Yiren Pov
"What's up Word!" masayang bati ko sa buong sambayanang Pilipino.
"Nandyan na po sya. Masaya pa talaga syang iiwan nya kami." usal ng isa kong kabatchmate na si Ana.
Naku po mga madramang nilalang talaga! Hindi ko maintindihan kung saan sila nagmana.
"Aalis ka na talaga? Iiwan mo na ang South K University?" napabuntong hininga ako. Tsaka umupo sa harapan nila.
Actually nandito kami sa Cafe. Niyaya nila akong magbonding daw kami? Bago ako tuluyang umalis sa paaralang puro plastic lang naman ang nananahan.
"Ganon talaga ang buhay hindi lahat nagiistay." kunwaring malungkot na sagot ko.
"Ano ba yan sino na magiging leader namin?" -Vannesa
"Wala na kaming makokopyahan ng assignment." -Sam
"Wala na kaming matalinong tulad mo." -Nicole
Oh Diba? Malungkot lang sila hindi dahil aalis ako at mamimiss nila ako, kundi dahil nag-aalala sila sa sarili nila. Kapag nawala ako wala na silang matatakbuhan.
Mga manggagamit... Ako naman si Tanga nagpapagamit. Oo na, sabihin na nating gusto ko lang ng kaibigan. Kaya lang wala akong makuhang totoo sa kanila dahil lahat sila ginagamit lang ako. Tapos ano? Kapag ako na ang may kailangan tinatakbuhan ako.
Sad life.
Pero kahit ganon meron rin naman akong maituturing na tunay na mga kaibigan. Kaya lang dahil sa pangyayari sa buhay nila kailangan nila akong iwan. Yong isa naging busy sa career nya at yong isa naman kailangan nyang ayusin ang sarili nya.
At ngayong bumalik na yong isa kaya lilipat na ako sa school na pinapasukan nya. Hindi na ako magpapakauto na lang sa mga 'to. Didikit dikit sakin kasi may kailangan. Mas gusto kong piliin yong taong pipiliin din ako.
"Saan ka lilipat nyan?" maya maya tanong ni Ana.
Matamis akong napangiti at inagaw ang kukunin nyang coffee na inorder nya. Syempre nagulat sya dahil sanay sila na lahat ay ibinibigay ko sa kanila. Pero dahil huling araw ko na silang makikita dapat magpakatotoo na tayo.
Ilang taon ko ring tiniis ang mga panlalait, at pangaalipusta nila!
"Sa Pailyn International School." pagmamayabang ko. Napakunot naman ang noo ko nang makitang malaglag ang panga nilang lima. "Bakit?" takang tanong ko.
"As in? Pailyn?" walang kasing taray ng leader ng Mean girl ng School na si Lexa.
"Yes, why ba?" nakangiti kong tanong. Mukhang hindi sila sang-ayon sakin pero sorry sila dahil wala na silang magagawa sa paglipat ko sa school na yon.
Sa wakas makakalaya na ako sa bruhang 'to.
"Marami kasi doong Gwapo AH!!!!" napatakip naman ako ng tainga sa sigaw ni Nicole.
"Yiren!!! Pwede mo kaming isama don huh? Pwede don na rin kami pumasok?"-Vannesa
"Hindi pwede." napabagsak lahat ng balikat nila.
"Bakit hindi pwede? Mayaman din naman kami ah! Bakit ikaw pwede at kami hindi?"-Ana
"Mayaman nga kayo pero hindi kayo matalino." matapang na sagot ko tsaka tumayo. "Sa madaling salita useless lang ang pera nyo." matapos non walang salitang iniwan ko sila. Dahil pupuntahan ko ang kaibigan kong si Ellie para makabonding kami together. Si Ellie na naging totoo sakin kailanman.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With The Devil (Bangtan Series #6)
Mystery / ThrillerDevil become an Angel