14

2.9K 104 14
                                        


Weekend ngayon. Sabado to be exact. Nakagawian na talaga namin sa bahay na pag Sabado, general cleaning talaga maliban nalang kay Kuya Drakon na tuwing tuesday lang dahil doon lang bakante niya, may pasok siya pag sabado eh.

Sila Mama at Papa ang nakatoka sa baba, naroon ang sala, hapag-kainan at cr. Ako naman ang nakatoka sa paglinis ng kwarto namin. Nagsuot lamang ako ng preskong damit. Isang plain sando shirt tapos short.

Una kong nilinis ang kwarto nila Mama at Papa, mabilis lang 'yon dahil pareho silang oz ni Papa. Winalisan ko lang, nilinis ang mga agiw ng gagamba, nag mop at nag spray noong nabili ni Mama na pakulo sa tiktok na pampabango ng kwarto.

Sinunod ko naman ang kwarto ko. Una kong ginawa ay tinupi ang mga damit na hindi ko pa natupi, kaonti nalang naman yon. Sinunod ko naman ang desk ko, magulo 'yon dahil nga hell week na rin namin dahil last week nalang ang SY. Hinuli ko na ang pag walis, mop at paglagay ng kolotere ni Mama na pampabango ng kwarto.

Hinuli ko ang kwarto ni Kuya Drakon, dahil may balak ako gamitin yung pc set niya. May nagbigay kasi non sakanya, hanep nga eh. Kaya pag Sabado naroon ako, doon ako naglalaro ng Friv o kaya naman ng Y8 pagtapos ko na linisin ang kwarto ni Kuya, tsaka mop lang naman ang gagawin mo sa kwarto niya, dahil ubod ng linis ni Kuya, s'ya ang batikang over oa sa pagiging malinis.

Nang maka-mop na ako at lagay ng pabango ni Mama sa kwarto, infairness effective naman ang budol effect kay mama, gumagana naman kahit papaano ang amoy. Umupo na ako sa pc set ni Kuya, alam naman ni Kuya na ginagamit ko 'yon, kaya di na niya nilalagyan ng password.

Inopen ko ang google chrome at sinign-in ang gmail ni Kuya na naka auto-connect na. Kagabi pa ako curious na i-search 'yon. Dahil feel ko may mali eh. Hindi tama.... ang magkagusto sa kapwa lalaki.

Sinearch ko kay google ang mga kataga na...

What is the sign of being a gay, tinipa ko sa keyboard maingat 'yon, pagka pindot ko ng enter.... napapikit ako ng bahagya at pinindot ang unang lumabas...

9 Signs You’re Gay But Don’t Know It by Ava Thompson. Ang clinick ko. Naknang self-evaluation ito malala.

Curious lang naman ako, titingnan ko lang kung may sign ako. Kingina kasi ni Baltazar naknang nakakabakla siya...

Hey there, folks. Today, we’re diving into a topic that’s pretty darn important — understanding your own identity. Now, I ain’t no expert, but I’ve been through some stuff, and I’m here to share my two cents on “9 Signs You’re Gay But Don’t Know It.” So grab your metaphorical magnifying glass, ‘cause it’s time to explore.

Ayan ang pambungad sa article. Kingina. Self-exploring ba tawag ko rito? Pero bakit sakanya lang naman ako nakakaramdam ng ganito, potek.

1. The Unexplainable Crush

Ayan ang bungad. Binasa ko and detalye... at napamura ako.

You ever find yourself crushing on someone of the same gender and brushing it off as admiration? Yeah, been there. It’s like, “Am I just a super fan, or is there something more going on?”

Napamulsa ako sa pagkakaupo. Naging crush ko ba si Baltazar? Nah... admiration p'wede ba, lalo na nung nasa quiz bee, hangang-hanga ako sakanya. Naging fan niya talaga ako noong competition namin, pero crush hindi. So 50% palang tong number one, tama! Di ka pa bading, Manuel. Nag self-explore ka lang, tama.... tama.

2. Hiding Your True Self

Kanino naman ako magtatago, I have both cool parents. Feel ko ekis naman 'to kasi napapakilala ko naman kung sino ako, sa loob ng bahay o sa loob ng school. So yeah, number two is ekis.

Batchelor Series #1: The ArchitectureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon