Nakatulog ako sa byahe papuntang iskol. Naknang nagising nalang ako, tapat na kami, ginising ako ni Baltazar. Ang malala late na kami ng 5 minutes. Pagdating namin sa classroom naroon na ang adviser namin.“Mga anak, isang magandang balita ang ihahatid ko,” saad ng adviser namin. Si Ma'am Thecel, teacher namin s'ya sa Piling Larangan.
Dumako naman ang tingin ng mga kaklase ko kay Ma'am, nakita ko rin napadako ang tingin ni Baltazar doon.
Ganito kasi ang seating arrangement namin, sa harap ko si Baltazar, habang si Bal naman ay kaharap ang pisara, bale s'ya ang nasa unang hilera ako nasa ikalawa.
“Pipili raw ang principal natin ng isasali sa Billionaire Quiz Bee, isa ‘yon patimpalak kung saan, may tsansa manalo ng isang milyon ang finalist. Kailangan daw ng dalawang representa sa klase,” malumanay na saad ni Ma'am Thecel.
Nagtaas naman ng kamay si Archie, ang mapagbiro sa klase. “Paano nangyari ma'am na isang milyon lang yung price, pero yung title is Billionaire, para naman po ako non niloloko harap-harapan.”
Tumawa ang klase, kahit ako ay nakangisi. May point naman ang kaklase ko.
Napanguso nalang ang adviser namin. “Itanong mo nalang ‘yan nak sa production team ng TV5.”
“Diba po ma'am pag teacher, dapat may sagot ka po sa student, araw kuuu puu ma'am.” sabi ni Archie, tumawa nanaman ang klase.
“Ikaw talagang bata ka. Umupo ka na nga roon, makinig na kayo sa sasabihin ko.” ani ni Maam. Alam n'yo yung vibes ni Ma'am na kaya n'ya sabayan humor ng mga Gen Z, kaya di kami nagtaka s'ya yung nanalo bilang Student Choice Award.
Umupo na si Archie, nakinig naman na ang lahat sa sasabihin ni Maam. “Ngayon pipili tayo ng dalawang representa sa klase na ito.”
“Sila Baltazar at Manuel ma'am sure ball po panalo tayo,” si Alexia isa sa mga kaklase namin ang nagsalita.
Ang klase naman ay sumang ayon…. maliban nalang nang nagtaas ng kamay si Beatrice. “Hindi po ba, dapat isang babae at isang lalaki po ang kalahok, para fair po sa side naming mga girls.”
Tiningnan ko naman ang mukha ni Baltazar, nagtangis ang panga niya tila ba may narinig na hindi maganda. Nakasalubong ang makapal nitong kilay at dumako ang tingin sa parte ni Beatrice.
Ang iba naman kong kaklaseng babae ay tila ba sumang-ayon lalo na ang side ng mga babae.
“Totoo ma'am, mas bagay po si Manuel at Beatrice i-pares tapos sa research congress nalang po si Baltazar,” saad ni Corine.
Ramdam ko naman ang ibang awra ni Baltazar, katakot. Parang mananapak sya anytime haha. Gago, nagseselos ba s'ya na pinares ako kay Beatrice, ayaw pa kasi umamin nitong ni Baltazar na gusto nya si Bea.
“Papayag kaba Baltazar na ikaw nalang anak sa research congress tapos si Beatrice and Manuel ang ilalaban sa quiz bee, naka broadcast naman ‘yon, anak. Makakanood ikaw at ang mga kaklase mo,” alok ni Ma'am Thecel.
“No. If she wants the place with Manuel, we can have a mock quiz bee who will be in that particular place, maam.” madiin niyang saad.
Napasinghap ako, grabe naman tong best customer namin, palaban. Tsumastansing talaga kay Beatrice, grabe mag first move, ayain ka ba naman labanan sa mock quiz bee.
Nagulat naman si Ma'am sa naging asta ni Baltazar, tumango naman s'ya at bahagyang nag-isip. Nang matapos, tinawag n'ya sila Baltazar at Beatrice. Nakadako lamang ang tingin ni Baltazar sa akin, ayan nga tol…. show Beatrice who you are, ang ship ko lumayag naknang.
