Chapter 04

8 2 0
                                    

V Pov

Sa nagdaang araw mas naging abala pa ako sa mga ginagawa. Hindi ko akalain na dininig agad ni Lord ang hiling kong mapromote sa trabaho.

Agad rin nila akong binigyan ng isang project. Walang iba kundi ang gumawa ng isang building sa Pailyn Internation School. Dahil nga dumadami na ang studyanteng nag-aaral doon naisipan ni Abby at Suga na kunin akong Engineer.

Gwapong Engineer. Diba ang saya saya? Sa sobrang saya gusto kong buhatin lahat ng nakakasalubong ko sa daan at itapon paitaas.

"V!" nawala ang kislap ng mga mata ko nang makasalubong ko si Jk.

Ano na naman kayang ginagawa nito dito sa Pailyn International School? Wag nyang sabihin na---

"Namimiss mo na naman ako 'no? Kaya ka nandito?"

"Miss mo mukha mo! Puro ka kalokohan. Palibhasa wala kang Jowa kaya ako ang pinagdidiskitahan mo." matamis akong ngumiti at pinulupot ang braso sa leeg nya upang maglambitin.

"Ano ba?!"

"Wala nga akong bebe pero nandyan ka naman." pilit syang umalis sa pagkakaakbay ko. Dahil sya nga si Jk na sobrang lakas nakaalis rin sya sakin.

Muntikan pa akong mapaupo sa sahig sa sobrang pwersang ibinigay nya. Grabe naman parang si Iron Man.

"Tumahimik ka nga! Baka kung ano pang isipin ng tao kapag narinig nila yang mga pinagsasabi mo." Tumingin tingin pa ito sa paligid. Napatingin rin tuloy ako sa iba at tama nga sya nagbubulungan na ang mga studyante at ang iba naman ay kinikilig pa.

"Ano ba kasi ginagawa mo dito?" pag-iiba ko ng usapan.

"Hindi ka ba inform na ako partner mo sa trabahong ito?" nawala ang magandang pakiramdam ko kanina.

Ano ba yan, akala ako lang?! Suga, akala ko ako lang ang mahal mo? Taksil!

"Kung saan saan na naman napupunta ang isip mo. Halika ka na nga." wala sa sariling nagpahila ako kay Jk kung saan man nya ako dadalhin.

Habang tumatagal nakakatakot na si Author. Lagi kaming pinaglalapit ni Jk, porket kami na lang ang walang partner.

Unfair!

Yiren Pov

"Ok class dismiss." matapos ng last subject namin, inayos ko na ang lahat ng gamit ko bago lumabas ng classroom.

Napagpasyahan kong ituloy pa rin ang pag-aaral hanggang hindi pa gaanong lumalaki ang tyan ko. Mas mabuti ng ganito kaysa wala akong ginagawa sa buhay kundi tumunganga lang. Sayang rin kasi ang panahon na masasayang kung titigil pa ako.

Nakakalungkot lang dahil wala ako ni isang kaibigan sa School. Ganon pa man mas mabuti na yon. Mahirap kasing mamili ng pagkakatiwalaan. Bukod don nandyan naman si Ellie kaya ayos lang.

"Ay! Ano ba yan!" nagising ang diwa ko nang biglang may sumigaw sa harapan ko. Kunot noo ko syang tinignan pero wala sa akin ang paningin nya kundi nasa paahan ko.

"Hoy, alisin mo na yang PAA MO!" napatingin ako sa tinutukoy nya at halos mapaatras ako nang marealize na may tinatapakan na akong papel.

"Grabe ka!" nanlulumong pinulot nya yon at sa itsura nya parang kunti na lang iiyak na sya. "Pinatagal mo pa talaga yong paa mo dito! Tingnan mo, nagmark na tuloy yong sapatos mo dito!" napaatras ako nang bigla syang tumayo at dinukdok iyon sa mismong mukha ko.

I'm Inlove With The Devil (Bangtan Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon