Meraki 5

5 0 38
                                    

Naging maayos ang unang linggo ng klase. Marami akong nakasalamuha at masasabi kong kahit hindi ko pa gaanong nakakasundo ang iba, maganda naman ang pakikitungo nila. Unang tingin pa lang, alam ko nang maayos naman sila kaya hindi na rin ako nagulat. Kadalasan sa kanila ay mahinahon ang pakikipag-usap, halatang matalino. Hindi naman ako gaanong kinabahan dahil parang wala rin sa isip nila ang pakikipagkompitensya, sadyang gusto lang makakuha ng mataas na grades.

Si Alice naman, kung gaano kami magkasundo noong Junior high, mas lumala pa ngayon. Madalas nga ay nahihiya na lang kami pareho dahil sa ingay na nagagawa namin. Pero kadalasan naman, nakikisabay lang din sa tawanan ang iba.

Sa ikalawang linggo ay ipinakilala na ang mga organizations na pwede naming salihan. Sabi nila, ayos lang naman daw na hindi sumali pero gusto kong matutong i-balance ang oras ko kaya sumali ako. Gaya ng naunang plano, sa grupo ng Journalists ko gustong sumali.

Kasalukuyan kong hinahanap ang room para sa journalism at mag-isa lang ako. Itinuro naman na ni Lea, isa sa kaklase ko, ang tamang building. Nalilito lang ako ngayon dahil medyo malaki ang building.

Nagulat ako nang may kumalabit sa 'kin, hindi ko siya kilala kaya paniguradong nakakatawa ang naging reaksyon ko. Ngumisi naman siya dahilan ng mas lalong pag-init ng pisngi ko.

Napansin kong napatingin siya sa form na hawak ko at mabilis na ibinalik sa 'kin ang tingin. Iwinagayway din niya ang form niya kaya napakunot ang kilay ko. Ang weird naman ng isang 'to.

"Bakit?" Maikli kong tanong nang hindi na nakatiis.

"Kanina ka pa riyan, 'di mo alam kung saan, 'no?" Natatawang sabi niya pa.

"Luh, close ba tayo?" Nabigla rin ako sa sarili kong tanong kaya mas lalo siyang natawa. "Ay sorry, nagulat lang ako. Sino ka ba?" Bawi ko nang ma-realize na ang rude ng dating ko.

"Member ako niyan." Nguso niya sa form na hawak ko kaya bigla ko itong itinaas para kumpirmahin kung ito ba ang tinutukoy niya. Tumango naman siya at nagpatuloy magsalita, "Ako si Lakas." Seryosong sabi niya kaya gulat akong napalingon sa kaniya galing sa pagsulyap sa form. Natawa na naman siya nang malakas kaya gusto ko siyang bigwasan.

"Ako si Archer. Second year, Engineering. Crush na yata kita," pang-aasar niya pa kaya natawa na rin ako.

"Sira ka talaga. Ako si Issha, first year, BA Psych." Pagpapakilala ko at nagsimula na siyang maglakad kaya sinundan ko siya. Alam kong sa journalism room ang punta niya kaya sumabay na ako. Lumingon siya sa 'kin at binagalan ang paglakad para magkatabi kami.

"Ang dalang magkaroon ng applicant para sa org na 'to, buti ito 'yung napili mo?" Seryoso nang tanong niya. Bigla naman akong napangiti dahil parang sobra siyang attached sa pagiging journalist.

"Nagsusulat kasi ako, so naisip ko na may background naman na ako kahit papaano. Hindi rin ako sumasayaw so..." sinabayan ko pa yon ng pag-iling.

"Wow, so you've got a talent in writing, huh." Natutuwang sabi niya sa 'kin kaya umiling agad ako, kinakabahan dahil baka akala niya ay sobrang hasa ko na sa pagsusulat.

"I'm still trying to make it better. Nasa proseso pa ako." Ngiti ko at napatango rin siya.

"Maganda 'yan. Good luck." In fairness, kahit madaldal siya, mukha siyang seryoso at matalino. And he looks... good.

"Ano yung position mo sa organization?" Tanong ko nang maalala.

"Hmm, Sports writer ako dahil na rin part ako ng basketball team." Aniya sabay lingon sa akin. Natigilan naman ako at napalingon din sa kaniya. Napahinto rin siya kasabay ng pagtigil ko sa paglakad.

MerakiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon