Chapter 43

2K 53 0
                                    

Chapter 43: Order


"Gusto mo ba talagang gawin 'to?" ang tanong sa akin ng daddy ko na dahilan para matigilan ako ng bahagya. Hawak-hawak ko na ang balisong maging ang baril na gagamitin ko sa pag-kakataong ito at ramdam kong kinakabahan ako dahil pag-katapos ng ilang taon ay tuluyan na nga akong bumalik sa sarili ko.

Bumalik na ako sa sarili ko ngunit sa masama naman. Alam kong mali pero bakit kinukunsinti ko pa rin? Bumalik ba ako sa dati para tigilan na itong laban na ito? Mas lalo naging biyolente ang lahat na halos hindi na nila sinusunod si daddy.

"Why? You trained me for years and now, you're asking me if I should do this?" I tried to maintain my composure and I put the weapons inside my pocket. I can feel that my body betrayed me but I have to deal with it.

I should know where I stand and the only way to end this war is to end the ones who started it.

"Hindi mo naman kailangang sumama pa doon---"

"At ano, dad? Hahayaan ko nalang na may mga madamay na inosenteng tao dahil sa kapabayaan mo? Hahayaan ko nalang na may mamatay nanaman sa lugar na ito dahil sa grupo natin?"

We moved here in Manila. The group came here years ago, I thought they will be quite because finally, they are already free but when Marife Lacsin died, everything came back. War started again and I'm just sick of it already.

"Avon, you don't have to go to that battle because it's dangerous. Matagal na nila akong sinuway hanggang sa hindi ko na kayanin, hindi na nila ako tinuturing bilang isang leader nila na dahilan para mag-hasik sila ng lagim dito."

"Ang sabi mo sa akin ay parehong may mali ang dalawa...ang sabi mo sa akin ay kaya natin 'to ginagawa dahil sa gusto natin ng hustisya kay Marife pero bakit kailangang maging biyolente?"

I don't get it. Innocent people died because of their bombings and shootings here in the place, the peace is already ruined when they started the war again.

Hindi matitigil ang gulong 'to kung patuloy lang na mag-hahasik ng lagim ang grupo ni daddy. Kung kailangan ako ang kumunsinti sa kanila ay gagawin ko basta matigil na itong lahat.

Tumingin ako sa harap ng salamin para ayusin ang sarili ko. Hindi ko maiwasan amg malalim na pag-masdan ang sarili dahil bumalik na ako sa dati, sa dating ako na kung saan naka-sakit ako ng ibang tao.

I bit my lower lip as I saw the gun beside me and it indicates war already. I felt that being prideful is running in my blood, eagerness brought me here because I want to end this already.

"Hindi ka ba sasama? Ayaw mong bang makita ang grupo mo na hindi ka na tinuturing na leader ngayon?"

Naging taksil ang grupo kay daddy. Alam kong matagal ng sinasabi ni daddy sa grupo niya na tumigil na sila sa pag-papasabog at sa pag-paslang sa mga tao pero hindi sila nakinig, ang dami ng namatay pero mas pinili nilang mag-bigay takot sa lugar na 'to.

I just can't and I'm desperate to end this already.

"Nag-pasabog nanaman sila at hanggang ngayon hindi pa rin sila nahuhuli ng militar pero alam mo kung sino ang mauunang dakipin ng militar?" tanong ko sa kanya na dahilan para kumunot ang noo niya. Kung alam niya lang ang pakiramdam na parang nasa bingit na ng kamatayan ang buhay ko.

I even have to kill my lover way back then just to save our group. I remembered everything already, all of it and even the day I shot Alexander.

"Tayong dalawa ang dadakipin nila dahil alam na ni Tavi ang lahat. Sinabi ko sa kanya na isa akong terorista maging ikaw."

"Ano?!"

Color Of Surrender (High Class Issue Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon