Prologue

54 3 0
                                    

"Buntis ako."

"Ha?"

"Ang sabi ko buntis ako."

"Hakdog, Ano namang paki ko kung buntis ka."

"Panagutan mo ako!"

"Eh hindi nga kita kilala. Tapos sasabihin mong panagutan kita? Baliw ka na ba?"

"Wow ibang klase talaga kayong lalaki 'no? Kapag nakuha ang gusto nyo sa mga babae binabasura nyo na."

"And so? Anong pinaglalaban mo?"

"Ang pinaglalaban ko ang nararamdaman ko! at yong magiging anak natin! Alam nyo ba kung gaano kasakit saming mga babae yong piling na dalawa kayong nagbuo. Pero mag isa lang pala kaming magpapalaki nito. Kasi nga duwag kayong mga lalaki! Tumakakbo kayo kapag nandyan na ang responsibilidad."

"Tatakbo talaga ako kasi hindi kita kilala at sino ba kasing may kasalanan kung bakit ka nabuntis?Hindi yan mangyayari kung hindi ka nagpabuntis."

"Wala kang kasing sama! sana maranasan mo ang paghihirap na nararansan ko! Tingnan lang natin kung makakatakbo ka pa!"

Matapos nyang isigaw sa pagmumukha ko ang katagang yan. Ang tirik na tirik na araw ay unti unting nawala. Napatingin tuloy kaming parehas sa langit at halos mamangha ako sa ganda ng nakita ko.

Eclipse...

Ang buwan na hindi ko mawari kung saan nagmula ay unti unti ng tikatakluban ang araw. Kasabay non ang ulap ay dumidilim at sa likod nito ang kidlat na nakikita.

"Ahhh!" hindi ko inaasahan ang kidlat na ito ay tatama malapit sa amin. Napatakbo tuloy ako pero mukhang hinahabol ata ako ng lintik na kidlat.

"AHHHH!" iyon na lamang ang nasigaw ko matapos kong maramdaman ang sakit sa aking katawan.

Mukhang naabutan ako...

"Patay na ba ako?" nang magising ako puro puti na ang nakikita ko. Hinilot hilot ko ang ulo ko ngunit napakunot ang noo ko namapansin na medyo mahaba na ang buhok ko. Napatayo tuloy ako wala sa oras.

Kinapa ko ang buo kong katawan at halos maputol ang paghinga ko nang  maramdaman  ko ang bukol sa dibdib ko.

Shet may nasakit na ata ako.

Agad akong tumayo at pumunta sa banyo. "Ahhhh!!!!!!!!!!" walang tigil ang naging pagsigaw ko. Dahil nang binuksan ko ang pintuan, salamin agad ang tumambad sakin.

At maniwala kayo sa hindi nasa katawan na ako ng babae yon!

WTF?!

I'm Inlove With The Devil (Bangtan Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon