“Manuel. Please we need his insight, since ikaw naman yung kaklase niya. Kaya sa'yo ko na ibinigay ang gawain, magkaklase naman kayo,” saad ni Angeline. Ang editor in chief ng publication sa school.
Nakakabanas naman, sa dami-dami nang binigyan na task doon pa. Doon pa sa kumag na ‘yon. Ang yabang-yabang pa non.
Infact, he hates journalist pa. Tangina. Narinig ko kaya, kesyo dami raw namin reklamo sa buhay. Palibhasa, stemazing s'ya kaya naka-angat sya ng .5 this quarter, kasi sumakto ang excuse niya sa final exam, lmao.
“Ayaw ko, Ange. In all of the people on earth. Why him pa? He's not so relevant with our publications and he's an anti-journalist.” I said, pantay ang dalawang kilay.
“I have no choice rin, Manuel. Si Doc Feliz ang nagsabi, tsaka ikaw ang pinakamalapit na person if ever, diba magkaklase naman kayo.”
“Ayaw ko nga. Ang yabang ng isang ‘yon, nakalamang lang sa grade namin this sem. Akala mo na kung sino.” I said, nakakabanas pa rin.
“Grabe may rivals pala na nagaganap, grade eleven palang kayo, pag-grade twelve or college, to survive nalang motto niyo,” saad ni Angeline.
Pake ko. Ang Baltazar naman na ‘yon ang nauna. Yung kamag-anak ng mga Lopez, mga feeling relevant sa philippine history.
“Whatever. I won't take that. Interview my face. Kung alam mo lang kung gaano kayabang ang gago na ‘yan, ikaw na ang back-out pag nakita mo.”
“Parang di naman siya mayabang, Man. Ang cool kaya ni Baltazar, if ayaw mo Manuel, ako nalang. Pero kasi may sports pa ako na isusulat. Buhay grade twelve eh,” saad ni Harvey. Isa sa mga sport writer sa publication.
“Then take it. Swear guys. If ako binigyan n’yo ng task sa mokong na ‘yan, isang taon dapat ang deadline.” I said.
“Please, Manuel. For the sake of publication, Baltazar is building a fame on the internet. You saw the latest post of ppoz chika, he's there, stolen pa ‘yon, pero maraming nagkakagusto sa kanya. And we can use that to have engagement sa views ng fb page and our school to be relevant. Just this matter. Treat kita milk tea, tsaka three questions lang naman ‘yon.”
Wait, three questions lang naman, isipin mo Manuel, 2 minutes per question, so bali may 6 minutes ka. Then a milktea. Okay na ‘yon.
Alam talaga kunin ng babae na ‘to ang kiliti ko. “Deal, basta strawberry flavor ha. Kailan ba magsisimula?” I asked.
“If you want, you can start now. Vacant niyo right? Since wala si Ma'am Laudencia, nasa conference. You can ask him na. Then pag natanong mo na, just sent it to my dm, ako na bahala mag write ng article roon.” Angeline said. Nakangiti na ang babae, kahit sino naman kasi matatakot sa awra ng nerd na ‘yon.
Ewan ko ba bakit may nagkakagusto sa lalaki na ‘yon. Para lang naman siya hunk na may salamin. Walang wow factor. Mas gugustuhin ko pa magkaroon ng chinita na jejemon, kaysa makausap ang loko na ‘yon.
I'm on my way sa room namin. Wala na ang teacher namin, excused naman ako since important matter ang nakalagay sa letter. Importante pala ang lalaki na ‘yon.
And speaking of him. Lumibot ang paningin ko para hanapin si Baltazar. Damn! Wala siya sa room, siguro nasa cr? Eh bakit ako mag-adjust. Alam ko, ako may kailangan pero pwede makiramdam nalang siya.
Napatigil ako nang may bigla bumangga sa daanan ko. Isang bulto ng lalaki. “You’re blocking the way.” aniya. Aba! Gago to ha.
“Nasa gilid talaga ako, kita naman ha. Sinasadya mo ba?” pabalang kong saad.
