Matapos ang picture taking at pagbibigay sa amin ng medal. Babalik daw kami next month for another round need namin maka tatlong straight na panalo para makuha yung millions.
Sinalubong naman kami ng adviser namin. “Ang galing niyong dalawa! Napabilib nyo ako lalo na sa last part, di ko ‘yon naisip ha!” si Ma'am Thecel. Yung tatlo ko naman na mga kaklase ay dali-dali kami inapiran.
“Galing nyo mga beh. Like super duper kabogera ng taon!” si Andrew, isa sa mga lgbt naming kaklase.
“Super! As in wapakels ang mga oppa ley na DLSU,” saad naman ni Chardie, kalahi n'ya rin. DLSU kasi ang reigning champion that time. Yon lang na dethroned namin.
FINAL TALLY PER ROUND
SLSCS | 3 | 10 | 24
DLSU | 4 | 10 | 6
UPD | 4 | 10 | 3“So what's up now? Libre mo ako right?” si Baltazar. Yung pangako ko nga pa pala.
Tiningnan ko ang pitaka ko. Mayroon pa naman ako cold cash, mga limang pirasong isang daan ‘yon, sana naman hindi high maintenance ang isang ‘to.
“Tara may alam ako rito, masarap na tapsilog.” saad ko, magtatanong pa sana siya, pero hinila ko na rin agad.
May kabigatan din talaga ang katawan ni Baltazar, batak din kasi to mag gym eh, alam nyo yung tawag sa hindi halata yung gains pero pag nag flex malala, ganoon eh, sleeper something.
“What is tapsilog muna?” tanong niya. Naknang di ba kumakain ang lalaki na ‘to ng mga lutong ulam?
“Hindi kaba nakain sa mga fast food or mga easy to go na bilihan?” tanong ko pabalik.
Umiling naman siya bilang tugon. “My Mom told me that I should eat in a nice place where the non-bacteria are free.”
Bwisit bawal pala to sa tabi-tabi lang, bakit ko ba inalok na ililibre ko siya, high maintenance pala ang loko naknang.
“Kung ako sa'yo, hindi ako magsusumbong kay tita, alam mo minsan dapat nag eexplore ka ng pagkain, masarap doon promise!” I said, pagbibigay kong assurance sa kanya.
Sikat kasi to sa facebook at tiktok, maganda rin ang mga review kaya panigurado di kami ma-catfish.
“You sure? I'll just text mom,” saad niya, pero di ko na sya pinatapos ng hablutin ko ang phone nya at ilagay sa bag ko. “bawal ka mag bukas ng phone here, lalo na at maganda cellphone mo, easy income lang ‘yan.” agap ko.
“What do you mean? As in easy income? They will snatch my phone? Grabe naman sila kung ganoon.” lintaya niya, natawa nalang ako.
“Kupal ka rin minsan eh noh, sino ba yung snatcher na magpapaalam muna bago i-snatch yung bagay, alam mo sayang ka haha!” pigil kong tawa, sya naman ay bumusangot.
Nauna na ang mga kaklase namin at adviser hinatid sila ng school bus, kaya wala rin maingay. Kami nalang ni Bal ang natira, ang paalam ko ay sasabay nalang kami kay Kuya Drakon. Literal na maglalakad kami dahil iniwan ni Baltazar ang kotche nya sa school, turuan ko na rin ang loko paano mag commute.
Intellectually smart s'ya eh, pero hindi street smart, baka mabilis ‘to mauto, mahirap na, ika nga prevention is better than cure.
Nang makita ko na ang store, isang two storey house ‘yon, tila ba puro tapsilugan na talaga ang sineserve roon. Ang ambiance ay super nakaka relax, tila ba nasa japanese or korean telenobela ka.
Infairness at claygo sila at self-service, di ko alam kung kulang ng empleyado o talagang sumusunod lang sila sa traditional way.
Pinaupo ko naman si Baltazar, sakto at may maayos na pwesto para sa aming dalawa lang, magkaharapan ‘yon.
