“Manuel, parang nakakakita ng multo ha?” saad ni Manong Guard. Hindi multooo, maligno nasa cr, kuya guard huhu.
“Hindi ‘yon multo Manong Guard, malignooo ‘yon!” agap ko, dali-dali umalis.
Nakakahiya tangina. Sobra. Ay hindi labis. Kingina, anong mukha ang ihaharap ko bukas, sana sabado na agad bukas.
Mabuti nalamang at sumakto ang e-jeep pagkalabas ko sa harap ng school. Dali-dali ko itong pinara at sumakay. Pagkasakay, sakto rin na walang tao roon sa isang upuan, doon na ako umupo, kailangan ko matulog big time dahil sa nakakahiyang pangyayari.
“Magsaysay po, estudyante kuya.” ani ko sabay bigay ng 17 pesos.
Nakaidlip nga ako. Nagising na lamang ang diwa ko nang nasa magsaysay na. Pagkababa tiningnan ko ang cellphone. Andaming mentions sa akin sa group chat nila Edcel at John. Bahala sila diyan, may mas malaki akong problemang haharapin.
“Oh para kang hinabol ng multo, ting-ting,” bungad na saad ni Mama sa akin. Ting-ting ang tawag niya sa akin, ewan ko sa trip ni mama, habang kay Kuya naman pay-pay.
“Maligno ‘yon ma, hindi multo,” ani ko, tumutulo pa ang pawis dahil patakbo ako umuwi. Gusto ko na rin kasi matulog, basta gusto ko malimutan yung nangyari kanina.
Hindi naman siguro mabaho ihi ko, since tubig lang naman ininom ko buong recess.
Tumawa naman si mama at pinisil ang kanan kong pisngi. “Kung ano-ano nanaman ang pumasok diyan sa kokote mo, ting-ting. Samahan mo na ang kuya Drakon mo mag meryenda, may tirang turon diyan, paghatian niyo nalang. Mag-ayos lang ako ng lababo.”
Tumango ako, nakita ko naman si Kuya na kumakain nakasuot pa ito ng specs at naka white uniform, sobrang linis tingnan ni Kuya, sabagay kahit sa bahay ayaw niya nga ginugulo yung gamit niya pag nasa kwarto niya ako.
Basta may tawag doon eh, oz ata basta yung over sa pagiging organized. Napatigil lang ako kakaisip nang tumikhim siya sa harapan ko.
“How’s school bunso?” saad niya habang kinagat ang maliit na parte ng turon.
“May maligno sa cr namin Kuya Drakon huhu, nakita niya tweety bird ko.” saad ko.
Nagulat naman si Kuya sa sinabi ko, diba kahit sino pag may nakitang maligno sa cr magugulat. “How? I don't believe on myth creatures, baka naman namalikmata ka?” he said.
“Basta kuyaaa malaking maligno ‘yon, tapos sa sobra kong gulat kuya, nawiwian ko siya.” I said, natatawa naman si Kuya, akala siguro nagbibiro ako.
Pero hindi, ang maligno na ‘yon ay si Baltazar, malaki na nakakatakot tapos nakasalamin.
“Kumain ka na ngalang, gutom lang ‘yan. May assignment ka ba? Isasabay ko na sa pendings ko.” sambit niya, pero lagi naman kasi siya ang gumagawa ng assignment ko, yung isang aytem lang naman tapos ituturo niya paano nakuha, then ako na sa the rest.
“Wala po eh, research na kami Kuya. Mag-sleep na ako Kuya, goodluck sa school mo, sana magka jowa ka na tapos ako ang baby niyo.” saad ko. Tinawanan naman ako ni Kuya bilang tugon.
Paano kasi, second year na siya tapos wala pa rin jowa, diba pag college dapat may jowa kana. Kasi ayon ang nababasa ko eh, dapat may jowa kana sa college, kasi essential daw ‘yon.
Patulog na ako nang tingnan ko ang cellphone ko. Puro mention pa rin sila John at Edcel sa group chat.
Edcel:
Manuel, pag hindi mo kami pinansin. Pupuntahan ka namin diyan.John:
@Manuel libre ka namin milktea, wag kana mag tampo.Edcel:
Sobrang laking tao, matampuhin. Sige pag 5:00 at di ka pa rin nag-seen, i-accommodate mo kami, pupunta kami ni John.
