Meraki 7

8 1 21
                                    

Tahimik akong nakaupo sa harap ni Aelise na abala sa pagbabasa ng isinulat ko. Kabado na ako kahit wala pa siyang sinasabi tungkol sa ipinasa kong essay.

Nagpaalam ako kay Mama kagabi, habang nasa hapag, na sasali ako sa organization na 'to. Hindi naman siya nagdalawang isip na pumayag dahil wala naman daw masama sa gagawin ko. Sa totoo lang, mukhang nagustuhan niya pa ang idea ko.

Bumalik ang kaba sa akin nang muli akong matauhan at makitang nakakunot na ang mga kilay ni Aelise.

Ang pinakamahalagang bagay na  maaari mong maranasan bilang isang manunulat ay ang pagkadama ng mga bagay na nasa iyong akda. Ang maramdaman ang bawat emosyon ng karakter sa isinusulat mo ay naglalahad ng katotohanan ng kahalagahan ng bawat salita sa iyo. Ang pagbuo sa mga magkakahiwalay na salita ay isa sa lakas mo na siyang nagbibigay ng kapayapaan sa puso mo.

        Makapangyarihan ang lapis at papel. Isa ito sa pinakamabisang sandata ng isang manunulat upang talakayin ang katotohanan na nakatago at pilit na itinatago. Ang layunin ng manunulat ay bigyan ng buhay ang natutulog na isyu at binabaon sa lupa.

        Ngunit sa kabila nito, alam natin na ang sikreto ay patuloy na nabubunyag. Makapangyarihan ang akda mo, pagkatiwalaan at bigyan mo ng pansin ang bawat sikreto na ito.

        Ang isang manunulat ay binibigyan ng sapat ng impormasyon ang mambabasa, sapat na para mabigkas mo ang katagang mahalaga ka bilang isang manunulat.

"Marami ka pang kailangan malaman tungkol sa pagsusulat, Issha. Pero malinis kang magsulat kahit papaano. May kulang pa akong nakikita pero sa pananatili mo rito, paniguradong unti unti mo ring matututuhan yon. After all, there will always be a room to learn and I think that you already found it. Congrats," Nakangiting sabi ni Aeliese na dahilan ng dahan-dahang pagtaas ng mga sulok ng labi ko.

"So, may schedule ba tayo?" may pagkamangha sa boses ko kaya napatawa na siya.

"You want this, huh? Wala tayong schedule. Kapag free time mo, pumunta ka rito. Kapag naman may kailangan kang gawin sa free time mo, ayos lang din. Every Saturday ang meeting, at sa araw din na 'yon niyo ipapasa ang mga nakaatas sa inyo. Five days ang paggawa." Mahinahong paliwanag niya at napatango naman ako.

"Saan... po ako?" Alangan ko pang tanong sa kaniya.

"Feature Writing ka girl." Nakangisi niyang sagot. Ipinilig ko ang ulo ko at sandaling tumingin sa kawalan, pagkatapos ay sa kaniya. Tumango ako at mabagal na tumayo.

"Salamat sa pagtanggap, gagawin ko ang lahat para mahasa ang pagsusulat ko. Salamat sa tiwala." Sa pagkakataong ito, siya naman ang tumango. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Pakiramdam ko, natupad ko na ang isa sa mga pangarap ko.

Marami pa akong daan na tatahakin pero alam kong nagsisimula na ako. 'Yon naman ang mahalaga sa lahat ng bagay, ang pagsisimula sa bawat hamon. Dahil kung hindi mo sisimulan, hindi ka uusad at walang mangyayari sa buhay mo. Sa huli, ikaw rin ang matatalo.

Nasa pinto na ako nang mapansin kong halos lahat sila ay nakatingin sa akin. Sa sobrang pagkamangha ko sa maliit na karangalan ko, hindi ko na napansin ang mga matang nakasunod sa akin.

