21st Century subject namin. Si Sir Phao ang teacher. Last week na rin ng pagiging grade eleven namin. Finally, matatapos na ang trahedya sa subject niya haha.
“Alam ko naman na halos lahat sainyo ay nanood ng squid game...” pauna niyang sambit sa amin. Ang mga kaklase ko naman ay natuon ang atensyon sa klase. Lahat ata ay tinutukan 'yon, mapa legal or illegal site.
Well, kagabi nakinood ako sa kwarto ni Kuya, magkakasama kami nila Mama, Papa at Kuya Drakon sa kwarto niya. Siya lang kasi may netflix eh. Bigay daw sakanya ng kaibigan niya, ambait nga non. Si Mama lang ang maingay sa buong palabas.
Iyak, tawa, tili ang ginawa niya, si Papa naman ay inis na inis.
“Mga babae talaga, puro dakdak.. ang iingay.” sambit ni Papa, tinanguan naman ni Kuya.
“Wala na nagsalita na ang kill joy, mga tumatanda talaga paurong walang humor, bwisit!” saad ni Mama sabay yakap at tili uli kay Papa nang nasaksak yung isa niyang favorite character si Player 120. “OMG! Bakit nagawa niya 'yon, gago talaga yang lalaki na 'yan! Tangina niya! Kupal so much.”
Ay, matapos pala noong scene kahapon. Di na ako hinatid ni Baltazar. Nauna siya umalis, may gagawin pa raw siya. Pero alam ko naman na iniiwasan niya ako, nakabili pa nga siya kay Mama ng kakanin, pero naka motor lang siya non. Halata naman ayaw niya ako pasakayin kasi sakto nalang para sa kakanin 'yon, tapos kanina di manlang namansin sa goodmorning ko, naknang bahala siya sa buhay niya.
“Taas lahat ng kamay nang nanood...” lintaya ni Sir Phao. Tumaas naman lahat ng nanood sa klase. As usual si Baltazar lang ang di nagtaas, pasimple ko tiningnan siya, wala pa rin tong imik sa akin.
'Key fine. Ayaw niya ng pansinan ha.
At dahil nakita ni Sir Phao na si Baltazar lang ang hindi nanood. Isa-isa niyang tinanong ang klase tungkol sa reaction namin tungkol sa ending. Well, napanood ko 'yon. Parang ang satisfying naman ang ending.
Lalo na yung sa parte na akala ng mga nagsusugal. Pipiliin ni player 456 ang sarili niya.... pero the plot twist yung baby ang pinili niya. Napatigil ako nang magsalita na si Sir Phao, nagtanong na ito.
“Complete the sentence mga anak. Humans are.....” sabi ni Sir.
Alam ko ito, eto yung parte kung saan nag sacrifice na si Player 456. Si Mama nga naluluha pa, pero bigla rin nawala nung nakita yung pogi na nag bet sa laro.
Ako ang nagtaas ng kamay. Dumapo ang tingin ni Sir Phao sa akin. At binigyan ng pagkakataon para sumagot.
“Humans are... kind, until money is involved. In desperate times, morals are the first to die. We like to believe we’re better than monsters, but put us in a game where survival means sacrifice— and we become worse than beasts."
Bahagya ako tumigil at huminga nang malalim. Lahat ng kaklase ko ay nakatingin na sa sagot ko, pwera nalang kay Baltazar, naknang tampuhin pa rin.
“Humans are dangerous... not because they’re evil, but because they’ll do anything when they feel they have nothing to lose.” Pumalakpak na ang klase kahit si Sir ay napahanga sa sagot ko. Pero hindi pa ako tapos....
“And the scariest part? They’ll smile while doing it.” saad ko, sabay ngiti at upo sa aking kinaupuan.
“That's a wonderful answer, Manuel. Sa palabas kasi na squid game mga anak, padaliin natin. Survival at the fittest ang tema non. Kailangan mo mag fit sa ganoon, para mabuhay ka. Ganoon lang ka simple. Baka may iba pa kayo kasagutan, itaas lamang ang kamay..” saad ni Sir Phao, nilibot ang tingin sa mga nagtaas, sakto at nakataas si Baltazar.
