15

3.7K 97 25
                                        


Nawawala raw si Kuya Drakon. Nagpapanic na si Mama habang si Papa naman ay pinapakalma nito.

“Paano ako kakalma mahal! Si Pay-pay ang nawawala, hindi raw pumasok! Jusko po mahal, 12 na oras na wala ang anak natin!”

“Di ba nag chat sa'yo si Drakon? Ting-ting tingnan mo nga kung may chat ang kuya mo?” saad ni Papa sa akin.

Dali-dali ko naman tiningnan ang messenger ko kung may chat si Kuya, pero puro group chat lamang ang nandoon. Umiling ako. “Wala po, pa eh. Natanong niyo na po ba si Ate Fei? Baka gumawa ng thesis si Kuya?”

Si Mama sumagot. “Kay Fei nga mismo galing na nauna umuwi ang Kuya mo, dahil noong nakaraang araw pa raw tapos ang thesis nila.”

Kinakabahan ako. May bali-balita pa naman na nawawalang mga tao sa lugar. Pero alam ko naman kaya ni Kuya Drakon ang sarili niya, marunong 'yon mag takewondoo.

“Kumalma kayong dalawa. I-chat muna kung sino ang p'wede kasama ng Kuya mo, panatag ako nasa maayos 'yon si Drakon, baka na lowbat lang. Wag pangunahan ng takot, mahal.” si Papa habang niyayakap si Mama na lumuluha, ako naman kahit may kalakihan na sumiksik ako sa gitna nila, papansin lang.

Nasa ganoon kaming pwesto nang dumating sa bahay sila Edcel at John. Nakaporma pa ang dalawa. Si John ang unang pumasok nakasuot ito ng crisp white polo na halatang bagong plantsa, bahagyang nakabukas ang itaas na butones. Kumakapit ang slim-fit na itim niyang slacks sa mahahabang hita, at hindi mo maikakailang planado ang lahat—mula sa relo niyang minimalist hanggang sa maayos na bagsak ng buhok na tila laging pinaplantsa ng hangin.

Sumunod naman ang bulto ni Edcel naka pormal na polo na may manipis na guhit, tucked-in sa khaki slacks na walang gusot. May dala siyang black sling bag na mukhang mamahalin, at kahit simpleng sneakers lang suot niya, ang linis at ganda ng timpla. Sa buhok pa lang, kita mong ginamitan ng pomade, may hati sa kaliwa, at mukhang pinag-isipan.

Naknang.. parang aakyat naman sa ligaw ang dalawa kong utol na ito. Nahiya naman ang suot ko. Plain na white polo shirt at khaki short sadyang maangas lang ang dala ng belt ko na suot. Bwisit.

Nagulat ang dalawa sa mukha na dinatnan nila. Agad naman nagtanong si Edcel. “Anyari po? Tita at Tito?”

Ako ang sumagot. “Baka di matuloy gala natin guys. Eh kasi nawawala si Kuya Drakon eh... kanina pa raw siya hinahanap mag 12 hours na raw wala simula noong umalis siya sa school.”

Nagtinginan naman ang dalawa kong kaibigan. Si John naman ang nagsalita. “Paano po mawawala Tita? Eh nakita po namin ni Edcel si Kuya Drakon sumakay po roon sa mamahalin na kotche eh, may dala pa nga pong pc set si Kuya, kumaway pa po sa amin tapos tinanong kung saan po kami pupunta, sabi po namin pupuntahan po namin si Manuel.”

At dahil batikang oa ang nanay ko, nag-react agad ito. “Paano!! Mahal kung yung kotche na 'yon ang kumuha sa anak natin, tapos binenta ang lamang loob. Paano?!! Uso pa naman 'yon.” Naluluhang saad ni Mama. Gets ko naman si Mama, pero ang oa na talaga, si Papa naman ay nangisi nalang. Pinisil bahagya ang bewang ni Mama. “Sige Josephina, mag gaganyan ka sa harap ng mga bata, para kang kontrabida na nasiraan ng bait.” saad ni Papa.

Hinampas naman siya ni Mama, ngayon ay nahimasmasan na nasa harap s'ya ng mga kaibigan ko. “Pasensya na mga anak ha, nagpractice kasi ako oscar para roon sa slot na role sa FPJ, pasado ba?” tanong ng nanay ko sa dalawa kong kaibigan.

Pilit na ngumiti ang dalawa, narinig ko ang mahinang bulong ni John na sakto kaming tatlo lang ang nakarinig. “Sobra pa nga po tita eh... awat ka na po... hehe.”

Siniko ko ang tropa ko, baka di kami payagan ni Mama umalis. Under de saya pa naman 'yang tatay ko d'yan. Di lang halata.

“Nakita n'yo ba yung kasama ni Drakon sa kotche? Edcel at John?” si Papa ang nagtanong.

Batchelor Series #1: The ArchitectureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon