Meraki 6

4 1 15
                                    

Nang mapansin ng lalaki na nakatitig ako sa kaniya nang nagtataka ay sumaludo siya at nagpakilala.

"Dex, Engineering. Kaklase ko yan," tiningnan niya si Archer kaya napatango naman ako , ipinakilala ang sarili at nag-iwas na ng tingin.

"Bakit nakangisi siya sa 'yo kanina?" tanong ko nang di ko na napigilan ang sarili.

"Ewan ko rin," maikling sagot niya at iniwas ang tingin, halatang may itinatago kaya binatukan ko siya. Napa-aray naman siya at tumingin sa 'kin, nakita akong tinatapunan siya ng masamang tingin.

"Alam mo para kang baliw." Naiinis na sabi ko, akmang sasagot na siya nang biglang lumabas si Kai kasama ang isang babae, mukha itong mataray at istrikta pero hindi maikakaila na bagay sa kaniya ang hanggang balikat na itim na buhok at medyo bilugang mata.

Nang napatingin siya sa 'kin at nakitang katabi ako ni Archer ay unti unting tumaas ang kilay niya at napangisi. Napakunot ang kilay ko dahil sa totoo lang ay hindi ko sila maintindihan, iisang reaksyon lang ang ibinibigay nila.

"You must be Issha from Psych department," napatulala ako nang marinig ko ang boses niya. I have this weird attitude na attracted ako sa boses ng kahit sino. Basta maganda ang boses ay tinitawag ko na agad silang gwapo at maganda.

"Ah, yes. I'm here to join, po." Nang makabawi ay agad akong tumayo at sumagot sa tanong niya. Her smirk slowly turned into a genuine smile. Nawala ang kaba ko at sinuklian ang kaniyang ngiti.

She asked me to come with her. Naglakad kami papunta sa isang table sa pinakagilid, hindi kalayuan sa pinanggalingan pero tago ito kaya hindi agad mapapansin.

"I am Aelise, third year, I'm taking up Mass Communication. Ako ang Editor-in-Chief dito after Kuya Leo, the EIC last year, graduated. Nagpupunta pa rin naman siya rito dahil alam mo na, we're close." Nakangiting kwento niya, halata sa kaniyang pinahahalagahan talaga niya ang mga member ng organization na ito. Ngumiti ako at pormal din na nagpakilala.

"I am Avery Isshael Juarez, at alam niyo naman na po ata na Psychology ang course ko. I have no experience in journalism po pero I write stories and things about the situation of our country. 'Yon nga lang, ako lang ang nakakabasa ng mga sulat ko." Medyo nahihiya ko pang pag-amin sa kaniya. She stared at me and amusement is written all over her face.

"I am scared that my thoughts are wrong, at katumbas ng mga ideya sa isipan ko ang mga salitang pinagsasama-sama ko upang buuin. 'Yan ang isa sa rason kung bakit hindi ko ipina-publish. I am afraid about something pero hindi ko 'yon ma-point out. Ngayon, I tried to join this organization para makawala." I continued, tumango siya at ipinapatuloy pa sa akin ang nasimulan.

"I've been trying to stop myself from doing these things out of fear. Ngayon na 'yung panahon para matuto akong gamitin ang kakayahan ko para matutong tumayo para sa iba. Naniniwala pa rin ako na may pag-asa ang kabataan, at isa ako sa pag-asa. Ngayon, ano ang pwede kong gawin para makasali?"

She smiled as she heard my answer. Napapalakpak pa siya at bakas sa kaniyang mukha na proud siya sa sinabi ko kahit hindi pa naman niya ako lubusang kilala. Natahimik siya ng ilang sandali at muling sumulyap sa akin. She stood up and I need to look up just to see her.

"Write an essay about writing. Kung bakit nabubuhay sa pagsusulat ang mga manunulat, at kung paanong nabubuo ang pagkatao ng may akda dahil sa kaniyang akda. Bigyan mo rin ako ng isang kopya ng isinulat mo noon na ikaw lang ang may alam. Hihintayin ko 'yon, bukas ng ganitong oras." Ngumiti siya at unti unti naman akong tumayo. Nagpaalam na ako at tumango lang siya. Nagulat ako nang makitang nakatayo si Archer at Kai malapit sa pinanggalingan kong lamesa.

