Meraki 1

19 2 16
                                    

Issha

"Via, sa'n ka na?" Pagsisimula ko nang sagutin ng kaibigan ko ang tawag ko sa pangalawang pagkakataon. Nakaka-stress din 'tong isa na 'to, eh. Ang bagal sa lahat ng bagay.

Maingay akong naglakad pababa sa hagdan namin kaya nakita kong gulat na napalingon si Mama sa akin. Agad akong nag-peace sign dahil alam kong batok na ang kasunod nito.

"Huh? Sabi ko na nga ba hindi ka pa gumagayak. Puyat ka kasi nang puyat, alam mo namang enrollment ngayon. Bugak ka ba?" Iritado kong sagot nang marinig ko ang boses niyang parang kagigising pa lang.

"Gumayak ka na!" Sigaw ko sabay irap na akala mo ay nakikita niya ako. Nilagay ko na sa bag ko ang cellphone at umupo na para kumain.

"Ang aga aga inaaway mo 'yung kaibigan mo." Nanghuhusgang sabi sa 'kin ni Mama. Natatawa namang kumukuha ng pagkain ang kapatid ko nang makita akong napasimangot.

"Hindi naman, Mama. Siraulo lang kasi si Via." Kaswal kong sagot. Kilala naman na ni Mama si Via kaya ganito na ako. Kaibigan ko kasi siya simula pa noong Elementary pa lang kami. Nagkataon lang na kinailangan nilang lumipat ng bahay matapos mawalan ng trabaho ng Papa niya dito sa lugar namin.

"Sus. Ayos ayusin mo 'yan, Issha. Hindi tama 'yan." Sermon ni Mama at muli kong natanaw ang pagngisi ng Kuya ko. Epal talaga.

"Mama si Kuya ang epal." Naiirita kong pagsusumbong. Natawa na nang malakas si Kuya, sabi ko na pinipigilan lang niya 'yon. Plastic. Napailing na lang si Mama sa ugali namin at nagpatuloy na pagalitan ako.

Tinapos ko na ang pagkain ko at nagmamadaling magpaalam kay Mama. 7:30 na at alas otso magsisimula ang pagpila para sa enrollment. Twenty minutes lang ang biyahe pero alam kong forty minutes akong maghihintay sa kaibigan kong makupad.

First year na ako sa pasukan, kami ni Via. Hindi naman namin pinagkasunduan na sa parehong school kami papasok pero parang gano'n na nga. Bukod pa ron, nandoon naman ang course na napili namin. Architecture ang kinuha niya. May talent yung kamay niya sa mga gano'ng bagay, kaya pinilit ko siyang i-pursue iyon dahil alam kong gusto niya rin.

BA Psychology naman ang kinuha ko. Sa hindi malamang dahilan, mahal ko ang kursong ito, hindi pa man ako nagsisimula.

Naka-para ako ng jeep pagkatapos kong mag-abang ng ilang minuto. Agad kong kinuha ang cellphone ko pagkaupo ko sa gawing gitna. Hindi ako makapagsuot ng earphone dahil alam kong may mga pasaherong magpapaabot ng bayad. Mahirap na, baka sigawan ako bigla.

Nang nasa tapat na ng University ay agad na akong pumara. Buti hindi bingi si Manong at sakto ang nababaan ko.

Nagsimula na akong maglakad papasok sa University. Tahimik akong namangha, kakaiba yung dating ng school na 'to. Baka maging matalino na ako rito. Natawa ako bigla sa sariling naisip. Parang tanga lang.

Narating ko ang dulo ng pathway. May upuan don at naisip kong doon na lang din hintayin si Via. Agad ko siyang na-text para 'di siya lutang pagkadating niya rito.

Naalala ko ang ginawa kong pagpipilit kay Mama para lamang payagan niya ako sa school na 'to. Hindi naman mahal ang tuition, at kung medyo malaki man, alam kong kakayanin din dahil ako na lang naman ang nag-aaral. Si Kuya, Engineer na siya. Nagpapahanap nga ako ng pwedeng gawin na crush kaso ang damot.

May partikular na school na gusto si Mama para sa akin. Pati na rin ang kurso. Gusto niyang maging Accountant ako pero alam kong wala akong talent sa numbers kaya hindi ko na lang sinubukan. At ayaw ko rin, hindi ko nakikita ang sarili ko sa banks. Sa clinic, oo.

Kalaunan ay pumayag na rin siya at naiyak pa ako sa tuwa. Siguro dahil ito talaga ang gusto ko, at siya rin. Biro lang.

Naisip ko na ang lahat ng dapat isipin pero wala pa rin si Via. Ang akala kong 40 minutes ay naging isang oras na. Hahampasin ko talaga 'yon.

Sakto namang natanaw ko siya, agad kong sinamaan ng tingin. Nag-peace sign siya, hindi bagay sa kaniya.

"Ang sakit na ng pwet ko kakahintay sa 'yo, pahampas nga." Naiinis ko nang sabi sa kaniya.

"Sorry na nga, pinakain pa kasi ako. Hindi na dapat ako kakain para mas maaga kaso... si Mama kasi. Hehehe." Nangangamot siya sa ulo. Inirapan ko lang siya, as if nagsisisi talaga.

"Tara na." Sagot ko na lang at tinalikuran siya. Agad naman siyang kumapit sa kamay ko at patuloy na humihingi ng sorry. Sorry mo mukha mo.

Nagsimula na akong pumila para kumuha ng form. Buti na lang mabilis lang ang pila na 'to. Hindi kasi gaanong marami. Sa Architecture at Engineering ang marami, mas focus kasi ng school na ito ang kurso na 'yon. Kawawa naman si Via, buti nga sa kaniya.

Pagkatapos ng isang oras at kalahati ay natapos din ako. Naupo ako sa bench malapit sa pila nila Via at pinagmasdan siyang nakasimangot. Nang mapatingin sa 'kin ay mas napakunot ang noo, tinawanan ko lang siya. Karma.

Natapos siya at pareho na kaming gutom kaya napagdesisyunan naming pumunta sa Mall malapit dito. Maglalakad sana kami kaso hinang hina na siya kaya humiling na sumakay kami sa tricycle. Tawa lang ang isinagot ko at hinila na siya papunta sa pilahan ng tricycle.

Habang kumakain kami ay iba ibang plano ang tumatakbo sa isip ko. Plano para sa future. Naisip ko na rin ang organization na sasalihan ko. Sigurado na ako rito.

Sa dinami-rami ng mga kurso na pinagpilian ko,  dito ako dinala ng imahinasyon ko. Kung saan nakikita ko ang sarili kong nakaupo sa lugar kung saan ako magiging masaya, makakatulong at mas makikilala ang sarili ko.

Siguro nga'y matatagalan pa ko sa pag-abot ng mga plano na sinimulan ko, pero nagsisimula na ako. Darating din ako sa dulo ng daan na ito.

Mahaba-habang landas ang tatahakin ko. Handa na ako. Ang isip ko at maging ang puso ko. Alam kong hindi magiging madali ang papasukan ko. Pero sana... makuha ko yung tama at ito ang dikta ng puso ko.

MerakiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon