Mabilis ang naging eskena ng mga araw-araw, ang di lang nagbago ay ang pagbili ni Baltazar lagi sa paninda ni mama na kakanin, consistent ‘yon, kaya consistent din na siya lagi ang nasundo sa akin. May time pa nga natampo na ang mga kaibigan ko kasi most of the time si Baltazar ang kasama ko.
Consistent din yung pagkain, ako na nga nahihiya eh, pero makapal mukha ko rin naknang, naging feeding program na nga si Baltazar sa room, kaya kahit papaano may naging close s'ya.
Madalas nga ako na ang gumagamit ng phone n'ya, para ko na nga sya boyfriend kasi kahit pass ng condo n'ya alam ko, even his phone password. Lala nakaka-bakla nga s'ya minsan, pero respeto nalang doon sa someone n'ya, ayaw ko maging home wrecker guys.
Pero aaminin ko, gay-awakening ko ata si Baltazar pero di ko matansya kung dahil kasama ko siya palagi, may attachment issue rin kasi ako, naknang noh may split personality din ako pag gabi, tapos may attachment issue pa.
One time nga, nag practice kami non para sa quiz bee namin, eh ginabi na si Baltazar, uuwi na sana s'ya kaso sumumpong sakit ko, kinandado ko bahay haha, no choice s'ya kundi sa kwarto ko natulog haha, gusto ko rin kasi hiramin tablet n'ya ang laki eh. Paggising nga nagulat sila Kuya, Mama at Papa bakit na roon pa rin daw si Baltazar sa bahay. Di ko nalang sinagot.
“Pag nanalo tayo ililibre kita! Pambawi rin!” saad ko kay Baltazar na katabi ko ngayon. Ngayong araw na gaganapin ang Bilyonaryo Quiz Bee at gaya nga sa sinabi ni Ma'am Thecel naka live broadcast nga.
Tumango lang s'ya panigurado naka focus s'ya, ang naging ano kasi namin sa quiz bee ay hatian ng part. Pag more on analogy and specific ang tanong kay Baltazar ‘yon, ang mga names at lugar naman ang nasa akin.
Pareho namin suot ang complete set ng school uniform namin, same rin sa kalaban naming school. Tig dalawang miyembro sa isang pares. Bago mag live broadcast sinabi na sa amin ang mechanics ng laro.
Madali lang naman ang mechanics, so bali pag round one ×1 kada tama ang sagot, pag round two ×2 at pag round three ×3. So bali magkakaroon din ng 20 questions, tig lima sa round 1 and 2, 10 naman sa round 3. Sa pagsagot naman, kahit sino raw, i-type ang sagot doon sa device nila, di ko alam ang tawag eh, basta ang astig non.
“After this break, mag start na tayo ha, magpakilala lang ang bawat pares at school na ni-represent nila, gets ba?” saad ng director. Tumango naman kami. Kinakabahan talaga ako naknang…
Yung katabi ko naman, literal na chill lang, hinawakan ko ang kamay niya para maramdaman niya na kinakabahan ako, malamig kasi ang kamay ko pag kinakabahan.
“You’re too cold, kinakabahan ka ba? I have some candies here, take it.” aniya sa malalim na boses.
Tumango naman ako at kinuha ang candy n'ya, maliit na candy ‘yon galing sa ovaltine, fan din pala s'ya non.
Naalala ko nanaman yung matanda na binigyan ng panis na ovaltine, sana di makatulog ang kaluluwa ng nagbigay. How cruel is the world now? Yung may mga privileged lang talaga ang makakatanggap, bonus na pag may pretty privileged ka.
Kinain ko na ang ovaltine at inayos ang postura ko. Isang pares galing sa DLSU at UST ang kalaban namin. Kami na hamak na walang laban… pero okay lang nandito naman ang caliber ko si Baltazar.
Nagpakilala na ang host ng patimpalak, tapos isa-isa naman kami nagpakilala. Mukhang matalino rin ang mga kalaban namin, naka postura ba naman, parang ready makipagbakbakan ampotek.
Inulit ng host ang mechanics ng laro, matapos ‘yon, pinahanda na kami, pinatayo roon sa bawat device. Eto na tangina, nilingon ko ang bench, naroon ang adviser namin at tatlo naming kaklase moral support daw. Nagsimula na. Nag flash na ang screen.