"Narinig kita. You speak like a Psychologist na, huh." Natutuwang sabi ni Kai. Nag-high five pa kaming dalawa dahil sa tuwa niya.

"Loka. I'm a first year student, how come I sound like a Psychologist na?" Natatawa kong tanong matapos ang high five namin. Hinawakan niya ang kamay ko at seryosong umusal ng,

"Ah basta, nararamdaman ko." Pabiro ko na lang siyang inirapan at tumawa. Napatingin ako kay Archer at nakitang nakatitig din siya sa akin. Ipinilig niya ang kaniyang ulo at dahan dahang ngumiti. Nag-init naman ang pisngi ko kaya iniwas ko ang tingin.

"Alis na ako, may next class pa kasi kami, 20 minutes na lang." Paalam ko kahit kay Kai lang ako nakatingin. Napatingin siya kay Archer pabalik sa 'kin at ngumisi. Tumango na lang siya at nag-wave ng kamay.

Nang madaanan ko ang ibang miyembro ng org ay ngumiti na lang ako at dumiretso sa pintuan.

Nakita kong gulat na nakatingin si Ezra at nakita kong hindi siya sa akin nakatingin, sa gawing likuran ko. Nakita kong nakasunod si Archer kaya halos lahat sila ay nakasunod din ang tingin. Binalik ko sa kaniya ang tingin at tinaasan siya ng kilay kaya tumabi na siya sa akin. Naglakad na ako kasabay niya at narinig ko ang ilang halakhak nila. Katabi ni Ezra si Jacob na ngayon ay nakangiti nang umiiling.

Nang makalabas na kami ay muli ko siyang hinarap. Painosente siyang tumingin sa 'kin kaya bumuntong hininga na lang ako at iniba ang tanong na sasabihin kaysa sa nasa isipan.

"Wala kang klase?" Mahinahon kong tanong. Well, this is my normal voice. Some says I've got a sweet voice. I don't really know if I am going to believe that that's why I just shrug it all.

"Meron. 40 minutes pa."

"Bakit ka lumabas?" Itinagilid ko pa ang ulo ko para mahanap ang mata niya.

"Trip ko lang. Tara, hatid kita." Aniya at inunahan na akong maglakad.

"Hoy, hindi pa tayo close, 'no. Bakit mo gagawin yon? Creepy mo, ha." Medyo hinihingal na sabi ko matapos habulin ang kaunting distansya namin.

"How close do you want? Ganito ba?" Pilosopo niyang tanong at isiniksik ang sarili sa akin.

"Siraulo ka ba?" Irap ko pa na tinawanan na lang niya.

"We're close now, then. I'm your friend." He smiled and I found myself looking at him and nodding. Whatever.

So I've got a new friend, ha. I hope everything goes well.

Ilang minuto bago kami mag-uwian ay saglit kaming nagkita ni Via. Sinabi ko sa kaniyang nag-apply ako sa Journalism at nalaman kong sumali rin siya sa isang Dance Organization. She's got a nice move so I am her fan. Well, that's a secret. I cheered her and told her that she can make it. Ang sagot sa akin ng loka, 'wag ko raw siyang binobola.

Umuwi ako sa bahay at nakita si Papa na nanonood sa sala. Narinig ko ang sigaw ni Mama galing sa sala na sinasabing tawagan na raw ako. Bored na tumingin sa akin si Papa at umiling. Sinabayan ko ang pag-iling niya. Nakakaloka si Mama.

Hinalikan ko sa pisngi si Papa at nginitian naman niya ako. We're close, siya ang kakampi ko sa away namin ni Mama pero sa huli'y pati siya ay pinagagalitan.

Nagpakita ako kay Mama at hinalikan din siya sa pisngi. Nagpaalam akong may gagawin kaya tumango na lamang siya.

Pagkatapos kong magbihis ay naupo ako sa harap ng aking lamesa, may hawak na lapis at nakatulala sa isang blanko na papel.

Dito na magsisimula ang pagkakaroon ko ng boses... gamit ang lapis at papel.

MerakiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon