Chapter 10

11 2 0
                                    

Yiren Pov

"Hoy gumising ka nga dyan." napaungol ako nang biglang may yumugyog sakin habang natutulog. "Bumangon ka na dyan." sa sobrang iretang nararamdaman kinuha ko ang unan at tinaklob iyon sa mukha.

"Bumangon ka na!" hindi ko pa rin sya sinagot.

Ayoko sa lahat ay ginigising ako lalo na kung kulang ang tulog ko.

"Ano hindi ka babangon? Iwwan na naman kita." awtomatiko akong napatayo sa kinahihigaan. Antok na antok man ay pilit ko syang hinarap.

"Ano ba kasi?" kinusot kusot ko ang mga mata para makita sya ng malinaw.

Yak may muta pa akong nakuha.

"Bakit ka ba ganyan? Huh? Gusto mo talagang makasal tayo? Kaya ganyan na lang ang ginagawa mo?" mas lalo akong nagulahan sa kanya. Bakas sa mukha nya ang pagkainis at pagkairita.

Nang muli kong binalikan ang mga pangyayari kagabi narealize ko ang gusto nyang sabihin.

"Baliw ka na ba? Hindi mo ba naalala ang sinabi ko? Wala ng kasal na magaganap. Pero dahil sa sinabi mo na it's a prank it's a prank mas lalong nagulo ang lahat." galit na sagot ko.  Naglakad ako papuntang banyo para maghilamos. Hindi ko naman inaasahang susunod sya sa loob.

"Oo na kasalanan ko na! Kahit sino naman ang nasa posisyon ko ayon ang magagawa dahil nakakatakot ang daddy mo."

"Isigaw mo pa para bumbahin ni Daddy ang ungos mo kapag narinig ka." ismiran ko sya bago nagtoothbush.

Nakakailang ng kunti kasi pinapanood nya bawat galaw ko. Bakit kasi nanonood sya?

"Tsk basta walang kasal na magaganap."

"Aram meo ang guro guro meo rin tologo." dinalian ko na ang pagtotoothbush para harapin sya. "Hindi kita maintindihan." napapailing na sagot ko tsaka naglakad papalabas ng banyo.

"Ang likot likot mo naman." sabay hila sakin papaharap ulit sa kanya. "Look, Listen and Learn. Magtulungan tayong dalawa. Ituloy natin ang plano kong gusto kong simulan." agad ko syang sinamaan ng tingin.

Plano plano na para sa sarili nya lang!

"Look kung iniisip mo na ginagawa ko 'to para sa sarili ko nagkakamali ka. Ginagawa ko 'to para sa ating lahat. Para sa kagustuhan ng mga magulang natin at para na rin sa ikabubuti natin."

"Ikabubuti natin?"

"Oo diba may gusto ka kay Jk at alam ko naman hindi mo rin ako gustong pakasalanan." napatango tango ako ng madami.

Sino bang gustong matali sa isang katulad nya? Napakasama nya. Grabe walang katulad. Pinaganda nya pa ang explanation nya eh pabor na pabor naman sa kanya ang lahat ng ipapagawa nya sakin.

"So ganito na nga ang gagawin natin...."

Matapos nyang sabihin sakin lahat ng plano nya. Palihim kaming lumabas ng bahay para hindi mahuli ni Daddy. Syempre ayon ang unang plano na sinabi nya. Pangalawa naman pumunta kami sa isang botique na kung saan puro wedding dress lang ang laman ng store.

"Pumili ka na." nilibot ko ang paningin sa talay talay na naggagandahan at nagmamahalang wedding dress. "Kapag nakapili ka na bayaran mo." agad ko syang nilingon matapos nyang sabihin yon. Tinuro ko ang sarili ko at nakangiting tumango naman sya.

I'm Inlove With The Devil (Bangtan Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon