“Ang gara naman ng sasakyan mo,” saad ko. Isang ferrari ba naman pala ang sasakyan niya. Nasa likod ng school namin naka parking kaya wala rin nakapansin.Wow lokey burgis ata siya. Haha.
“Di ‘yan sa akin, regalo yan ni Mommy nung grumaduate ako high school.” aniya.
Tumango naman ako, di pa rin nawawala ang pagkamangha, paano ba naman kasi puro electric jeep lang ang afford ng bulsa namin, first time ko makasakay sa magarang sasakyan.
“Swerte mo naman pala kay Tita,” sambit ko. “kasi suwerte rin ako sa mama ko, masipag ‘yon sobra, bili ka minsan ng kakanin namin ha, friend naman na tayo.” dugtong ko, pagbibida sa trabaho ni mama, paano naman kasi ang yaman naman ng lalaki ‘to.
Di naman ako gold digger ha, nag endorse lang ako ng food namin, sana nga may food vlogger na mag content sa kakanin ni mama ko. Sa Pasig lang to oh, haha.
Kung sino man author sana ng story ko, gandahan niya plot ng buhay ko. Dream ko rin magkaroon ng sasakyan, yung unlimited na sasakyan.
Napatigil ako sa pagmumuni-muni, tinatawag na pala ako ni Baltazar. “Manuel hope in,” saad niya.
Bumalik ako sa wisyo ko at umupo sa shotgun seat. Mabango ang loob ng sasakyan niya ha, halata naman na high maintenance rin to si Baltazar, maarte rin to sa gamit, kagaya ko rin. Kaya minsan nasasabihan ako nila Edcel na maselan.
“Give me your address, Manuel.” saad niya habang pinapaandar ang sasakyan. Deym, mukha sya nakikipag race naka bukas kasi ang dalawang butones ng uniporme niya.
“123 Magsaysay, makita mo naman agad ‘yon kasi nasa harap lang bahay namin, kaya di rin ako makalaro kasi sa harap mismo ng kalye bahay puro sasakyan.” saad ko at preskong umupo. Anlamig tangina.
Nakakahiya man, tinapat ko ang aircon sa harap ko, nakita ‘yon ni Baltazar, nginitian ko lamang siya. “aircon baby kasi ako, kaya mataas kuryente namin, buti mahal pa ako nila Mama, Papa at Kuya.”
“Do what you want, I giving u an access.” saad niya sabay balik na ang pokus sa daan, naknang first time ko ma disney princess ha.
Narinig niyo guys, may consent na.
“May bluetooth ba car mo. Patugtog tayo favorite song ko, para di tahimik masyado, focus ka naman sa daan eh,” ani ko.
Tumango siya, tapos nag stop bahagya. May pinindot tapos may nagsalita. “Hi, how can I help?”
Naknang grabe artificial intelligence Integrated din pala ‘to.
“Wow may nagsasalita sa kotche mo, may iba pa bang tao rito?” saad ko.
Tumawa naman siya, yung kaninang tawa niya, yung labas ang complete set ng ngipin niya, naknang ampogi rin talaga ng facial features nya, naiingit ako slight.
Bakit kasi half espanyol lang si papa, si mamaa kasi hahanap nalang ng lalaki yung may bigote pa tipo.
“Wala si Siri ‘yon ai assistant. Akin na phone mo, i-connect ko sa bluetooth, ikaw na mag patugtog.”
Ay gago need daw phone, nahiya naman phone ko na lowbat tapos low end device na, since grade seven ko pa kasi gamit to, nakakahiya humingi kayla mama, since kapos din kami.
“Lowbat hehe.” I said, white lies. Half totoo, half hindi, lowbat talaga eh pero nahihiya rin ako at the same time low end device na kasi, kaya di na rin ako makalaro ng Mobile Legends.
“May charger here, you can charge, universal, type c meron.” he said.
“Naiwan ko pala sa bahay hehe,” palusot number two ko.
