Yiren Pov
"MAY PROBLEMA TAYO!" napatakip ako sa tainga nang biglang umalingawngaw ang boses ng sinasabi nilang asawa ko na.
Hays.
Direderetso syang pumasok mula sa labas papunta sa living room kung saan ako nakapwesto. "Makinig ka nga ang sabi ko may problema tayo!" dinungaw nya ang mukha ko at sinigawan ako sa mismong mukha!
"NARINIG KO! KAYA HINDI MO NA KAILANGAN PANG SIGAWAN AKO!" kung gaano kalakas ang sigaw ay mas dinoble ko pa yong ginawa kong pagsigaw.
Akala nya ba magpapatalo ako? Sanay na ako sa ugali nya. Dahil maniwala kayo sa hindi isang linggo na kaming nakatira sa iisang bahay at wala atang araw na hindi kami nagsigawan at nag aaway.
Badtrip.
Napahilamos sya sa mukha dahil sa laway na tumalsik sa mukha nya at ginawang pamunas ang damit ko!
Kagaling.
"Narinig mo pero hindi ka sumagot?!" napaiwas ako ng tingin. "Kasi nga kung saan saan napupunta isip mo!" hindi ako makapaniwala sa sinabi nya.
"Wala ka namang tanong ah! Kaya bakit ko sasagutin?!"
"Hoy." singal nito sabay turo sakin. Umayos na sya ng tayo at ang kaliwang kamay nilagay sa bewang nya. "Kanina pa ako nagsasalita habang nagtatanggal ng sapatos at papunta dito. Bukod don nagtanong ako pero para kang baliw na nakatakip lang sa tainga mo!" gusto ko namang matawa dahil mukha syang nanay ko na sernisermunan ako sa nagawa kong mali.
Tsk enjoy na enjoy nya na talaga pagiging babae. By the way hindi pa kami nagkakapalit kasi hapon pa lang at kakauwi nya lang galing sa trabaho.
"Pwede ba yang bunganga mo itikom mo na? Sumasakit ulo ko sayo. Naiistress ako." seryosong pakiusap ko. Napabuntong hininga sya bago umupo sa tabi ko.
Ayan ang malaking pinagbago ni V. Simula kasi na maranasan nya mga nararanasan ko habang buntis naiintindihan nya na mga sinasabi ko. Ang nakakatuwa pa don sinusunod nya ako ng walang reklamo. Medyo slight nga lang minsan.
Paano ba naman kasi maarte.
"Fine... Wag mo kasi akong gagalitin." nagugulat ko syang nilingon.
"Aba---" napatigil ako sa pagsasalita nang harangan nya ang bibig ko ng hintuturo nya.
"May problema nga tayo." tinabig ko ang kamay nya at nagcross arm tsaka sinandal ang likod sa sofa.
"Baka ikaw lang wag mo akong idamay."
"Talaga lang ha? Paano kapag sinabi kong may bago akong project."
"Oh ano naman?"
"Tapos sa palawan yon."
"Share mo lang?"
"Tapos tatlong araw yon." doon na ako napatingin sa kanya. Nakangisi sya nang harapin ko at hinihintay ang magiging reaksyon ko.
"Eh di Congrats sa new project mo." napabagsak sya ng balikat at napatampal ng noo. "Ano problema don? Good news kaya yon. Ang sabihin mo tamad ka-aray ko!" napahawak ako sa noo kong pinitik nya.
"3 days yon, ibig sabihin stay in kami don sa loob ng tatlong araw!"
"Eh ano naman--ano?!! Di nga?" napasabunot sya ng buhok sa sobrang pagkainis sakin HAHAHAHA.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With The Devil (Bangtan Series #6)
Mystery / ThrillerDevil become an Angel