon," nag-aalalang lumapit sa akin si daddy at dali-daling hinaplos ang buhok ko, tumulo ang luha ko at mahigpit na hinawakan ang kanyang polo na para bang ayaw ko siyang umalis.
For once, please hold me tight because I'm scared.
"Sir, ako po muna ang bahala sa kanya." ang sabi ng doktor na dahilan para pilit na ginilid ni daddy ang sarili niya, tumambad sa akin ang doktor at inilawan ang mata ko gamit ang flashlight na dahilan para saglitan akong mapa-kurap.
"Ang akala ko ay dalawang araw ang aabutin bago siya mag-karoon ng malay, mabuti nalang at nagawan kaagad ng paraan ang pag-dudugo ng ulo niya."
Naiintindihan ko ang bawat sinasabi ng doktor at habang binabaling ko ang ulo ko kung saan-saan ay ramdam ko ang benda sa tuktok ng ulo ko na dahilan para manghina ako.
Ano? Nag-dugo ang loob ng utak ko?
"You said to me that your daughter has amnesia, mabuti nalang at naagapan yung pag-dudugo ng ulo niya dahil baka maka-apekto ito sa mga alaala niya."
Kuha ko ang sinasabi ng doktor kahit na hinang-hina na ako, base sa kanyang itsura ay kita ko ang pag-aalinlangan niya pero hindi ko na ito inintindi.
Sinabi ng tatay ko na may amnesia ako pero hindi ko inaasahan na sa pag-sabog ay doon ko maaalala ang ilang mga alaala na hindi naman klaro sa akin.
"I will do some tests on her to make sure that everything is fine, kailangan niya munang manatili dito ng ilang araw para mag-pagaling." ang sabi ng doktor at nakita ko ang pag-tango ni daddy na halata pa rin ang pag-aalala dito.
BINABASA MO ANG
Color Of Surrender (High Class Issue Series #3)
RomanceCaptain Gustavo Archielle Salvatierra is serving his country at the age of 28 and living his life to the fullest, despite being the shadow of his late brother he still wants to prove that he can be a better version of himself. Serving his...