“Taga rito po, bakit po?” mariang klarang tanong ni Mama. Napamulsa na lamang si Papa, alam naman na nito humor ng nanay namin.Buti nga natitiis niya pa eh. Good job Federico haha.
“Sino ba ang kausap ni Mama, ting-ting?” tanong ni Kuya Drakon habang nakamasid lang si papa sa amin.
“Kaklase ko kuya, doon ko naiwan cellphone ko eh. At bakit mo ako kinakausap ngayon, diba sabi mo kapatid mo lang ako pag may kailangan.” saad ko, sumimangot. Huyo s'ya mamaya sa akin, naka iPhone yung pictures ko.
“Ang drama talaga ng mga senior high. Tsk.” saad ni Kuya.
“Ang insensitive talaga ng mga college pwe.” gatong ko.
Napatigil lang ang bangayan namin ng tawagin ako ni Mama. “Ting-ting kaklase mo raw to si pogi. May isasauli raw, ay pasok ka nak, kumakain kasi sila. Pasensya na.” sambit ni Mama. Si Papa naman ay tumingin sa direksyon ni Mama, napabusangot na rin ang tatay ko, mukhang di nga sila nagpapansinan.
Manhid din tong nanay ko paminsan eh, si papa naman grabe magselos, ganoon talaga siguro pag lahing kastila. Tingnan nyo 333 years sinakop ang pilipinas.
Nakita ko ang bulto ni Baltazar nahihiya pa siya, mapilit kasi si mama na papasukin s'ya sa bahay. Amoy na amoy ko pa ang pabango nya. Si mama naman palihim na napahagikhik. Naknang ako na nahiya kay mama.
Nang magtama ang mata namin, ngumiti si Baltazar tapos inabot ang cellphone ko. “Naiwan mo sa kotche, alam ko importante yan sa'yo kaya sinauli ko na,” saad niya.
Si mama naman ay prente nakiusisa nang makita niya aalis na si Baltazar dahil nabalik na ang cellphone ko. Humarang to bahagya sa pintuan. “Kumain ka na sa amin nak, gabi na oh, baka malayo ka pa. Masarap ako magluto, tingnan mo nagawa namin ng asawa ko.” saad ni mama at tinuro ako.
Ang bagra, naknang. Si Baltazar naman nakuha agad ang point ni mama. Ngumisi ito sa akin. “Masarap nga po tita haha,” saad nito.
Nang makita ni mama na pasado si Baltazar sa vibe check. Marahan nitong hinampas ang likod ni Bal, hahaha kita ko pa napapikit ito, dati kasi player si mama sa varsity nila sa volleyball, outside hitter.
“Tara na Baltazar, ikaw ting-ting, pagsilbihan mo ang bisita natin,” saad ni Mama.
Tumango naman ako, kumuha ng plato at kutsara, pinaupo naman ni Mama si Baltazar sa tabi ko, sa gitna namin sya ni Papa. Ang intimidating pa naman ng tingin ni Papa kay Baltazar.
“Wag mo pansinin ‘yang tatay nila Ting-ting, ganyan talaga ‘yan, akala mo walang sinakay na blonde sa tricycle n'ya kanina.” rinig kong sambit ni Mama. Talagang nagpakilala sila agad ha.
“Kung p'wede ko lang matanggihan ang pasahero ginawa ko na Josephina.” saad ni Papa.
“Paano mo tatanggihan at nagpa special ang babae na ‘yon, lamang lang yon ng kulay ng buhok, masarap ba magluto ‘yon hindi diba?” saad ni Mama. Tiningnan ko naman ang reaksyon ni Baltazar.
Natatawa na lang ako nang makita ko s'ya parang bata na pumagitna sa away matanda. Naknang din ugali nila Mama at Papa eh.
“Why you accomodate kasi Pa, alam mo naman si Mama Josephina, selosa ‘yan.” saad ni Kuya Drakon.
“Sayang din bayad eh, tapos kay Josephina naman napupunta ang pasada ko, ewan ko dyan bakit nagselos. Pinakita ko naman sa babae yung singsing ko, selosa lang talaga ‘yang nanay nyo, sana walang may magmana.” saad ni Papa.
“Aba kapal ng mukha mo baliktarin ha, sa labas ka matulog mamaya ha,” saad ni Mama, nang mapansin n'ya si Baltazar na nahihiya. “ay nak jusko wag mo pansinin yang tatay nila Manuel, ewan ko ba ano nagustuhan ko dyan, mukha namang kawal sa encantadia.”
