Meraki 8

10 2 27
                                    

Matapos naming kumain nang araw na 'yon ay nagpasya na kaming maghiwalay ni Archer. Sabi niya'y may practice pa raw sila ng basketball kaya mauna na akong umuwi. As if sasabay ako sa kaniya. Assuming din.

Hanga rin ako sa isang 'yon, mukhang hindi napapagod kahit maghapon na siyang nag-ikot ikot sa school na akala mo'y walang klase. 

Kahit 'di ko gusto ay pumasok sa isip ko 'yong pagngisi ni Archer at Dex sa isa't isa. Sa harap pa talaga ng isang mabuti at kyuryosong na tao sila umakto nang gano'n. Kairita. Mga walang konsiderasyon.

Bigo akong humiga sa kama at itinakip ang unan sa mukha nang sa huli'y walang maisip na dahilan. Paano ko ba namang malalalaman, eh ngayon ko lang nakilala si Dex.  Medyo tanga ako sa part na 'yon.

Naalimpungatan na lang ako bigla at napatitig sa orasan, alas siete na. Sa sobrang pagkaasar ko ay nakatulog na ako kaiisip. Naramdaman kong kumalam na ang sikmura ko kaya napagpasiyahan ko nang bumaba.

Matapos kong kumain ng pagkain at ng sermon ni Mama kung bakit ko raw pinapagod nang sobra ang sarili ko na may sangkap na ngisi ni Kuya ay umakyat na ako sa itaas.

Binukas ko ang phone ko at nakitang may nag-add sa akin sa gc ng mga journalist ng school.

Scribbler of Words.

Hula ko'y kanina pa ko na-add dito dahil hindi ko na mahanap kung nasaan ang notification na in-add ako.  At ang ingay din nila, akala mo'y hindi magkakasama kanina. 

Dex: hala, Issha. Ba't ngayon ka lang nag-seen? Kanina ka pa in-add sa gc, ah. Katatapos niyo lang magmuni-muni? Yieee.

Kai: hoy, grabe ka kay Issha. Baka mahiya 'yan sa katotohanan. 😤

Aelise: Issha, pasensya ka na sa mga 'to. Pero kauuwi mo lang ba talaga galing sa... Alam mo na?

Issha: hahaha mga chismosa. Why you guys like dat 🤢

Archer: kauuwi lang namin.

Jacob: kaharutan niyo, kakakilala niyo lang kahapon. Mahaharot. 

Issha: ewan ko sa inyo, kausapin niyo paa ko. 

Ilang oras din silang nangulit at nakikisabay pa talaga si Archer. Alam kong hunghang siya pero hindi ko alam na may mas ilalala pa pala sa lagay na 'yon.

Ni-review ko muna ang ilan sa mga notes na meron ako ngayong araw at matapos no'n ay binigyan ko ang sarili ko ng pagkakataon na isipin lahat ng mga dapat kong ayusin sa sarili ko para bukas. Gano'n talaga, you should remind yourself every time that you need to grow no matter how many times you've bloomed. Life won't stop from one season of success, you always need to give yourself a room to grow.

Nang matutulog na sana ako'y bigla kong naalala si Via. Hinanap ko 'yong account niya at saktong nakaonline siya. Tinanong ko kung kumusta na ang pakiramdam niya at natuwa naman ako nang sinabi niyang maayos na. Sana magtuloy tuloy na ang pagtulong niya sa sarili niya.

Kinabukasan ay nagsimula na ang maraming gawain sa school. Nagkaroon pa kami ng quiz sa tatlong subject. Buti talaga nagbasa ako kagabi, at buti rin ay natandaan ko pa kahit papaano ang inaral ko.

Nang lunch break na ay nagkita kami ni Via sa isang coffee shop. Pagtapos ng ilang araw ay ngayon na lang kami ulit nagkita. Busy rin kasi ata siya sa dami ng ginagawa niya. Lalo na at sumali siya sa dance group. At ako naman sa Journalism Club. College na kami kaya kailangan naming siksikin ang schedule namin para lang magkita. 

"Pangit mo naman", bungad ko nang pumasok sa coffee shop at nakita siyang nasa pinakasulok.

