3

4.5K 209 18
                                        


Lahat ngayon ay kinakabahan. Ibibigay na kasi ng terror namin na teacher sa 21ST ang pinaka-final project namin.

Well, sila lang naman ang kinakabahan. Mas kinakabahan ako sa titig ni Baltazar sa akin ngayon, tila gusto niya ako patayin eh, di pa rin ba siya maka move on sa nangyari, kasalanan ko ba na roon siya nagjajakol.

“So para sa final project n'yo. Pag tinawag ko ang pangalan. Kindly stand up at pumunta sa harap ha,” saad ni Sir Phao.

“Da Vinci at Lopez, tayo.”

TANGINA naman sir, ngayon mo pa talaga kami pinagsabay tawagin. Halos bumulwak na ang puso ko sa labis na kaba. Kanina malayo pa ang titig niya sakin, pero ngayon isang kilometro nalang distansya namin eh. Lord, gawin mo nalang ako pataba sa lupa oh.

Pagtapak ko sa gitna. Parang lalabas na ang lahat ng kaba ko sa katawan, pati hangin ata mauubusan ako, kakapigil na tumitig sa bulto na nasa harapan ko.

Dahan-dahan ako tumingin at binigyan siya ng isang ngising pilit hehe. Gago di manlang ako kinibuan, stoic face lang ang sinagot niya sa akin at humarap na sa mga kaklase ko. Aba gago, parang kanina gusto ako titigan, nung nasa harap ko na, pakipot ampota.

Napatigil ang pag-iisip ko ng mga murder scene nang magsalita ang teacher namin. “So ganito, kayong dalawa mag bato-bato pick kayo, isang bagsak lang ha, go.” saad niya.

Tumingin ako kay Baltazar, seryoso ang mukha nito, kitang-kita ang makapal na kilay na kaonting natatakpan ng buhok niya, moreno rin kasi ang kulay niya kaya bagay sakanya ang hugis ng kanyang mukha. Bagay din sakanya umalis ng school na to para ako na ulit ang hari sa acads ng STEM.

Wala na ako nagawa ng mag pwesto kami para sa isang bagsak na bato-bato pick. Nanalo ako sa unang round, gunting ako, papel siya.

“Since si Da Vinci ang nanalo sa unang round. Pumili ka ng isa mong kaklase.” saad ni Sir. Naguguluhan tuloy ako, malay ko ba ayon maging kalaban ko diba.

Minsan ang hirap din basahin nitong si Sir, naalala ko nung first quarter puro pa essay siya eh, tapos bibigyan kami 60 items na situational exam. Tapos ngayon andami nanaman niyang pakulo. Pinili ko ang pangatlo sa ranking sa klase namin,

“Si Beatrice po sir,” saad ko. Nakita ko pa ang pagblush ng mukha ni Beatrice nang piliin ko siya, apaka-assumera naman nito. Pinipili ko lang naman ang feel ko, makaka contribute sa grupo namin.

Mas maganda na to kaysa makuha pa ni Baltazar. Speaking of that guy, nakasimangot na ang mukha niya sa akin, ganyan nga mawalan ka ng alas, siguro galit nanaman to dahil kinuha ko ang pangatlo sa ranking.

Kaya nga pinapili, s'yempre piliin ko na rin yung alam ko may maitutulong. Pagkatapos ko pumili, si Baltazar naman ang pumili, di ko na alam kung sino pinili niya. Nag bato-bato pick uli kami, ako uli ang nanalo, sa pagkakataon na ‘yon, dalawa naman ang pipiliin.

Hanggang sa maubos ang klase namin. Nahati nga ang klase sa dalawang grupo. Ang grupo ko at grupo ni Baltazar, kanina pa di maipinta ang mukha. In fairness hindi niya suot ang salamin niya, kaya kitang-kita ang guhit na rumerehistro sa mukha nito.

“Para sa project niyo sa akin, gagawa kayo ng music video.” saad ni Sir Phao at pinakita ang criteria sa projector niya.

Nakahinga ako ng maluwag. Tila ba best group ang napili ko, narito ang magaling mag edit ng video, ang layout artist ng publication namin na si Rhuztan.

“Ang leader ng group one ay si Da Vinci, si Lopez naman ang leader ng group 2. Ang natitira nating time, pag-usapan nyo na ang gagawin. Class dismissed.”

Nag-usap kami ng mga miyembro ko, brainstorming muna nang makaisip na ng projectile na scenario. Doon ko na hinati-hati, may gaganap, may gagawa ng lyrics, may mag edit ng video at mag layout ng pubmats. Maaga kami natapos dahil cooperative naman ang grupo namin.

Batchelor Series #1: The ArchitectureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon