Chapter 33

1.6K 42 3
                                    

Chapter 33: Lost


"What are you even doing here? Sino ang nag-papasok sa'yo dito?" ang galit na tanong sa akin ng nanay ko at halos tingnan ko siya mula ulo hanggang paa dahil sa kitang-kita ko ang pagod at pag-babago sa katawan niya.

Suminghap ako at pilit na tinatagan ang loob ko sa harapan niya, alam kong hindi pa rin siya ayos sa mga nangyare pero kailangan ko ng mga kasagutan sa totoo kong pagkatao. Wala na akong malapitan pero bakit ba dito ako napunta?

"Ma, kailangan ko lang ng mga sagot mo." ang mahina kong sabi sa kanya na dahilan para mahina siyang matawa. Kita ko ang sakit sa kanyang mukha at ang mukha niya na halos parang hindi mo na makikita ang pagiging malupit dahil sa nasira na ito simula nung nalaman niya ang totoo.

"Ano naman ang ibibigay ko sa'yong mga sagot? Hindi ba sabi ko ay ayaw ko ng makita ang mukha mo?" halos masugatan ang palad ko dahil sa pag-yukom ng kamao ko. Mahal na mahal ko ang nanay ko at kahit pinag-tutulakan niya ako palayo ay hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala sa kanya.

"K-Kailangan ko lang ng mga sagot mo sa nakaraan ko at pag-katapos nito ay aalis na ako." usal ko at nakita kong saglitang nawala siya sa wisyo, nanlambot ang kanyang mga mata na para bang hindi niya inaasahan na ito ang pinunta ko.

I gulped and tried to be firm in front of him, "I want to know who really I am...please help me." I am pleased with this heavy tone. I know I will be hurt because of the truth, but I have to accept it. I have to accept that I'm different before.

It is not enough that I remember that we became lovers of Tavi's brother Alexander, I do not know how we met, and I don't have any idea how we ended up. When I saw the photo of him that was handed to me by Tavi, I felt pain for some unknown reason, but now I got it.

I'm Alexander's lover before, Tavi's older brother who died last four years ago.

Suminghap ang nanay ko at nakita kong bumalik nanaman ang matalim niyang tingin sa akin na para bang ito ang senyas na kailangan kong ihanda ang sarili ko sa katotohanan. 

"Ito na ang huling araw na makikita mo ako, pangako ko 'yan." kahit na bulong lang ang ginawa ko ay sapat na ito para marinig niya. Hindi ko mapigilan ang mapaluha saglit dahil sa buhay kong parang isang hula-hula, para akong nag-hahanap sa isang gubat ng ako lang mag-isa at para akong isang tanga na binabalikan ang masakit kong nakaraan.

"I-I won't bother you anymore...you hated me because I'm the daughter of your best friend that is also your husband's mistress. I-I'm really sorry about that, but please help me for the last time." 

"After this, you won't see me again." 

This pain is just too real. Imagine you're looking for someone to hold you, but it won't happen because you are not worth it at all. I tried so hard to find who really I am, but it's just too much to handle anymore.

I'm so tired of my life. I'm suppressed by all these lost memories. I can't even hold myself anymore because of how exhausted I am.

She turned back that made my breathing heavier, hindi niya ba ako matutulungan?

Tangina, ang laking kulang na hindi ko alam kung sino ba talaga ako. Parang akong tumatakbo sa isang gubat at pilit na hinahanap ang sarili ko, madilim at halos ako lang mag-isa na dahilan para madapa ako at umiyak nalang.

"Sa opisina tayo mag-usap." ang malamig niyang sabi na dahilan para saglitan kong ipikit ang mga mata ko. Binigyan niya ako ng pag-kakataon na malaman kung sino ba talaga ako at handa na ako na masaktan, handa na akong malaman kung sino ba talaga ako.

Color Of Surrender (High Class Issue Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon