Epilogue

14 4 0
                                    

"Ahhhh!  Manganganak na ako!" sigaw ko sa kanya nang makaramdam ng kakaibang sakit sa tyan ko. Unti unting nanghina ang tuhod ko at napakapit sa gilid ng kama. "Manganganak na ako!!!!" pag-uulit ko nang wala man lang pumunta para tulungan ako.

"Luna pumunta na tayong Ospital!" sa wakas dumating din ng asawa kong parang tangang natataranta sa paggagayak ng mga gagamitin.

"Ako na muna ang unahin mo mamaya na yan!" maingiyak ngiyak na usal ko at buti na lang talaga nakinig sya sakin. Maingat nya akong inalalayan pababa ng kwarto. Sa bawat hakbang ko natatakot ako na baka malaglag bigla yong anak namin.

Ganon yong pakiramdam hindi ko na ata naisip na masakit na talaga kundi nag aalala ako sa anak namin.

Bakit ba kasi ang layo ng Ospital!

"Dalian mong magdrive..." hingal na usal ko sa kanya. Kahit nakaupo lang naman ako sa likod ng kotse pakiramdam ko tumatakbo ako dahil sa sobrang naging paghabol ng hininga ko.

"Jhope!!! Manganganak na ang asawa ko!" nang makarating kami agad sa Ospital sinalubong kami ni Jhope. Nalilito itong tumingin muna sa asawa ko bago sakin.

"Dalian mo na!"

"Patay... bakit ngayon ka pa nanganak kung kailan maraming pasyente?" nasapo nya ang noo nya sa sobrang pagkalumo.

"Ano gusto mo bukas pa?!! Kahit ako mas gusto kong bukas na lang kaysa ngayong gabi.  Na kung saan ako ang nasa katawan ni Luna!!!!" hingal na hingal na pagkakasabi ko may kasamang pasigaw pa yon dahil ang sakit sakit na.

Oo tama ang iniisip nyo ako 'to si V! Si V na pogi na asawa ni Luna na mahal na mahal sya at mahal na mahal nya rin ako. Pero bakit naman ganito... Bakit...bakit ganito kasakit?!

"Buti nga ikaw ang nakaranas nyan eh kung si Yiren baka maiyak ka dyan sa pag aalala." natigilan ako.

Kung sa bagay tama rin naman sya. Mas ok na ako ang masaktan kaysa sa mahal ko. Pero teka nga lang---

"Bakit ba nagchichismisan pa tayo dito!!! Ang sabi ko manganganak na ako!!!"

"Kumalma ka nga dyan kanina ka pa dyan panay ang sabi na manganganak na. Pero until now wala pa oh?" gusto kong singhalan ang asawa kong nakacross arm sa tabi ko.

Bakit kanina natataranta sya tapos ngayon ginaganito nya ako? Bakit?! Naku Luna! kung hjndi lang kita mahal nasigawan na kita.

"Eh kasi naman eh..." nakangusong humarap ako sa kanya. "Masakit..." mahinang reklamo ko. Yong tonong nagmamakaawa para kahit papano maawa sya sakin.

Ngunit tinignan nya lang ako ng walang kaemosyon. Gusto ko tuloy lukutin ang mukha ko dahil iyon ang nakikita ko ngayon sa kanya ngayon.

Madalas ganon ang mukha ko at ngayon ko lang narealize na ang pangit pangit pala. Lalo na kapag sya na ang gumawa. Pangit kasi gusto ko may ekspresyon sya. Gusto kong buhayin nya ang ekspresyon ng mukha ko at hindi yong walang emosyon.

"Hindi mo na ba ako mahal? Bakit ka ganyan hindi ka nag-aalala sakin?" napaiwas ako ng tingin.

Kawawa naman ako.

"Oh diba nakapagchismisan pa tayo kaya bakit ako mag-alala." kunot noo ko syang tinignan ulit. Ngunit mas kumunot ito nang maramdamang may tubig na dumadaloy sa hita ko.

Nakakahiya bakit ka umihi sa sarwal V!

"Oh my ghad manganganak ka na V!" natauhan ako nang marinig ang boses ng iba ko pang kaibigan na kakapasok pa lang sa Ospital.

I'm Inlove With The Devil (Bangtan Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon