Yiren Pov
Halos makatulugan ko na ang paghihintay sa pagbabalik ni V. Akala ko talaga pinagtritripan nya lang ako. Pero nagulat ako nang mula sa malayo naglalakad sya pababalik sa pwesto ko.
"Oh ito na." nakangusangot ang mukha nya nang ibigay sakin ang pinya.
Halos mapunit ang pisngi sa pagkakangiti bago kuhain yon. Pinagmasdan ko ang itsura nito at hindi ko napigilang matawa sa nakikita.
"Ano 'to HAHAHAHAHA!" nang iangat ko ang tingin ko sa kanya ang sama sama na ng tingin nya sakin.
Grr katacute.
"Pinya yan, yong pinapakuha mo saking pinya na isa lang ang mata!" muli kong tinignan ang pinya na merong nakaukit na isang mata sa may gitna.
"Ang cute..."
"Pagmamasdan mo lang yan at hindi mo kakainin?"
"Hmm..." nakangusong nag angat ako ng tingin ulit sa kanya. "Bakit ko naman kakainin? Kawawa naman si bibi ko."
"Bakit naman ako kawawa?" natigilan ako sa tanong nya.
"Hindi naman ikaw kundi ito." sabay turo sa pinyang hawak ko. Tsaka siya tinignan ng may kasamang panunukso.
"Vv pala ah..." napaiwas sya ng tingin sabay upo sa tabi ko. Nakangiting hinarap ko sya at umusog para asarin sya. "So gustong gusto mo na talagang tinatawag kitang Vv ko?" nang umusog sya papalayo sakin ay pilit rin akong umusog papatabi sa kanya.
"Manahimik ka nga Lunangit..."
"Lunangit ka dyan." sabay palo sa balikat nya. "Pangit ba ako? ha?" nilapit ko ang mukha ko sa kanya para mas makita nya.
Oo sa mismong mukha nya.
"Ano... Titigan mo ako tapos sabihin mo na pangit ako." seryosong usal ko sa kanya.
"Oo.." mahinang sagot nya napaiwas pa sya ng tingin sakin. Halatang inaayawan ang pakikipag eye to eye contact sakin.
"Talaga?" sabay lapit ulit.
"Ooh eh hindi na!" kasabay nito ang pagtayo nya. "Kainin mo na yan." dagdag na utos nya.
"Ayoko na ng pinya." nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha nya.
Mula sa pagkailang ay unti unting nagiging pula sa galit
"Anak ng tokwa, Alam mo bang pinaghirapan ko pa yang hanapin at kunin para lang sayo ha? Nagpabayad pa ako para lagyan yan ng isang mata!" napangiwi ako sa sigaw nya. Bago tumingin sa mga taong naglakakad na tumitingin sa amin.
Kung makareact naman ito akala nito sya yong mismong nagbalat ng pinya eh nagpabayad lang naman sya.
"Ayaw ko na ng pinya!" napadabog dabog pa ako. "Gusto ko yong balot na walang buhok."
"Ginagago mo ba ako Yiren Luisse Nathalia Alazar?!"
"Vargaz na po ako hindi na Alazar." nakangiti panghabol ko. Napatampal sya sa noo halatang naiinis na ngunit pinipigilan pa ring sumabog.
"Ano ba gusto ha?!" padabog ulit syang tumabi sakin.
"Ikaw..." diretsong sagot ko. Ramdam kong natigilan sya at unti unting napaharap sakin. "Ikaw ano ba gusto mo?" dagdag ko bago sya harapin.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With The Devil (Bangtan Series #6)
Misterio / SuspensoDevil become an Angel