Nagtataka siguro sila sa resulta kaya nginitian ko sila at kinindatan. Nakuha naman nila ang mensahe ng kilos ko kaya unti unting akong nakarinig ng mga pinapakawalang buntong hininga.

Pagkapasok ko sa Journalism Room, hawak ang mga papel na kaninang umaga ko pa iniingatan, ay sinalubong ako ng mga members ng organization.

Sa totoo lang, natutuwa ako sa kanila dahil kahit di pa ako natatanggap ay natanggap na nila ako, pero hindi pa rin ako komportable dahil  pakiramdam ko'y masyado silang mataas para mapansin ako.

Achiever ang lahat ng nandito, sabi ni Archer. Kaya pala ang gaganda at ang gugwapo, kasi matatalino.

Napatawa na naman ako sa sariling naisip.

"'Yan na ba 'yung ipapasa mo, Issha?  Good luck sa 'yo! Sana makapasa ka para may Sikolohista na kami rito."  Si Kai ang nagsalita at nag-agree naman silang lahat.

Mas lalo akong kinabahan.

Napatingin ako sa gilid at nakita si Archer, kagigising lang ata. Nag-make face ako sa kaniya kaya tumawa bigla ang siraulo.

Sa totoo lang, sa kaniya pa lang ako komportable rito. Ang bilis kong masanay sa presensya niya kahit pare-parehong araw ko lang naman silang nakilala, nauna lang siya.

Way back in Junior High, I used to observe people. Hindi bihasa pero nakakaramdam ako sa presensya nila.

Kay Archer, may kakaiba sa kaniya. I don't want to figure that out, baka magalit siya. Pero... hindi ko maiwasan.

Napabalik ako ng tingin sa kanila at nakitang nakatitig na naman sila sa akin. Ngumiti ako't nagpasalamat  at dumiretso na kay Aelise.

"Salamat sa support!" Nakangiting sabi ko matapos marinig ang pagpapakawala nila sa pinigilang hininga.

"Welcome to the family, Issha!" Masayang wika ni Ezra na dahilan ng pag-init ng puso ko. Nakakatuwa, ang sarap sa pakiramdam na may kasama kang magsaya para sa tagumpay mo.

"Family raw pero may crush sa isa't isa. Weh." Pabalang na sagot ni Jacob na nagpatawa sa lahat, maliban sa akin. Hindi ko agad na-gets.

"Bakit, crush mo ba si Kai?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Ay, bobo. Sige na nga, Issha. Papasok na ko." Pagbabara niya sa akin. In fairness, hindi ako na-offend sa bobo. Tinanguan ko na lang siya.

Tawa pa sila nang tawa kaya tumingin ulit ako kay Archer na nakangisi habang pinagmamasdan ang reaksyon ko.

Ako ba 'yung tinatawanan nila? Ewan ko, bahala na.

"'Lika na, may klase ka na ata." Paghila sa 'kin ni Archer palabas dahil hindi talaga nahuhupa ang tawanan.

Nagpatianod na lang ako kahit wala pa akong klase. Ang gulo kasi sa loob, naloloka ako.

"Wala pa akong klase, ha. Libre mo ko, nakapasa ko, eh." Napatingin naman siya sa akin na parang kasalanan yung sinabi ko. OA din ng isang 'to eh.

"Ang kapal, bago pa lang tayong magkakilala, alam ko nang maghihirap ako sa 'yo." Napapailing na sagot niya at hinila ulit ako sa mga stalls. Ayos.

"Next time, ako naman." Nagliwanag ang mukha niya kaya pinadaan ko ang palad ko sa mukha niya. Napabusangot na naman siya sa ginawa ko. Sungit!

Paniguradong isa 'to sa araw na matatandaan ko at ulit ulit na babalikan.

Dahil sa araw na 'to, natutunan kong maging masaya sa maliliit na tagumpay ko. At naisip kong... nasa tamang daan na ako.

MerakiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon