Chapter 21

10 2 0
                                    

V Pov

"Guys tapos na ba kayo dyan?" mula sa pintuan ng kusina sunod sunod na pumasok ang mga lalaki kasama si Luna... Si Luna na hindi ko akalain na sya pala..

"Anong nangyari? Bakit parang nakakita kayo ng multo?" takang tanong ni Rm. "Yiren ok ka lang?" lahat ng mata nila ay nasa akin. Pero ang paningin nananatiling na kay Luna pa rin.

"Ano yang pinapanood mo Ellie sa kanila? Hala bawal yan." nakakalokong ngiting singit ni Jimin. Nang malapit ito binatukan sya ng asawa.

"Hindi ako katulad mo..." singhal nito dito. "Ok ka lang Yiren?" dahil sa tanong ni Ellie nagbago ang itsura ni Luna.

Nag-aalalang lumapit sya sakin at sinuyod ang buong paningin sa mukha at katawan ko. "Anong problema? May masakit ba sayo?" nang hindi ako sumagot mas nag alala pa sya.

"V..." sabay na usal nila ni Jk. Napatingin tuloy kay Jk ang lahat maliban sakin na hindi maalis kay Luna ang paningin.

"V...ito yong babae." alam kong yong nasa cellphone ni Ellie ang tinutukoy nya. Nagsilapitan pa ang ilan sa kanya at tinignan yon. Maging si Luna tinignan rin yon.

"Anong babae?" takang tanong ni Luna.

"Ito yong matagal mo ng hinahanap." napalunok ako ng matindi tsaka napapikit.

"Hinahanap?" nang magmulat ulit ako ng paningin nagpabalik balik ang tingin ni Luna samin ni Jk.

"Hays huwag ka ngang piling may amnesia."

"Kaya nga naman V kahit kami tanda ang babaeng 'to." singit ni Jhope na na kay Luna ang paningin.

"Naguguluhan ako... Anong meron sa kanya?" sakin na napatingin si Luna. Nakipagtitigan pa sya sakin ng matagal at ganon rin ang nagawa ko.

Kapag sinabi ko sayo ang lahat baka hindi mo na ako mapatawad...

"V... Sagutin mo ako! Anong meron sakin? Bakit mo ako hinahanap?" diretsong usal ni Luna na nandon pa rin sa mukha at boses nya ang pagkalito.

"Huh? Ang gulo mo V... Bakit Si Yiren ang tatanungin mo at anong V? Diba ikaw si V?" nalilitong sagot ni Rm kay Luna. Lahat sila hinihintay ang magiging sagot namin. Pero kaming dalawa tinitignan lang ang isa't isa.

"V sagutin ko ako." nawala na ang emosyon sa mukha ni Luna. Maging ang boses nya sumeryoso na din.

Bahala na V ang mahalaga sinabi mo na ang totoo... Pero sana kami pa rin talaga sa huli.

"Ako..." napalunok pa ako ng paulit ulit. "Ako yong lalaking nang iwan sayo 3 years ago." napapikit ako.

Pinakiramdaman ko ang ingay o reaksyon ni Luna pero wala akong narinig kundi lakas ng tibok ng puso ko. Sa huli takot man napagpasyahan kong magmulat ng mata.

"Hindi naman kita naging boyfriend ah?" ayon agad ang sinalubong nya sakin. Napabagsak naman ang balikat ko sa panlulumo.

"Luna..." huminga ako ng malalim bago hawakan ang magkabilang balikat nya. "Ako, ako yong lalaking iniwan ka sa bar nong nalasing ka. Ako yon, ako yong lalaking hindi ka tinulungan kaya naaksidente ka. Ako ang dahilan kung bakit na coma ka at ako rin ang dahilan kung bakit sa loob ng tatlong taon hindi mo nakasama ang mommy mo." mahabang paliwanag ko. Bago yumuko at unti unting napababa ang kamay kasabay ng pagpatak ang luha.

I'm Inlove With The Devil (Bangtan Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon