Chapter 27: Home
"Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila tapos sa pag-proprotesta?" malamig kong tanong kay Sharla at hindi magawang maibaling sa kanya ang tingin dahil sa mga taong nag-proprotesta dahil kay Marife Lacsin.
Natandaan ko na sa pag-proprotesta rin nila ay doon rin sumabog ang mall namin, ang daming nangyare nung araw na iyon at pilit ko nalang binabaon sa hukay ang nangyare. Hanggang ngayon ay pilit pa ring bumabangon ng mall namin at nakakalungkot na kaunti lang ang mga taong pumupunta dahil sa takot na baka maulit nanaman ang nangyare.
"They can't get over about Marife Lacsin's case, Anuncio Defidor was already out of the country, but still, they are protesting." ang sabi ni Sharla na dahilan para mag-pakawala nalang ako ng isang malalim na hininga.
Wala pa ring makalimot sa kaso ni Marife Lacsin, kahit na naka-alis na ng bansa si Anuncio Defidor ay hindi pa rin natatahimik ang pamilya nito maging ang mga taong humihingi ng hustisya.
Ang laki ng pinag-bago ng Pilipinas, bihira ang makuha ang hustisya dito sa bansa pero alam kong mga susunod na taon ay makikita ko ang mga kabataan na mag-lalayag sa mga ganitong kaso.
Ang kabataan ang pag-asa ng bayan, matututo sila kung ano ang tama sa mali at makikita nila kung gaano kalala ang mga nangyayare sa bansa. Kung ngayon ay wala pa silang pakielam pero alam kong magiging mulat sila sa tamang panahon.
Malapit na rin naman kami sa photoshoot area dahil inimbitahan ako ng kaibigan ni Sharla, I will be the model in the magazine cover, and they will get some information about my career. They will write some articles or some inspirational magazines for me, and I'm happy about that.
Kahit na malapit na kami sa photoshoot area ay hindi pa rin kami maka-andar dahil sa walang katapusan na traffic, ito naman lagi ang nag-papahaba ng byahe ko pero ano pa ba ang aasahan ko?
Umigting ang panga ko at inalis ang tingin ko sa mga taong nag-proprotesta sa tirik na araw, "Bumaba na nga tayo, malapit na rin naman yung photoshoot area." ang utos ko kay Sharla na kaagad namang tumango.
Hinanda niya ang mga gamit ko na dahilan para tumayo na ako, sinuot ko ang salamin ko pantakip sa nakakasilaw na araw na nag-papainit rin ng ulo ko.
"Kuya, bababa na kami. Idiretso niyo nalang yung van sa bahay." ang utos ko sa driver na dahilan para mag-bigay siya ng thumbs up sa akin, binuksan na ni Sharla ang pinto at bungad kaagad sa akin ang init, usok at busina ng mga kotse.
I rolled my eyes because of the environment, but I have to deal with it, this is the place I'm used to. Ang usok, mainit na panahon at mga kumukulong ulo ng mag motorista dahil sa mahabang traffic.
Dala-dala ni Sharla ang maliit kong maleta at hinila ito para naman hindi siya mahirapan, nag-lakad ako sa side walk at halos hindi na maalis sa akin ang mga tingin nila.
I raised a brow and rolled my eyes because of their looks as if I murdered someone, tss. Do I look like a criminal to your eyes?
I was just walking when suddenly I bumped into someone, the reason why I looked at that woman. My brows furrowed when our eyes met, and I gave her a look head to toe, she's holding a card, and it says justice for Marife Lacsin.
Sa tingin ko ay kasama siya sa mga nag-proprotesta pero sa itsura niya ay parang mayaman ito, nakita ko pang may id ito na naka-sabit sa kanyang leeg na dahilan para hindi ko na alamin ang pangalan niya.
"Sorry," matipid kong sabi na dahilan para tumango nalang siya bilang sagot sa akin, tumalikod na ito sa akin habang dala-dala ang kanyang malaking card na balak sumama sa mga nag-proprotesta.
BINABASA MO ANG
Color Of Surrender (High Class Issue Series #3)
RomanceCaptain Gustavo Archielle Salvatierra is serving his country at the age of 28 and living his life to the fullest, despite being the shadow of his late brother he still wants to prove that he can be a better version of himself. Serving his...