"Syempre, kaibigan kita. Sa 'yo galing kapangitan ko. ", pagbalik niya sa 'kin kaya nagtawanan na lang kami. Hay nako, siraulo.

"Kumusta 'yong schedule mo? Nabubuang ka na ba?" pag-uumpisa ko sa kaniya.

"Medyo. Sana ikaw rin, para goals."

"Bff lang malakas." tugon ko sa kaniya at nag-apir pa kami. Buti walang kibo 'yong ibang nandito pero alam kong napapatingin sila sa 'min. Baka napagkakamalan kami may saltik. 

"Seryoso, kapag kailangan mo ng kausap, alam mo namang gagawan ko ng paraan. 'Wag lang sa gitna ng exam kasi gusto kong gumradweyt."

"Boba, alam ko naman na lagi kang nandiyan kahit nasaan ako. Ganiyan talaga kapag nang-go-ghost," pang-aasar niya at sinenyasan ko na lang siya na tumahimik. "Pero seryoso rin, alam ko naman na aware ka pero sasabihin ko na rin, nandito rin ako palagi. Okay?" tumango ako sa kaniya.

Alam ko 'yon, ganito ka-healthy ang relasyon naming magkaibigan. Magjowa na toxic can't relate. Char!

Kung saan saan napunta ang usapan namin hanggang sa napadpad na naman sa crush. 

"'Wag kang magulo, may crush ako sa department namin. Ang cute niya, gusto kong kurutin." maharot na pagkakasabi niya. Napangiwi na lang ako sa inaakto niya, eh. Pero, uh,  maharot din ako kaya wala akong magagawa. 

"Anong year na? Same year kayo?" pagtanong ko para 'di mabawasan kilig niya. Masaya siya riyan, eh.

"Hindi, second year na siya! Si Nathan." nagulat ako sa sinabi niya kaya nahampas ko siya.

"Boba! Siya yata yung kasama ko ro'n sa Journalism Club!", nanlaki naman ang mata niya at unti unting namula ang pisngi. Ang harot, jusmio. 

"'Wag kang maingay, ha! Sasapukin kita!" nginisihan ko lang siya kaya mas lalong namula ang mukha niya. Huli ka, magiging master ako nang hindi oras dito.

"Isshael Avery, ha! Ililibre kita ng dalawang beses ng kwek kwek! 'Wag kang papansin!" gigil na sabi niya kaya pumayag ako. Syempre, pagkain yon. Asarin ko na lang ulit siya pagkatapos niya kong ilibre.

Nang palabas na kami sa coffee shop dahil tapos na ang lunch ay siya namang pagdating nila Archer, Dex, Nathan at Jacob. Kinawayan ko sila at dinumog naman nila ako sa tabi ng pintuan. Katabi ko si Via na kamatis na.

"May meeting daw mamayang 6:00, ha. Do'n sa room natin." Pagsimula ni Dex na tinanguan ko na lang. "Hindi ka kasi nag-seen sa gc at nawawala rin si Archer kanina, akala ko magkasama kayo." Pagpapatuloy niya kaya inirapan ko siya. Papansin talaga.

"Nakita kita sa meeting ng mga President ng Architecture Department noon. Ikaw 'yon, di ba?" turo ni Nathan kay Via. Tumango naman ang isa at agad na iniwas ang tingin.

Luh, strawberry na si bes!

Napangisi ako kaya kinurot niya ako. Alam kong di niya na kayang magtiis sumigaw kaya nagpaalam na ako sa mga lalaki na 'to.

"Bye na, magsisimula na 'yong klase namin, eh. Kita na lang tayo mamaya, ha." ngiti ko sa kanila at tumingin kay Archer na nakatitig kanina pa kaya inirapan ko siya. Napangiti na lang siya sa ginawa kong kaartehan.

"Taray, beh!" pang-aasar niya at ginulo ang buhok ko kaya sinabayan ko ng tawa 'yon at kumaway na sabay talikod.

This made my day complete. The way Via and I talked about everything for two hours, the warmth that I have felt when I saw her genuine smile, the comfort that we felt with each other. This is my treasure.



MerakiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon