V Pov
"Kuya!" napatigil ako sa ginagawa nang umalingawngaw ang boses ng maingay kong kapatid na si Ara.
"Anong ginagawa mo na naman dito?"
"Duh I just want to visit you. You know, baka kasi your brain is gumagala na naman because mag-isa ka lang dito." kahit kailan napakaarte nito lalo na sa pagsasalita.
"Kung may kailangan ka sakin. Sabihin mo na agad kasi busy ako." ramdam kong tumabi sya sa kinauupuan ko at sinilip ang tinatapos kong project sa laptop.
"What?" iretableng tanong ko sa kanya. Pero wala pa rin ang tingin ko sa kanya.
"You're so annoying! I'm just naglalambing lang eh... We all know na bihira lang akong pumunta dito. Tapos susungitan mo pa ako? How dare you." kahit hindi ko sya lingunin panigurado nakanguso na naman 'to.
"Pakialam ko naman sayo."
"You know what buti na lang talaga we are not together in one house, kundi mababaliw ako sayo."
"Hindi tayo pwede." pilit kong inaabala ang sarili sa ginagawa kaya lang ang ingay talaga nitong kapatid ko.
"Are you trying to say na literal bang baliw sayo? Eww."
"Ewan ko sayo, lumayas ka na nga."
"You're so masungit talaga! Mag-asawa ka na kaya. Baka sakaling mabawasan yang kasungitan mo!"
"Baka mas madagdagan pa kamo."
"Kuya naman, you're so old na kaya!!!"
"And so? Hindi naman halata ah."
"Yak! Mahiya ka nga, you're so feeling binata!" napatayo sya sa gilid ko at tinuro ako. Napatigil tuloy ako sa ginagawa at tinignan sya. "Yong mga kaibigan mo, they have already a beautiful and lovely wife..."
"But I have an own house and I am also a civil engineer."
"Yeah but wala kang Jowa? You're so boring!"
"Magpapakasal rin naman ako eh."
"Really?" bigla syang napaupo at pinulupot ang kamay sa braso ko. "Tell me, when?"
"Kapag kinasal na si Jk."
"Wah! Sya ang papakasalanan mo?!" nakangisi akong nagpatuloy sa ginagawa dahil sa sinabi nya. "I HATE YOU KUYA! I will sumbong you to Mom and Dad!" nang maramdaman kong umalis na sya sa bahay doon na ako nakapagconcentrate sa ginagawa
Sakit sa ulo ng english nya! Nahawa na sya sa kaibigan nyang si Abby.
Yiren Pov
"Ang laki na rin pala ng pinagbago ng lahat." mapait akong ngumiti habang nililibot ang paningin sa buong paligid.
Nandito na kami ni Daddy sa Pilipinas. Matagal rin bago ako nakabalik kasi ang daming exercise pa ang ginawa ko para lang makarecover ang katawan kong naging baldado.
Habang tumatagal mas narerealize ko na ang tagal rin pala ng tatlong taon na natulog ako. Sa sobrang tagal ang dami na ring pinagbago ng paligid and I'm sure pati tao.