V Pov
Minsan talaga ang sarap lumipat ng ibang planeta at don na tumira. Mas alien pa atang 'tong asawa ko kaysa sakin.
Nang hindi ako makaattend sa last part ng pageant ay nadisqualified kami. Ngunit kahit ganon masaya pa rin ako dahil nalaman ko ang totoo mula kay Luna.
Pero bakit hindi nya ba makuha agad na sya ang gusto ko at hindi si Jk?! At speaking of Jk nandito na naman po sya papalapit sakin.
Ito na ang last day namin dito sa Isla at mamaya uuwi na kami. Hays sa wakas makakapahinga na rin. Pero hindi ko naman maayos ang trabaho ko dahil meron pa ring ilangan sa pagitan naming dalawa ni Jk.
"V." panimulang tawag nya kahit hindi ako diretsong nakatingin sa kanya ramdam kong nahihiya sya.
"Hmm?" sagot ko habang nagpapanggap na abala sa pagsusukat ng mga pader na nagawa na. Nilibot ko ang paningin sa napakagandang building nasimulan na namin.
Hindi man kami ang magtatapos atlis kami ang naunang gumawa. Yong ibang katrabaho ko naman ang ipapadala dito para magtrabaho rin katulad ng ginawa namin.
"Gusto sana kitang makausap about sa nangyari kagabi." muli akong napapikit at naalala yong nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Luna na ako ang nakaranas.
"Huwag muna ngayon."
"Pero ang sabi mo ngayon tayo mag-usap." agad akong napalingon sa kanya.
"Sinabi ko yon?" kunot noo ko syang pinagmasdan at tinanguhan nya ako bilang sagot. "Kailan?" napuno ng pagtataka ang mukha nya.
Ano ba yang bibig na yan ang daldal.
"Hindi mo naaalala? Kagabi, sabi mo ngayon ako humingi ng sorry sayo." napabuntong hininga ko tsaka nag iwas ng tingin.
Paniguradong si Lunangit na naman ang nagsabi non kagabi. Syempre nasa kanya ang katawan ko kagabi.
"Huwag ka ng humingi ng sorry..." malungkot na panimula ko. "Anong magagawa natin kapag nagmahal ka talaga hindi mo na malalaman kung ano ang tama at mali. Basta gagawin mo na lang ang mga bagay na yon para sa taong mahal mo." dagdag ko pa bago muli syang lingunin.
"Kung nakagawa ka ng mali at
inamin mong nagkamali ka. Hindi na dapat inuulit pa yong pagkakamali ng paulit ulit." napababa sya ng tingin. "Yon lang sapat na sakin para mapatawad ka." nang tignan nya muli ako bakas na sa mukha nya ang kawalan ng pangamba."Huwag ko ng uulitin kasi kapag inulit mo pa..."
"Ano?" napalunok sya nang maiirin nang hindi ako sumagot. "Ano ba kasi yon?" nauutal na tanong nya matapos ng ilang minutong lumipas.
"Ano titignan mo lang ako?" unti unti syang lumayo sakin.
"Kung uulitin mo pa wala ka ng kaibigan." kasabay ng pagsagot ko ang pagtigil nya sa pagaatras. Napabagsak ang balikat nya sa sobrang panlulumo. Samantalang ako tinitignan lang ang bawat rekspresyong lumalabas sa kanya.
"Ganon ba yon?" naging matamlay rin ang boses nya.
"Oo, wala ka ng kaibigang magpapakain sayo." literal na nanlaki ang mata nyang tumitig sakin. "Kasi hindi na kita papapasukin sa bahay dahil akin lang ang asawa ko, Jk." walang kasing tapang na usal ko pa.
Unti unting nanliit ang mga mata nya hanggang hindi na ito makita pa. Bakit? dahil sa sobrang pagkakatawa.
"HAHAHAH akala ko naman kung ano."
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With The Devil (Bangtan Series #6)
Misterio / SuspensoDevil become an Angel