V Pov
"Hoy V, saan ka ba pumunta kagabi? Bigla ka na lang wala." nang makauwi ako sa bahay naabutan ko si Jk na nakasalampak na nakaupo sa sofa.
Ito talagang lalaking 'to! Piling bahay nya. Pagkain lang naman ang pinunta niya dito. Nong isang araw lang pumunta sya dito at inubos ang lahat ng laman ng ref ko.
Napakagaling.
"Ewan ko nga. Wala akong maalala sa mga nangyari kagabi." hinilop hilop ko pa ang ulo ko bago sya tabihan.
"Nagkalat ka na naman ba kagabi?" tinignan ko sya at pilit inalala ang mga nangyari. Pero wala talaga akong maalala. Badtrip! Hindi ko na lang sya sinagot.
"Yan! Sabi ko naman sayo, sasamahan kita mag Cr pero hindi ka na nakabalik! Hinahanap ka ng mga katrabaho natin. Kaso halos malibot ko na ang buong bar wala ka." napaiwas na lang ako ng tingin.
Nagkaroon kasi kagabi ng celebration ang buong team namin dahil nga nakapasa ang mga intern at kasama kami don.
"Natulog lang naman ako eh."
"What?! Where?"
"Ewan ko. Piling ko don rin ata sa bar yon."
"Bakit ka natulog don?!"
"Kasi nga inaantok na ako! Hindi ko na kinaya ang ingay at dami ng alak na nainom ko. Ano gagawin ko? Saan ako matutulog don mismo sa dancefloor?" sarkastikong sagot ko.
"Eh di sana sinabihan mo ako!"
"Para tabi tayo matulog?" pinanliitan ko sya ng tingin. Tsaka mas lumapit pa sa kanya.
"Baliw! Para makauwi na tayo! Tumabi ka nga." sa sobrang inis nya ay tinulak nya ako dahilan para malaglag ako sa sofa.
Bwisit na 'to. Ang sakit sakit pa nga ng ulo ko tapos sasaktan nya pa ang pwetan ko.
"So paano ka nakauwi dito?"
"Baka nagteleport ako Jk."
"Umayos ka nga V!"
"Hahahaha syempre nagdrive ako pauwi nong nagising ako kanina.
Bakit ba ang init init ng ulo mo? Kung umarte ka dyan para kitang misis na nagagalit dahil hindi ako umuwi kagabi HAHAHAHAH-aray!" batuhin ba naman ako ng unan. Kagaling."Ulol! Hindi tayo talo! Yang sakit mo umiiral na naman." tumayo sya at pinagpagan ang damit. Tumayo na rin ako para harapin sya.
"Bakit ka ba nandito huh? Nag-alala ka ba sakin?" binigyan ko sya ng nang-aasar na tingin. Pinandirihan nya lang naman ako.
"Kunti na lang iisipin kong bakla ka." napanganga tuloy ako sa naging sagot nya. Oo literal na lumaki ang bibig ko. Napahawak pa ako dito at tinakpan gamit ang kanang kamay.
"Wow makapagsalita dyan yong No Girlfriend Since Birth. Yong lalaking takot sa babae---"
"Hindi ako takot 'no! Wala lang akong nagugustuhan sa kanila."
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With The Devil (Bangtan Series #6)
Misteri / ThrillerDevil become an Angel